Chapter 16: Jealous?

Start from the beginning
                                    

Mr. Santos' reaction was priceless, parang gusto niya pang sumagot pero alam niya na matatalo lang siya. Hanga naman ako dito kay Orion for defending me. I owe him my job! He grabbed my wrist "We're going now" Hinila niya ako palabas ng meeting room. Now I noticed, he looks annoyed about the incident, but trying to be calm. Hila-hila niya ako hanggang makarating kami sa office ko "Hey." He loosen his grip. "Orion, sorry." I apologized. Nahihiya kasi ako sa nangyari, nahihiya ako sa kanya.

"Don't worry about it." Sabi niya na kalmado pa rin.

"Promise 'di na ko matutulog." Tinaas ko pa ang kanang kamay ko, as if I'm taking an oath.

"Try to watch your actions when Mr. Santos is around. Understood?"

I nodded. "Ok."

"Gusto mo na ba umuwi?" He asked, napangiti naman ako, not because of his question but because he spoke in tagalog. "Bakit ka nakangiti?" Bakit ba ang cute niya talaga tuwing nagsasalita siya ng tagalog? 

"You!"

"What?" He asked, confused.

"Nagtagalog ka kasi." I smirked at him.

 Napanganga siya sa sinabi ko. "Ahh ikaw kasi eh."

"Anong ako?"

"Because you were nakasimangot kanina. Just trying to make you smile."

"Ahhh.." Darn, bakit parang kinikilig ako? Oh shoot! Ano b'ang sinasabi ko? He scratched his head "Uhmm are you hungry already?" He asked.

I nodded. "Medyo?" Sagot ko. He smiled "Let's eat. I'm hungry na." Katulad na lang ng lagi naming ginagawa, doon ulit kami sa resto malapit sa office kumain ng brunch. Everyday ganito, sabay kami kumain ng lunch. Dati medyo awkward, pero ngayon parang sobrang komportable na ako sa kanya. Aaminin ko talagang mabait siya. Noong una akala ko mayabang at jerk. Well, medyo jerk pa rin naman siya. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na agad kami sa kotse niya para sana bumalik na sa office. "Hey gusto mo mag-mall?" He asked out of the blue. Mag-mall daw? 


"Mall?" I repeated.

"Yeah. Mall. The girls' favorite place to shop whenever they want." Paliwanag niya.

"Now?" Tanong ko naman, kasi may trabaho pa kami ngayon.

"Opo." 

I pouted. "Bakit naman?" I crossed my arms. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya, ang strict niya kaya kapag trabaho ang pinag-uusapan, but now he wants us to ditch our work.

"Masama? Kasi po yesterday you were crying. Maybe shopping can make you happy." Sabi niya habang tuloy lang sa pagda-drive. Napangiti ako na parang bata. Shopping daw kasi. 

"Talaga?"

"Talaga." He smirked. Para naman akong bata na tuwang-tuwa. "Okay!" Ayun dumiretso kami ng mall. Narealize ko na mga ten years na yata ako hindi nakakapagshopping. Pero syempre expression ko lang 'yung ten years, ang equivalent ng ten years ko ay 1 month.

Pagpasok namin ng mall, sa amin na naman nakatingin ang mga tao, center of attraction lagi. Maybe dahil sa kapre kong kasama. Then narealize ko nakatingin pala sila sa akin dahil may malaki akong picture sa Mall na 'to! Pagmamay-ari nga pala ito ni Dad at isa nga pala ako sa mga model ng mall niya, well obviously! Si daddy ang may-ari ng mga malalaking mall sa bansang 'to. Hindi lang dito sa pilipinas, may mga branches na rin siya pati sa ibang bansa.


Well, bakit ba nakalimutan naming magdala ng sunglasses? Sigurado akong makikilala kami ng mga tao na nasa paligid. Especially ang lalaking 'to, ang dami pa namang malalanding babae sa paligid.

"Hey we forgot to bring our sunglasses." I told him, pero parang ok lang sa kanya na pagtinginan siya.

"It's ok." He smiled. Tuloy-tuloy lang kami sa paglakad, tapos may grupo ng mga panget na babae—err I mean 'group of girls' na kilig na kilig dahil sa kasama kong kapre. Lumapit sa amin 'yung isa sa kanila na mukhang kilig na kilig pa

"You're Orion Tantoco hindi ba?" She said tapos biglang niyakap si Orion! Such a creep. "Ang gwapo mo, at ang bango bango mo pa!" Sabi nung babae habang yakap-yakap si Orion. Tapos inaamoy-amoy niya pa si jerk, like, what the heck? Nakakairita! Ang dami palang fans nito! Si Orion naman ay walang magawa kundi umarte na parang ok lang sa kanya kahit alam ko na napipilitan lang naman siya. "Papicture naman kami please?" Sabi niya kay Orion.

"Sure!" Pumayag naman si jerk!

Lumapit sa akin 'yung isang chakang babae. Oops lahat pala sila chaka! "Miss, pwede mo ba kami picturan?" Sabi niya habang inaabot ang bulok nilang digicam!

I raised my brow and crossed my arms "Excuse me?"

"Pwede po ba?"

"What do you think of me? A photographer? Do it on your own, duh!" Sabay walk out. Nakakainis talaga. Ako pa ang gustong gawing photographer? Sa ganda kong 'to ako pa ang uutusan nila?

"Janelle!" Narinig ko ang pagtawag ni Orion sa maganda kong pangalan. "Excuse me girls, next time na lang okay? Really really sorry." He apologized. Lalo tuloy akong nainis. Hinabol niya ako at maya-maya lang ay nasa tabi ko na siya. "Hey, why did you do that? That's rude!"

"Wow huh! Anong akala nila sa akin photographer? Magpapapicture sa'yo tapos ako pa gagawing photographer! Kainis!"

"Fans ko 'yun eh. You should be nice."

"And why? Fans mo 'yun, hindi akin! So bakit ako magiging nice?" Sabi ko habang patuloy lang ako sa paglalakad.

"Eh bakit galit ka?"

Ako galit? Di naman ah! Inis lang! I stopped walking. Lumingon na ako sa kanya. "Ako galit? Bakit naman ako magagalit?"

"I don't know with you."

"Hindi ako galit. Naiirita lang ako sa mga panget mong fans!"

"And why?"

"Eh kasi nakakairita sila! Ang lalandi! Kilig na kilig pa because of you! Enjoy na enjoy pa sa pagyakap sa'yo!" I rolled my eyes.


"Ohh... I see. Selos ka?" Nakita ko ang pag-ngisi niya.

I crossed my arms. "Anong selos ang sinasabi mo diyan?"

He didn't say anything and just laughed at me.

"Pwede 'wag ka didikit sa akin? Baka mapunta pa sa'kin 'yung germs na dala nung yumakap sa'yo kanina! Kadiri lang!" Inis na sabi ko sa kanya, pero patuloy lang siya sa pagtawa niya. Wala naman nakakatuwa. "Whatever!" I walked out tapos iniwan siya. Pumunta na lang ako sa favorite clothing shop ko sa mall na 'to at nagstart na ko magshopping.


Trapped by ArrangementWhere stories live. Discover now