Chapter 17

1.4K 35 4
                                    

Narinig ko ang pagtawag niya ng security. Hindi ko na kaya ang nangyayari.

"Sorry sa paggulo namin. Aalis na kami ng pinsan ko." Sabi ko. Hihirit pa sana si Fiona pero hinila ko na siya palabas ng opisina.

Imbes sa elevator kami pumunta ay pumunta kami sa fire exit. Umupo na muna ako sa may hagdanan. Doon na rin ako umiyak.

"Tumahan ka na nga diyan. Hindi mo dapat siya iniiyakan!" Sermon sa akin ni Fiona.

"Ang sakit ng sinasabi niya kanina. Hindi ako makapaniwala magiging ganoon siya. Ang sama niyang tao."

"Kaya nga sinasabi ko sayo na wag mo na siya iyakan. Wala rin siyang kwenta para kay Ash. Hindi niya tinanggap si Ash bilang anak niya."

"Ang sakit talaga, Fio."

"Mahal mo pa rin ba siya kaya mo iyan nasasabi ngayon?" Tanong niya kaya tumango lang ako. "Ang tanga mo talaga, Skye."

"Alam ko kaya hindi mo na kailangan sabihin sa akin iyan."

"Dapat magalit ka sa kanya!" Pasigaw nito. Nasa tabi lang niya ako. Hindi niya kailangan sumigaw. "Kalimutan mo na lang siya."

Sasagot na sana ako noong may nakita akong may nagabot ng panyo sa akin. Tumingin kami pareho ni Fiona. At si Blood lang pala ito.

"Kyaaa! Si Gio pala ito." Tumayo si Fiona sabay yakap kay Blood. May gusto si Fiona sa kanya at alam ni Blood yun.

"Anong ginagawa mo rito, Blood?"

"I'm working here as an assistant director. Alam kong ang layo ng kinuha kong kurso sa trabaho ko."

Oo nga pala, tinulungan siya ni Felix na makapasok rito sa kumpanya nila.

"At saka ayaw ko makitang umiiyak ang kaibigan ko."

"Sorry." Kinuha ko na sa kanya ang panyo. "Ibabalik ko na lang ito sayo sa susunod na pagkikita natin."

"No, keep it, Skye."

Ang bait talaga ni Blood. Hindi nga bagay sa kanya ang palayaw niyang Blood, eh. Dugo.

"Ano ba ang ginagawa niyo rito?"

"Itong si Skye kasi gustong makita ang masungit na CEO ng kumpanyang ito. Ayan tuloy nasaktan." Sagot ni Fiona.

"I see.." Sumandal si Blood sa pader. "Siya pala ang ama ni Ashton."

Alam rin niya ang tungkol kay Ashton. Wala akong tinatagong sikreto sa mga malalapit sa akin.

"Musta na pala kayo ni Star?" Tanong ko sa kanya.

"Ganoon pa rin. Mukhang wala akong pagasa sa kapatid mo."

"Akin na lang kasi. Kung ako ang liligawan mo may pagasa naman na sagutin agad kita." Sabi ni Fiona. Umiling na lang ako sa sinabi ng pinsan kong ito. Ngumiti lang sa kanya si Blood.

"Sorry pero loyal ako kay Star. Wala akong balak sumuko sa kanya."

Aw, too bad. Mukhang heart broken na agad si Fiona kay Blood. Mahal talaga ni Blood si Star simula noong nakita niya sa mall. Ewan ko kung ano ginagawa ni Blood sa mall.

"Wala ka bang gagawin?" Tanong ko.

"Break ko ngayon."

Miss ko na yung mga samahan naming lima. Sina Vixen, Fiona, Felix, Blood at ako. Kahit iba ang schedule nilang apat ay gumagawa ng paraan para makasama ko sila. Sa kanila ko sinasabi ang mga problema ko. Kaya palagi ako napapagalitan ni Fiona.

"Miss ko na yung samahan nating lima." Ani Blood. Tumango kami ni Fiona.

"Tayo pa lang ang pwedeng magkita kita dahil yung dalawa busy sa pagaaral. Si Vix palaging puyat sa duty niya." Sabi ni Fiona.

Destiny For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon