Nakaupo na ako ngayon dito at narinig ko na bumuntong hininga na lang si Venus bago ito nagsalita, "Alam ko Maiden mahirap paniwalaan ang mga sasabihin ko ngayon sa'yo." Panimula nito sa kanyang sasabihin.

"Pero gusto kong humingi ng tawad sa'yo. Alam ko na hindi maganda ang naging pagsasama natin sa club at staff house, pero Maiden umaasa ako na sana mapatawad mo ako sa lahat ng kagagahan na ginawa ko sa inyo ni Matt. Na-realize ko kasi nitong maaksidente ako, na maikli lang ang buhay para gumawa pa ako ng kasamaan. Masyado akong nagpalamon sa selos at inggit ko sa'yo, inggit dahil nasa'yo ang taong pinakamamahal ko." At sa puntong iyon ay dire-diretso na sa pagbagsakan ang mga luha ni Venus, na halatang nagsisisi sa kanyang mga nagawang kasalanan.

Nagulat ako sa kanyang mga ibinulalas, ngunit mas pinili ko pa rin ang manahimik upang mas maintindihan ko ang saloobin at hinaing nito. Mga hinaing na siyang nakapagpasakit kay Venus, upang makagawa ng mga bagay na sa tingin ko ay labag sa kanyang kagustuhan.

"Oo Maiden, tama ka nang narinig, minahal ko si Matt. Siya lang kasi ang nagbigay sa akin ng respeto't kalinga na hindi ko nakita sa kahit na kaninong customer ko sa club. Maalaga siya, hindi nananamantala dahil sa baba ng klase ng trabaho ko, pero magkaiba kami ng nararamdaman. Kaya inisip ko na bakuran si Matt, sa lahat ng babaeng aaligid sa kanya." Anito saka pinunasan ang kanyang mga luha sa magkabilang pisngi.

"Kaya no'ng dumating ka? Mas nabahala ako, dahil sa tingin ko ay ang tulad mo ang tipo ni Matt. Kaya mas naging sakim at gahaman ako na mapasa-akin ang lalaking minimithi ko. Patuloy lang akong kinakain nang inggit ko para sa'yo, kaya nakagawa ako ng masama. Sinadya kong patulugin si Matt para magawa ko ang mga plano ko at nagtagumpay nga ako." Natawa pa si Venus ng bahagya nang sambitin niya ang huling salitang iyon.

"Akala ko ay nagtagumpay ako na sinarain ang relasyon niyo pero hindi, dahil mas naging matibay pa kayo kesa sa inaakala ko. Gustuhin ko mang tigilan ang gawan kayo ng masama, pero itong lintik na inggit ko ay talagang gustong sirain kayo at nakaisip na naman nang kagagahan na ipa-ako kuno kay Matt ang magiging anak namin. Kahit wala naman talaga." Anito saka ako tiningnan diretso sa aking mga mata.

"Maiden, alam kong walang kapatawaran ang lahat ng sakit na naidulot ko sa relasyon niyo ni Matt. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko. Maiintindihan ko kung kamumuhian mo ako sa kabila ng kagagahan ko, pero Maiden, sana balang araw ay mapatawad mo rin ako at maging magkaibigan tayo, kahit na alam kong imposible't huli na itong mangyari pa." Humihikbing saad ni Venus sa akin, na patuloy pa rin sa kanyang pagluha.

Nakita ko ang senseridad sa kanyang mga mata at alam ko na nagsisisi na si Venus sa lahat ng kasalanan na nagawa niya. Kung ang Diyos nga ay nagpapatawad, sino ako para hindi magpatawad sa kapwa at magmataas pa?

Tumayo ako sa aking pagkakaupo at lumapit kay Venus. Hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay sabay sabing, "Pinapatawad na kita Venus, hindi ako perpekto pero nagpapasalamat ako dahil hindi ka nagdalawang isip na humingi ng tawad sa lahat ng nagawa mong kasalanan. Sana palayain at mahalin mo rin ang sarili mo, para na rin sa kabutihan mo." Nakangiti kong saad sa kanya at sa isang iglap lang ay nag-iiyakan na kaming nakayakap sa isa't isa.

