E P I S O D E 8 - L I K E

Start from the beginning
                                    

"Here, of course! Saan pa ba? It's not like you're sleeping with me for the first time, Shara. Quit talking and sleep! Kung hindi alam mo na..."

He smirked at pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Kinabahan kaya naman dali-dali akong humiga at tinalikuran siya.

Pineke ko ang pagtulog dahil hindi rin ako makatulog. Siya ba naman kasi ang makatabi mo! Sino bang hindi kakabahan?!

Maya-maya ay naramdaman ko ang pagdantay ng braso sa beywang ko hanggang sa yumakap na ito at isiniksik ang sarili niya sa akin.

Nagising ako dahil sa malambot na bagay na paulit-ulit na dumidikit sa leeg ko paakyat sa pisngi ko. Pagmulat ko ay agad kong naitulak si Chaze.

"ANONG GINAGAWA MO?!"

"WHAT THE F---goodmorning wife!"

Tinatawanan niya ako kaya naman ay inirapan ko siya. Ang aga-aga nanghahalay siya hindi ba puwedeng mamaya nalang?

OMG!!!

ANONG SABI KO?!

MAMAYA NALANG?!

NO WAY!!!

Ang halay ko na talaga. Kasalanan nitong lalaking ito eh.

Patuloy siya sa pagtawa kaya naman tumingin ulit ako sa kaniya.

SHIT!

ANG GWAPO!!!

"Tumigil ka nga! Ang panget mo! Umagang umaga nanghahalay ka!"

"I did not. Nilalambing ko ang asawa ko"

"CHE!"

Pinigilan kong mangiti dahil sa totoo lang ay kinikilig ako dahi ang gwapo niya sobra. Kahit magulo ang buhok niya.

Agad naman akong napabaling sa digital clock sa tabi ng kama. Shit! Malelate na ako!

"Bakit hindi mo ako ginising?!  Alam mong may pasok ako ngayon!" naiinis na saad ko sa kaniya.

Dali-dali akong tumakbo sa banyo at hinanap ang uniform ko. Nasaan na ba iyon?  Dito ko nilagay 'yon eh!

Hahanapin ko nalang pagkatapos kong maligo. Pagtapos kong maligo ay nagtapis ako ng twalya sa katawan at nagtatakbong pumasok sa walk in closet para hanapin ang uniform ko.

Ayos lang naman, siguro. Mabango naman iyon. Mabango naman ako.

"Chaze! WALA AKONG UNIFORM!"reklamo ko sa kaniya.

Hindi naman ito sumagot kaya naman lumabas ako ng walk in closet at bumungad sa akin ang uniform ko na plantsado at nakalagay pa sa paper bag.

"You're welcome"ngisi niya.

Hinablot ko naman iyon sa kaniya at nagbihis na. Matapos kong magbihis ay hinatid niya na ako sa DU.

Hindi na ako nakapag-almusal at mabuti nalang may pakialam siya sa akin. He bought me meal para siguraduhing makakain ako.

Pababa na ako ng sasakyan niya nang pigilan niya ako.

"Where's my kiss?"ngumuso ito.

"Tumigil ka na nga sa kahalayan mo papasok na ako!"kumunot ang noo ko at inirapan siya.

Kinalas ko ang seatbelt ko. Nakangisi lang ito sa aking nagpaalam at nagsabi na susunduin niya ako mamayang dismissal.

ANG GWAPO NIYA!!!

Papasok palang ako ay bumungad sa akin ang mga estudyanteng papalabas na nang school. Anong nangyayari?

"Kelly!"

Napalingon naman ako sa tumawag sa akin at matamis na ngiti ni Callie ang bumungad sa akin.

"Bakit umuuwi na sila? May nangyari ba?"tanong ko.

"Hindi ko rin alam kung anong nangyari"nagkakamot ito sa ulo niya.

Nginisihan ko siya dahil paniguradong nalate din ito. "Nalate ka din?"pang-aasar ko sa kaniya.

Ayaw na ayaw kasi niya na nalelate siya. Palagi niya akong pinapagalitan kapag nalelate ako.

Ngayon siya naman.Oo nga pala, dalawa nga pala kaibigan ko.

"Nasaan si Jane?"tanong ko na naman sa kaniya.

"Alam mo na, nakipagdate na naman!"may halong inis ang pagkakasabi niya.

Pinagsawalang bahala ko nalang iyon. Inisip ko kung uuwi nalang ba ako kay Chaze pero baka irape niya lanh ako. Pero hindi niya naman ginawa kagabi diba?

Uuwi ba ako o...

"Halika na nga! Ice cream tayo!"anyaya niya.

"Naks! Tara!"halakhak ko.

Magpapasarap muna ako. Uuwi din naman ako mamaya sa kaniya. I should visit Dad siguro. Miss ko na siya eh. Kahit ano namang galit ko sa kaniya. He's my one and only Dad, after all.

Kumain kami ng ice cream ni Callie at habang kumakain ako ay napansin kong titig na titig siya sa akin kaya tinitigan ko rin siya. Laban ba ito?

Kung sino ang unang kumurap...

"I think I like you"

to be continued...

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now