E P I S O D E 5 - S T U B B O R N

Start from the beginning
                                    

I nodded halfheartedly. Baka itali na naman niya ako sa kama niya kapag i-deny ko pa siya.

Tango lang naman ang sagot, hindi naman mahirap iyon.

Ngumisi si Chaze at tumayo naman si Jane para makipagkamay rito.

Si Callie naman ay nag-aalangan pang tumayo para magpakilala, agad namang kumalas si Chaze sa pagkakakamay rito.

"Nice to meet you, Mr.Hailstorm. Pinakilala kana ni Kelly sa amin noong isang araw"si Jane.

Hindi ko alam kung anong gayuma sa kamay ni Chaze at biglang nawala ang taray nitong babaeng ito.

Napatingin naman ako kay Callie na tahimik lang na pinagmamasdan si Chaze na nakatingin sa akin. Siguro minamanyak na ako nito sa utak niya.

"Just call me by my name, as you said asawa ko na siya. Asawa na ako ng bestfriend mo",Chaze.

Hindi ko alam kung pinagmamayabang niya na magiging asawa niya ako o idinedeklara niya iyon sa lahat.

Alam kong ginagawa niya ito because he's a possesive person.

Gusto niya siya lang ang titikim ng putaheng gusto niya at puwede rin siyang tumikim sa iba, like I care.

Tumikhim si Jane para pigilan ang pagtawa at sumang-ayon ito sa sinabi ni Chaze.

Hindi nagsalita si Callie at umupo na ito saka kumain. Okay.
Ganoon din si Jane na tila takot ng makausap pa si Chaze.

"You can leave now, I still have to attend my classes after this"ako.

Marahan ko siyang tinulak at iminumuwestra na palabas ng cafeteria ngunit hindi man lang ito natinag at seryoso akong tinitigan.

"Yeah, right. We can leave now"

He said with finality at hinatak ako palabas.

Naputol ang pamamaalam ko kina Callie at Jane dahil tuluyan niya na akong nilabas sa cafeteria.

Kinaladkad niya ako hanggang sa mapadpad kami sa parking lot at walang katao-tao.

Hinampas ko ang kamay niya.

"What are you doing here?!" I said fuming.

Hindi ako pwedeng um-absent dahil may hinahabol akong subject at bagsak ako roon.

At ayoko rin na ma-issue sa school dahil nag-asawa ako ng maaga.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga katanungan ng mga kaklase ko kapag nalaman nila ito.

"You really don't like me, do you? Kaya kapag may tumitingin sa ating mga tao ay itinatago mo ang mukha mo" paratang niya sa akin.

Totoo naman talaga ang sinabi. I'm so thankful na alam niya iyon at nakakaramdam din naman siya.

"Finally! Nakaramdam kana rin. Oo, dahil nahihiya ako na kasama kita in fact nandidiri rin ako"

Akala ko ay sasampalin niya o sasaktan dahil sa mga salitang binitawan ko ngunit ilang sandali lang ay wala akong naramdaman na dumapo ni isa sa parte ng katawan ko.

"That doesn't hurt me, stubborn. Let's go!"

Binawi ko kaagad ang kamay ko ng kinuha niya ito. He patiently looked at me at hindi nawala-wala ang kaniyang pambansang ngisi.

"I told you may klase--"

"You'll be leaving school next week, don't worry. Just come with me"

Napipilitan man ay sumama ako sa kaniya. The perks of having a rich husband. Nakakatamad na ring mag-aral pero nasasayangan rin ako sa pagkakataon.

Maybe he'll hire a tutor for me. Mayaman naman siya hindi ba? Let's use the money, girl! I looked like a freaking gold digger.

to be continued...

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now