Nang maghiwalay kami sa aming pagkakayapos, ay biglang hinawakan ni Venus ang aking tiyan, "Ilang buwan na si Baby?" Anito habang pinapawi ang kanyang mga luha.

"Anim na buwan na." Nakangigi ko namang sagot sa kanya bago umupo sa gilid ng kanyang kama.

"Grabe ang bilis ng panahon— Sayang lang, at meron na rin sana akong isang ganito kung hindi ko ito pinalaglag."

Nangunot naman ang aking noo sa sinabing iyon ni Venus, bago ito nagsalitang muli, "May Baby na rin sana ako, kaya lang pinalaglag ko siya dahil hindi ko alam kung sino ang Ama ng bata." Malungkot na turan nito sa akin.

Dagki ko namang hinawakan ang kanyang mga kamay, upang kahit papaano ay mabawasan ang lungkot na kanyang nararamdaman sabay sabing, "H'wag ka nang mag-alala Venus, makakahanap ka rin ng lalaking tunay na magmamahal sa'yo." Nakangiti kong sambit sa kanya kaya nagkangitian na kaming dalawa.

"Basta ninang ako ni Baby ahh..." Masiglang turan ni Venus.

"Oo ba, pero ayoko ng pasaway na ninang ah." At sa puntong iyon ay nagtawanan na kaming dalawa dahilan para bilang pabalang na bumukas ang pintuan.

"Love..." Humahangos na usal ni Matt nang marinig ang halakhak namin ni Venus.

"Hay nako Mr. Montenegro, h'wag ka ho mag-alala dahil wala akong ginagawa sa pinakamamahal mong Love. Tssss." Sarkastikong wika ni Venus dito, dahilan para magtawanan ang aming mga kaibigan na kakapasok lang din sa kwarto.

Mabilis ko namang nilapitan si Matt sabay sabing, "Wala pong problema, Love... Nagtatawanan lang kami ni Venus." Nakangiti kong sambit dito, kaya't tuluyan nang kumalma ang naghuhurementadong sistema ni Matt.


End of Flashback


Napabalik na lang ako sa realidad nang maramdaman kong may humalik sa aking labi, "Love, tulala ka po?" Ani Matt saka pumulupot ang mga bisig nito sa aking lumalapad na bewang.

"M-may naisip lang ako, Love." Nakangiting turan ko sa kanya saka ikinawit ang aking mga braso sa kanyang leeg. "Grabe Love, ang bigat na ni Maddie." Unggot ko dahil mas bumibigat na ang sanggol sa aking sinapupunan.

"Tiis lang Love, one month na lang at lalabas na si Baby." Lambing naman ni Matt sa akin kaya isinandal ko na lang ang aking pisngi sa matipuno nitong dibdib.

"Oo nga eh, nasasabik na akong makita siya."

"Thank you Love." Biglang usal ni Matt kaya't mabilis akong napahiwalay sa pagkakasandig ng aking pisngi sa kanya.

"Bakit ka naman nagte-thank you?" Kunot noong tanong ko rito pero nandoon naman ang ngiti sa aking labi.

"For coming into my life. Dati kasi akala ko noong nawala si Mommy Em ay wala nang saysay ang buhay ko, pero dahil sa'yo nagbago ang lahat nang iyon. Kaya po ako nagte-thank you." Aniyo bago bahagyang pinisil ang aking ilong.

Mabilis ko namang sinuway ang kanyang kamay sabay sabing, "A-aray ko Love... Ang laki-laki na nga ng ilong ko, pinipisil mo pa." Nakanguso kong turan habang hinihimas ang nangangamatis kong ilong.

Naramdaman ko na lang na ginawaran ako nito nang isang mapagmahal na halik sa labi, na agad ko rin namang tinugunan.

"I love you." Namamos na usal ni Matt sa pagitan nang aming matatamis na mga halik.

"I love you too, Matt."



*****

"Forgiveness"

It's one of the greatest gifts you can give yourself, to forgive. Forgive everybody.

-Maya Angelou

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now