Mabilis namang umikot si Matt sa shotgun seat para alalayan ang kanyang kasintahan pababa ng kotse.

"Thank you." Nakangiting sambit ni Brae saka iniabot ang kamay sa kanyang nobyo.

Mabilis namang umikot si Matt sa driver's seat bago sinabihan si Venus, "Hop in, baka malate pa tayo." Iritableng anas ng binata rito at mabilis na sumakay sa sasakyan na hindi man lang inalalayan si Venus na makasakay.

"Letse!" mahinang bulalas ni Venus at padabog na lumakad papunta sa passenger seat. Nang makasakay ito ay sarkastikong nginitian lang nito si Brae sa backseat, na parang nang-aasar pa.

Binuksan naman ni Matt ang makina ng kanyang sasakyan saka ito pinatakbo papalayo sa lugar na iyon.

Habang nasa biyahe ay hindi mapawi ang sigla na bumabalot sa mukha ni Venus ngayon. Walang pagsidlan ang kasiyahan ng awra nito dahil nasunod ang kanyang kagustuhan, "Anak, nakita mo 'yan ha. Mahal na mahal ka ni Daddy, sasamahan pa tayo magpacheck-up." Kunwaring wika ni Venus sa kanyang tiyan habang hinihimas-himas pa ito.

Hindi naman nag-react si Matt sa sinabi nito at tiningnan lang ang kanyang kasintahan sa rearview mirror. Tumango lang si Brae sa kanya na parang may ipinapahiwatig.

"Venus, kay Dra. Cristobal na tayo magpapacheck-up." Diretsong saad ni Matt habang nakatuon ang atensyon diretso sa kalsada.

"Ano?!" Histerikal na sigaw naman ni Venus nang marinig ang sinabi ng binata. "Maiden, 'di ba nag-usap na tayo kagabi na kay Doc. Antonio ako mapapa-check-up?" Inis na anas nito nang lingunin nito si Brae sa likuran ng sasakyan.

"No, Venus, kay Dra. Cristobal tayo. Tutal iyon din naman ang Doktora na nagche-check-up kay Brae. Kaya roon ka na rin, h'wag kang mag-alala dahil magaling siyang doctor." Diretsong saad pa ni Matt rito.

Hindi naman magkaintindihan si Venus sa kanyang kinauupuan ngayon, mukhang nabahala ito sa pagbabagong ibinulalas ni Matt sa kanilang mga plano kagabi. Aburidong kinagat-kagat nito ang kanyang mga kuko na animo'y nag-iisip nang kanyang pwedeng ipalusot sa mga ito.

Nasa ganoong isipin si Venus nang biglang magsalita si Matt, "And one more thing, ipapa-DNA natin ang anak mo ngayon just to make sure na akin talaga ang batang 'yan." Seryosong usal pa ni Matt habang diretso ang atensyon sa kanyang pagmamaneho.

"No, Matt! Hindi ako makakapayag! Sa'yo itong batang ito. Bakit mo ba ako pinagdududahan? Ginawa naman natin itong batang ito nang punong-puno ng pagmamahalan." Histerikal na saad ni Venus na halos pagpawisan na'ng malamig dahil mukhang naiipit na siya sa ginawa niyang kalokohan.

"You don't have to worry about it, Venus. Aakuin ko ang bata kapag nag-match ang DNA namin."

Nag-isip panandalian si Venus kung ano ang pwede niyang ipalusot sa mga sinabi ni Matt, hanggang sa makaisip ito nang isang mabisang paraan upang hindi matuloy ang napag-usapan nilang pagpapatingin sa doktor.

"Hmpf! Hindi rin matutuloy ang pagpapa-DNA mo sa magiging anak natin, Matt. Dahil posible lang ang DNA kapag nailuwal na ang bata." At sa puntong iyon ay taas noong hinarap ni Venus ang magkasintahan, na parang sinasabing hindi nagtagumpay ang mga ito sa kanilang binabalak.

"Doctors, have an advance procedure for that matter, Venus. Kaya kahit nasa tiyan mo pa ang bata ay pwede nang ma-match ang paternity." Diretsong saad ni Matt, para pabulaanan ang sinabi nito.

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now