Kabanata 25

25 5 0
                                    

Written by WildestRebel

"Wag na nga tayong pumunta dun, mapapagalitan lang tayo.."

"Kung ayaw mong sumama, edi wag!"

Pinigilan ko ang bata. Hinila ko ang kaliwa niyang kamay. "Tara na umuwi na tayo. Baka mapahamak lang tayo."

Nagpupumiglas siya at kapwa kami natumba. "Ikaw kasi e! Pakialamera ka!" pagkatapos ay mabilis siyang tumayo at tumawid sa kalsada.

Sinubukan ko pa rin siyang pigilan. Masakit man ang aking tuhod ay pinilit kong makatayo. Maya-maya.. may narinig akong isang napakalakas na tunog.. tunog na tila ay may na-aksidente.

"Yung bata! Nasagasaan!"

"Itakbo na natin sa ospital!"

Narinig ko na lang ang hiyawan ng mga tao. Nanigas ako sa kinatatayuan habang tinitignan ang mga dugong nagkalat sa kalsada.

"HINDI!!!" sigaw ko at agad akong napaupo sa kama. Pawisan. Nagbalik na naman ang bangungot na laging dumadalaw sa'kin. Halos habulin ko ang aking hininga dahilan upang magtaas-baba ang aking dibdib. Shuta para akong hinabol ng dinosaur sa panaginip.

"Wala akong kasalanan. Siya ang shungang tumawid sa kalsada." bulong ko naman para mapakalma ang aking sarili. "Siguro ung kalsada ung may kasalanan. Kasi kung wala 'yun, wala naman siyang tatawiran." dagdag ko pa.

Bumagsak na naman ako sa kama. Naramdaman ko ang pagyakap ng kalambutan nito mula sa likod ko. Ang sarap sa pakiramdam.. Inaantok na naman ako..

"Late na pala ako!" sigaw ko nang mahagilap ng aking paningin ang orasan. Hindi na ako naligo, nagtoothbrush na lang ako gamit syempre ang mineral water, pampatibay ng ngipin. Saan ko nalaman? Basta ayun ang paniniwala ko. Mabilis kong sinuot ang ragged pants at isang sleeveless red blouse. Walang uniform sa school namin e. Pwede ka ngang mag-panty kung.. kaya mo lang naman. Sinubukan ko nga 'yun isang beses, tuwang-tuwa yung mga kaklase ko kasi hindi na kami nagklase. Tinamad yung mga prof na magturo, umalis 'nung makita ako. Hahahahaha!

*-*-*

"Ms. Ramirez!!" sigaw agad ni Mr. Agustin nang makapasok ako sa loob ng classroom. "Late ka na naman! Hindi ka na ba nagtanda ha? Tignan mo nga 'yang hitsura mo, mukha ka bang papasok sa eskwelahan. Ano na lang.." Hindi ko na pinakinggan pa ang sermon niya, dali-dali akong nagtungo sa dulo ng classroom at umupo na sa upuan ko. Ako yung babaeng walang modo ngunit may dodo. "Huling beses mo na 'to, Ms. Ramirez. Hindi ka na makakapasok sa silid na 'to kung mauulit pa ang ganyan mong ugali!" bulyaw pa niya. Halos magpantig na ang dalawa kong tainga dahilan upang mapangiwi ako.

"Pasensya na kayo, Mr. Agustin. Hindi na ako male-late bukas, siguro sa isang araw naman." ngumisi ako habang nilalabas ang isang pink na notebook at violet ballpen na may disensyong puso.

Napailing na lang siya at agad na humarap sa whiteboard. Kinuha niya ang isang marker at agad na nagsulat ng mga activities. Nakakabagot naman talaga sa klase nito. "Magpapaquiz na lang ako." agad na nagulantang ang lahat.

"Wala pa naman po kayong tinuturo." pagdadahilan ni Andy. "Oo nga, Sir." agad siyang ginatungan ni Vina.. tog. Joke! Hahahaha!

Napailing na lang ako. Sigurado naman na ako na naman ang magiging highest dito e. Brainy yata 'to noh!

"Responsibilidad ninyo bilang mga estudyante ang magbasa ng libro. Sana pinag-aralan na ninyo ang susunod na chapter!" nakangisi ito at puno ng paninisi ang bawat salitang binibitawan.

Mabilis naman natapos ang quiz. 20 items lang naman ito. As usual, ako na naman ang highest. Duh?! Nakakuha ako ng 5/20. Di na masama, diba?

Hindi naman ako makapag-concentrate sa mga tinuturo ng mga professors ko. Inaalala ko lang ang nangyari kahapon. Nasaan kaya sila? Hinahanap ba nila ako? Agad akong napangisi sa naisip ko. Kung hinahanap nila ako ay makikita naman nila ako agad sa dami ba naman ng kanilang pera.

"Ms. Ramirez, may problema ba?" tanong ni Mrs. Flores. "Natatawa ka na lang bigla diyan." dagdag pa niya.

Umiling naman ako pagkatapos ay ngumiti. "Wala naman po. Ayos lng ako." paniniguro ko pa.

Natapos ang klase at agad akong dumiretso sa restaurant ni Mr. Saavedra.

*-*-*

"Hi Steph!" masiglang bati ni Ursula. Inabangan niya ata talaga ako dito sa labas ng restaurant.

Napaismid naman ako. "What do you need?" walang-gana kong sagot habang tinitignan kung may dumi nga ba ako sa kuko.

"All I need is Luke." sumimangot ang mukha niyang kanina lang ay nakangiti.

Ngayon ay ako naman ang ngumiti. "Edi sayo na." tugon ko naman at akmang papasok na sa loob nang biglang hawakan na naman niya ang kanang braso ko pagkatapos ay sapilitan ako pinaharap sa kanya.

Tuluyan nang nagbago ang timpla ng pusit na 'to. "So.. hindi ka talaga seryoso sa kanya? Pinaglalaruan mo lang ang feelings ni Luke?" nanlaki ang mata niya habang mahigpit pa ring nakahawak sa braso ko.

"Bi-ta-wan mo a-ko." dahan-dahan pero madiin kong pagbabanta sa kanya.

Ngumisi naman siya. Nababakas pa rin sa kanyang mukha ang nangyari kahapon pero nakaya pa rin niyang makapaglipstick. "Wag mong sasaktan si Luke.. kundi makakatikim ka ng.." mabilis ko namang nailagan ang sampal niya.

"Di ko pa nga nasasaktan, sasampalin mo na ako?" giit ko habang inaayos ang sarili ko. Wala akong gana makipag-away ngayon. Inaalala ko kung baka bumalik na naman sila dito sa resto.. baka makita na nila ako..

Gigil na gigil si gaga. Inututan ko na lang siya kaya ayun nanigas na sa kinatatayuan niya.

"Ang baho ng utot mo Steph!" sigaw pa niya na narinig ko bago ko isarado ang pintuan.

Agad akong nagpunta sa locker para magpalit na ng damit. Pwede ko bang butas-butasin 'tong slacks? Habang sinusuri ko ang susuotin ko may narinig akong mga yabag sa likuran ko..

"Steph!" masayang bati ni Becca. "I miss you!" dagdag pa niya pagkatapos ay yumakap sakin.

"Punyeta ka Becca!" bati ko naman habang tinutulak siya palayo. Tinitigan ko siya. Maganda naman 'tong si Becca kulang lang sa lipstick. Agad kong kinuha ang make up kit ko at nilagyan siya ng kaunti. "Ayan! Lumandi ka naman paminsan-minsan!" bulyaw ko pa.

Sabay na kaming nagtungo sa kitchen. Agad kong napansin ang nakatinging si Luke. "Hi Steph." binigyan niya ako ng matipid na ngiti pero mabilis din naman siyang tumalikod at nag-asikaso ng mga gawain.

Nilalayuan ba ako ni Mr. Hottie? Siniraan kaya ako ni Ursula o tungkol 'to sa nangyari kahapon?

"Mr. Hottie.." tawag ko sa kanya. Hindi ko pwede sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ako umiwas 'nun.

"Steph!" sigaw ng isang crew. "May mga bagong dating.. ikaw na muna ang mag-asikaso." medyo matanda na siya, kaya halos lahat ay napapasunod niya.

Muli kong tinignan si Mr. Hottie pero hindi man lang niya kayang lumingon sa'kin.

-----------------------------------------------------------

Aww! May tampo si Mr. Hottie kay Steph!

Salamat sa pagbabasa! Keep on voting! ahihihihi!

Mwaaaaaaa!

He's Not My Type (On-Going)Where stories live. Discover now