"Huh? Why? This is just a garnish."

I almost laughed because of what he said. Seriously?

"No. Hindi 'yan pang-garnish." Kinuha ko na sa kanya ang spinach para mapakuluan.

"5 minutes 'to pakukuluan ha. Bantayan mo muna."

"Sige." Tumango siya.

I went to the table and put together in a bowl the ricotta cheese, romano cheese, spinach, salt, oregano, basil, pepper, and eggs. Then, I added what Marco cooked earlier.

I watched him watching over the spinach.

Napangiti ako tsaka ko kinuha ang electric mixer para haluin ang nasa bowl.

Maya-maya pa ay nasa tabi ko na siya at nanonood na sa'kin.

"Tapos na?" Tanong ko.
"Yup."

"Can I try?"

Binigay ko sa kanya ang electric mixer.

"Woah, nakaka-enjoy pala 'to." Parang bata na sabi niya.

"1 minute mo lang hahaluin ha. Wag sosobra." Sabay tawa ko.

"Opo ma'am."

Napa-iling na lang ako at kinuha ang na-drain na spinach at lasagna noodles.

Pagkatapos ay kumuha na din ako ng baking dish.

"Okay na po ma'am!"

"Good."

Natawa kami pareho.

"Ano sunod na gagawin?" Excited na tanong niya.

"Okay, ganito," Kinuha ko ang mga sahog at inayos saglit. "Panoorin mo 'ko, kasi ikaw ang sunod na gagawa."

Tumango naman siya.

"Una, ilagay mo muna tong lasagna noodles. Mga lima, pwede na."

"Okay."

"Pagkatapos, i-spread mo na 'tong spinach mixture natin, with the cheese."

Tumango siya sa sinabi ko habang nakikinig.

"Then, 1 cup ng mozzarella cheese."

"Wow."

"Tapos, parmesan cheese naman."

"Oh, god."

Napatawa ako sa itsura niya.

Marco loves cheese. Any cheese. Nalaman ko 'yun nung nasa Switzerland pa kami. Kaya pala puro may cheese ang pinapa-luto niya sa akin kapag nasa bahay siya.

"Done. Ulitin mo lang yung ginawa ko."

"Yun na yun?"

"Oo."

"Basic." Napatawa ako sa sinabi niya.

Pinanood ko siyang gumawa. Panay daldal pa din kahit tutok na tutok siya sa pinapagawa ko.

"Akala ko talaga nakalimutan mo na 'ko." He said.

"Bakit naman kita kakalimutan?"

"Naisip ko kasi na baka sumama ka na sa Saavedra na 'yon eh. Nga pala, kamusta ang bonding ng dalawa?"

"Sumama 'ko sa kanila."

Napatingin siya bigla sa'kin.

"Sumama ka?"

"Yeah. Pinilit niya 'ko sumama. Hindi na lang ako pumalag. Para na din kay Eric."

Nag-focus siya ulit sa ginagawa niya.

"A—ah okay..." I sighed. "Okay na 'to!" Masiglang sabi niya pagkatapos.

We covered it with aluminum foil then we bake.

"1-hour pa." He chuckled.

"Yeah, 1 hour. Nagutom tuloy ako bigla."

"Sandali lang naman yan. Mabilis lang yan. Mag-ligpit na muna tayo." Sabi ko.

Ngumiti lang siya sa'kin.

Tinulungan ko na din siyang mag-ligpit at maghanda para sa niluto namin.

👔👗

"Woah, ang bango." Sabi ni Marco habang hawak ang masterpiece niya.

Napangiti lang ako habang pinapanood siya. Para kasi siyang bata. Kanina pa 'yan.

"Tara na, kainin na natin. Excited na 'ko honey!"

Napatawa na lang ako sa pinagsasabi at pinaggagawa niya. Ang cute niya kasi.

"Sige na, ikaw na ang mag-serve." I said.

"Sure, why not. Ikaw pa ba." Nilapag niya na sa mesa ang ginawa niya.

"Hahahaha! Dapat ma-impress ako ah." Biro ko.

"Oo ba. Pwede bang mahalin mo na din ako?"

"Huh?"

"I'm just kidding." Sabay tawa niya.

Bakit bigla akong kinabahan?

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon