Special Chapter

1.9K 49 7
                                    

May isang bagay akong gustong sabihin kay Luke pero sa araw na lang ng kasal namin. Tutal malapit na rin naman ang kasal naming dalawa.

Excited na ako.

Ang sabi ni Luke ay beach wedding na lang daw. Kaya natuwa ako dahil alam niya ang dream wedding ko.

Gusto ko kasi ikasal sa beach.

Isa ito sa mga pangarap ko at tinupad talaga si Luke. Kaya mahal na mahal ko siya.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nagpapahinga na muna. Biglang may kumatok sa pinto. Wala pa akong sinasabi biglang binuksan at niluwa noon si mama.

"May bisita ka sa baba, Skye."

"Sino po?"

Hindi ako sinagot ni mama dahil umupo na siya sa dulo ng kama.

"Surprise, Skye. Kailangan mo bumaba para malaman kung sino." Ngumuso ako sa sagot ni mama.

Bumangon na ako pero biglang sumama ang pakiramdam ko at gusto ko ilabas lahat na kinain ko kanina.

Tumakbo ako sa banyo at doon ko lahat nilabas ang kinain ko.

"Buntis ka ba, Skye?" Tanong ni mama.

Tumingin ako sa kanya bago tumango.

"Yes po. Confirm na pong nagdadalang tao ulit ako, ma."

"Alam na ba ni Luke?"

"Hindi pa po. Ang balak ko po sana sa araw ng kasal namin. Doon ko po sasabihin sa kanya."

"Okay, basta sabihin mo sa kanya." Naglakad na si mama palabas ng kwarto.

Bumaba na ako. Nagulat ako noong makita ko si Star.

"Star?!" Niyakap ko siya dahil miss ko na ang kapatid ko. "Kailan ka pa bumalik?"

"Yesterday." Niyakap niya ulit ako. "Ikaw ah. Hindi mo sinasabi sa akin na malapit ka na ikasal. Congrats, Skye."

"Thank you. Um, pwede ba tayo magusap?"

"Naguusap naman tayo, 'diba?" Pilosopo talaga ito si Star kahit kailan.

"Che! Pero seryoso nga kasi."

"Tungkol saan?"

Umupo na kami pareho sa sofa at humarap ako sa kanya.

"Tungkol kay Luke. I know you like him too. Bakit mo siya nireject noong nagtapat siya sayo?"

Ilang segundo rin siguro noong hindi sumagot si Star sa akin.

"Noong araw na umamin sa akin si Luke ay nakita kita. Alam mo naman bilang nakakatandang kapatid mo ayaw kita nakikitang nasasaktan."

"You choose to be hurt. But why?"

"And also I have my reason kaya ko siya nireject."

"And what is that?"

"Wala pa talaga sa plano ko ang magkaroon ng boyfriend. Nangako ako kay dad na pagkatapos ko sa pagaaral ay tutulungan ko sila."

Ito ang ayaw ko ay Star dahil masyado siyang mabait. Madaling lokohin pero dati palagi niyang kasama si Gavin to protect her.

"And also Gavin and I are made a promise to each other."

"Ano naman yun?"

"We will never let someone to make you cry." Tumingin ako sa nagsalita. And it was Gavin.

"Gavin." Sabi ni Star pagkakita kay Gavin.

"Hey, twin. Miss you."

"Miss you too, twinny."

Destiny For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon