Chapter 4

1.6K 55 3
                                    

Lucas' POV

Wala naman akong gagawin kaya nandito lang ako sa bahay. Pinapupunta ko ang magpipinsan na sina Gavin, Ethan at Nathan sa bahay. Hindi naman sila makatanggi sa akin.

"Salamat pumunta kayong tatlo ngayon." Umakyat na ako papunta sa kwarto. Sumunod naman silang tatlo sa akin.

Naglalaro kaming tatlo na kahit anong video games na makita namin. Fighting game ang nilalaro namin ngayon. Kung sino ang matalo ay papalitan kaya yung susunod na player ay kakalabanin ang nanalo kanina. Kaming dalawa ni Gavin ang naglalaban.

"Luke, alam mo bang ngayon ang alis ni Skye papuntang Canada." Panimula ni Gavin. Napahinto ako sa paglalaro at tumingin sa kanya.

"Umalis na siya?! I mean, bakit siya pumuntang Canada?" Naguilty tuloy ako sa nangyari. Hindi pa ako nakahingi ng tawad sa kanya.

"Oo nga. Narinig kong sinabi ni dad na umalis na si Skye." Sabi ni Ethan.

Nakayukom ang mga kamao. Nakaramdam ako ng guilt. Umalis si Skye na hindi man lang humingi ng tawad. Hindi ko napapansing mahal niya ako matagal na. Ang naiisip ko lang ay para ko na siyang kapatid. Ang sama kong tao.

"Bilang nakakatandang kapatid ni Skye at wala naman akong karapatang magalit sayo. Alam ko naman mali rin ang kapatid ko." Tumingin ako kay Gavin na seryoso na ngayon. Ngayon ko lang ulit nakitang naging seryoso si Gavin dahil palagi ko siya nakikitang seryoso pag may laban ang team niya sa basketball. Isa kasing MVP player itong kaibigan ko.

"Anong ibig mong sabihin, Gavs?" Tanong ni Nathan.

"Hindi niyo ba napapansin na matagal nang may gusto si Skye kay Luke." Sagot ni Gavin sa magkapatid.

"A-Alam mong may gusto sa akin ang kapatid mo?" Nauutal na tanong ko. So, ako lang pala ang walang alam tungkol doon.

"Yes, I know. Ako ang palaging kasama ni Skye at kahit hindi niyang sabihin sa akin pero napapansin ko."

"Ako lang pala ang walang alam."

"May alam ka ba, Ethan?" Tanong ni Nathan sa kapatid niya.

"Paano ko naman malalaman? Minsan lang natin makakasama si Skye kahit nga si Star." Sagot naman ni Ethan.

"Mabuti pang kalimutan mo na lang si Skye, Luke. Alam ko naman mahal mo si Star. Ayaw ko masira ang pagkakaibigan natin at baka mawala rin sa isip ko na mas matanda ka sa akin."

Naiisip ko lang pareho sila ng ugali ni tito Greg. Mabait itong si Gavin pero nakakatakot magalit. Overprotective rin siyang kuya kay Skye.

"Ayaw ko lang makita si Skye na umiiyak. Pero pasalamat ka walang alam si dad tungkol rito." Tumingin ulit ako kay Gavin. Mas lalo tuloy ako nakaramdam ng guilt sa nangyayari ngayon. Umalis si Skye dahil nakita niya kami ni Star kahapon at may alam yata siya tungkol sa balak kong pagtapat kay Star.

"Hindi rin ako papayag na may magpaiyak kay Skye." Sabi ni Ethan.

"Yeah. Lalo na rin ako." Pagsang ayon naman ni Nathan.

Sabagay. Walang kapatid na babae sina Ethan at Nathan. Kaya kapatid na ang turing nila sa mga pinsan nila na sina Gavin, Star at Skye.

"Star rejected me yesterday." Binalik ko na ang tingin ko sa nilalaro namin.

"What?! Did you confessed?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gavin.

"Yes. Ang sabi ni Star sa akin na ayaw niyang makitang malungkot si Skye."

"Sa totoo lang bago ka pa nakilala ni Skye ay close rin sila sa isa't isa. Pero noong nakilala ka na ni Skye at nalaman niyang may gusto ka kay Star ay todo iwas na si Skye sa kanya. Nasira ang pagkakaibigan ng dalawa kong kapatid."

Sakit malaman dahil ako ang dahilan kung bakit umalis ng bansa si Skye. Nagsisi ako. Sa huli talaga ang pagsisi.

Kinagabihan, hinatid ko na silang tatlo sa kanilang bahay. Inuna ko yung magkapatid bago si Gavin. Gusto ko rin kausapin si tito Greg kahit bugbugin pa niya ako.

"Sigurado ka bang gusto mong kausapin si dad?" Tumango ako sa tanong ni Gavin. "Tatawagin ko lang siya. Pasok ka na muna."

Pagkapasok ko ay ang una kong nakita si Star. Wala na yung pagwawala ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya.

"Good evening, Luke." Ngumiti na lang ako kay Star. We're still friends pa naman. Walang awkward pagitan sa aming dalawa. Ayaw ko rin naman masira ang pagkakaibigan namin ni Star.

"Good evening rin sayo."

Umakyat na siya sa taas at sakto naman ang paglabas ni tito Greg galing sa kusina nila. Isang chef ng bahay nila si tito Greg.

"Gusto mo raw ako makausap, Lucas." Umupo sa harap ko si tito Greg.

"Alam ko pong wala kayong alam kung bakit umalis ng bansa si Skye." Nakayuko ako. Kahit papaano ay kinakabahan ako.

"I know the reason." Napaangat ako ng ulo. Alam ni tito Greg?

"Alam niyo po?"

"Yes. Hindi lang ako nagsasalita, Lucas dahil anak ka ng best friend ko at isa na rin ako ang nagalaga sayo noong maliit ka pa."

Alam ko naman yun.

"Sorry po sa ginawa ko. Hindi ko naman po sinasadyang saktan si Skye."

"Hindi ka dapat sa akin humingi ng tawad. Kay Skye. Dahil siya ang nasaktan mo pero hindi ako nangangako sayo na mapapatawad ka niya."

"Gagawin ko po ang lahat para patawarin lang niya ako. Maghihintay rin ako sa pagbalik niya ng states."

Ang sakit sa puso. Hindi ko alam kung bakit. Na guilty ako masyado sa nangyari.

"Hindi ko rin alam kung may balak pang umuwi si Skye."

"Maghihintay po ako." Seryosong saad ko. Gusto ko na rin humingi ng tawad sa kanya.

I don't want to see her cry again because of me.

Ang tanga dahil pinaiyak ko ang babaeng nagmamahal sa akin ng lubos.

"Salamat po sa oras niyo, tito." Tumayo na ako. Ginulo ni tito Greg ang buho ko.

"Kung uulitin mo ang ginawa mo sa anak ko ay makakatikim ka ng suntok sa akin. Makakalimutan kong anak ka ni Zach." Napalunok ako sa sinabi niya. Bugbog na ako nito panigurado.

Ayaw ko naman ang mabugbog ni tito Greg. Masisira lang ang mukha ko.

"I will, tito. Promise."

~~~~~

Leave a comment and press ☆ to vote.

Destiny For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon