Chapter Seventeen

4.6K 147 15
                                    

CHAPTER SEVENTEEN
His Sister

Tinanghali ako ng gising ngayong umaga dahil late na rin ako nakauwi kagabi. That club is so pahamak talaga. Tss. Nastuck pa ako kagabi kasama 'yong Conyo guy bago ako nakauwi. Matagal pa kasi bago nakarating kaagad si Ran at Yas.

Masyado yatang nastress ang neurons ko kagabi sa pagintindi ng pananalita nung lalaki. I didn't even know his name. Hindi ko na naitanong dahil walang pigil ang pagddrama niya kagabi. Gusto ko ngang matawa dahil umiiyak na siya't lahat pero conyo pa rin.

Kaya ito, wala akong ginawa kundi ang pisilin ang braso ko habang nagk-klase kami ngayon sa Business Ethics. Hindi bale na, five minutes na lang ay makakalabas na ako rito.

"And for your take home task."

Dahil sa sinabi ni ma'am na 'yan ay na-discover ko ang natatago kong talent; ang umirap nang nakapikit. Nakakakiliti pa nga sa ulo eh. Hihi.

Nang i-dismiss kami ay lumabas kaagad ako para matulog sandali sa library. Oo, matino akong estudyante eh. Hay. Now I am really thinking of ditching that club! Una, ginugutom lang ako eh. Ngayon, kinukuha na rin ang time ko para matulog.

Katulad nga ng naisip ko ay pumunta ako sa library. Nanghiram nang malapad na libro para maging props. At matutulog na nga talaga ako. Hindi ko na namalayan kung saang section ako napunta para umupo dahil sa antok.

Kung wala lang klase si Yas o Ran ngayon ay nagpadala pa ako ng unan sa kanila. O kaya naman sa sasakyan ako ni Ran matutulog. Kaya lang baka sigawan lang ako noon dahil magsasayang ako ng gasolina. So now I've settled here sa library.

Matutulog na ako.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Basta ang nararamdaman ko lang ngayon ay parang lumilindol. Agad akong napatayo at nawala ang pagkaantok.

"Lindol!"

Napatingin ang ilang estudyante sa akin. Unti unting nawala ang panlalaki ng mata ko dahil sa kaba at napalitan ito ng pagkahiya. Kinuha ko kaagad ang gamit ko at mabilis na nagsauli ng libro.

Tae. Nakakahiya iyon ah! Hinding hindi na ako matutulog sa library. Sira na ang reputasyon ko roon. May isang Student Assistant yata na nakakita sa embarrassing everrrr scene ko kanina!

Nakahinga ako nang maluwag nang makalayo ako sa library. Tinignan ko ang schedule ko kahit alam ko naman ang susunod na subject ko talaga. Just making sure lang at baka magkamali na naman kasi ako.

My life today is really uninteresting! Ang boring talaga hanggang sa last class ko. As usual ay naghihintay ako rito sa hallway kina Ran at Yas para makauwi ako. Kahit ayokong magtanong pa si Yas kung anong nangyari kagabi sa club ay gusto ko pa rin naman silang hintayin. Free ride eh. Joke!

"Hey, Natalie!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Really? Kung hindi siya ang makakakita sa akin ay ang kapatid niya naman?

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon