NH Chapter: 37 (The Finale) ❤️

Start from the beginning
                                    

Photo CTTO

"Ang cute!" Kinikilig na turan ni Brae saka nilapitan ang kama

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




"Ang cute!" Kinikilig na turan ni Brae saka nilapitan ang kama.

"Tsss... Ang dami talagang arte nito ni Lucas." Napapailing na sambit ni Matt saka lumakad sa gawi ng kabinet para ilagay ang kanilang mga gamit doon.

"Ang cute kaya." Sagot lang naman ni Brae bago pabagsak na inihiga ang kanyang katawan sa kama habang nakalaylay ang paa sa sahig.

Habang abala si Matt sa pag-aayos ng kanilang mga gamit, ay sandali niyang nilingon ang dalaga na ngayon ay nakahiga na sa kama. Nakita niya na nakapikit ang mga mata nito na animo'y sinasariwa ang oras na iyon.

Napangiti naman si Matt at biglang nakaisip ng kalokohan. Dahan-dahan itong lumapit kay Brae at palihim na sinipat ang kabuuan ng kanyang asawa. Sinimulan niyang tingnan ang mga binti nito papunta sa makinis na hita ng dalaga. Para namang may naudyok kay Matt na haplusin pataas ang balat ni Brae, hindi man aminin ay parang nag-iinit ang sistema ni Matt nang mga sandaling haplusin niya ang makinis nitong balat.

Mabilis namang napamulat si Brae nang maramdaman ang mainit na palad ng kanyang asawa, "Love, anong ginagawa mo?" Natatawang sambit ni Brae saka pinagdikit ang kanyang mga hita.

Hindi naman nagsalita si Matt at mabilis itong tumayo para paibabawan ang kanyang asawa, "Love..." Namamaos na usal nito na parang naging isang ungol na dahil sa dating nang pagsambit niya ng katawagan nilang iyon

"L-love... Swimming na po t-tayo." Nauutal na sambit ni Brae dahil sa lagkit nang tingin ng kanyang asawa. Palihim niyang ibinaba ang puting sundress na kanyang suot para kahit papaano ay maitago niya ang kanyang saplot pambaba, na bahagyang bumungad dahil sa ginawang paghaplos sa kanya ni Matt kanina.

"Mamaya na Love," Ani Matt saka isiniksik ang mukha nito sa leeg ng dalaga. "I want you." Bulong nito sa tenga ni Brae dahilan para magtaasan ang mga balahibo nito sa buong katawan.

Napapikit si Brae sa pabulong na pagsambit na iyon ni Matt at wala sa sariling napakawit ang kanyang mga braso sa leeg ng kanyang asawa.

Nagsimulang gawaran ni Matt nang mumunting halik ang leeg ni Brae papunta sa punong tenga nito. "Hmmmm..." Nananabik na ungol ni Brae nang maramdaman niya ang malayang kamay ni Matt na humahaplos sa pagitan ng kanyang mga hita.

Habang nasa kalagitnaan ng kanilang mga halik, unti-unting kinalas ni Matt ang mga butones ng suot ni Brae na bestida. Nang mapagtagumpayan niya itong tanggalin, inalalayan niya ang dalaga na hubarin nang tuluyan ang suot nito at tumambad ang kurbado nitong pangangatawan.

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now