Chapter 20

1.5K 41 0
                                    

Lumabas na sa kitchen si Skye kaya ako at si tito Greg na lang ang naiwan rito.

"Bakit hindi mo sundan si Skye? She needs someone to comfort."

"Kayo po ang pamilya niya. Dapat kayo po ang mag-comfort sa kanya."

"She needs you. Kahit hindi niya sinasabi sa akin, Lucas mahal ka pa rin ni Skye hanggang ngayon."

Nagulat ako sa sinabi ni tito Greg. Until now, Skye is still in love with me. I hurt her twice but she still love me. I'm such an idiot.

Biglang pumasok sa kusina si ninang Yza.

"Anong meron rito?" Takang tanong ni ninang Yza.

"Nothing." Sagot ni tito Greg. Tumalikod na rin siya dahil siguro hindi pa rin tapos ang niluluto niya.

Huminga ako ng malalim.

May balak na akong pakasalan si Skye hindi dahil may anak na kami.. Dahil mahal ko rin talaga siya. At tutulungan ko rin siya sa mga pangarap niya.

"Tito, ninang.." Tawag ko sa kanila kaya tumingin sila sa akin. Kinabahan tuloy ako.

"Yes?" Ani ninang Yza.

Lalakasan ko na talaga ang loob ko at kakapalan ko na rin ang mukha ko.

"Gusto ko po sana humingi ng pormal na permiso sa inyong dalawa."

"Para saan?" Tanong ni ninang Yza. Busy si tito Greg sa pagluluto at siguro akong nakikinig lang siya.

"Gusto ko pong yayain si Skye magpakasal." Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa magiging sagot nila.

Walang umimik sa kanilang dalawa. Tumingin lang si ninang Yza kay tito Greg. Si tito Greg naman pinatay na niya ulit ang kalan bago humarap sa akin. Wala siyang sinasabit na kahit ano.

"Yayain magpakasal ang bunso namin." Nag-cross ng arms si tito Greg. Seryoso na ang mukha niya. "Hindi biro ang magpakasal, Lucas."

"A-Alam ko po."

"Sigurado ka ba diyan?" Tanong ni tito Greg.

Siguradong sigurado na ako sa desisyon ko. Nasa tamang edad na rin naman si Skye para magpakasal. At hindi na rin ako bumabata pa.

"Yes po."

"You hurt her twice, Lucas."

I know that. Nagsisi ako. Naaksidente pa ako dahil doon.

"Sorry po sa mga ginawa ko noon. Pinagsisihan ko na po ang lahat na yun. Kaya po gusto ko bumawi kay Skye lalo na mayroon na kaming anak." Sabi ko. Nagpapaawa na talaga ako. "Mahal ko po si Skye. Hindi po kayang mawala ulit siya sa akin. Kung sinaktan ko po ulit si Skye bugbugin niyo po ako."

"Sabi mo iyan ah."

"Greg.." Tumingin si tito Greg kay ninang Yza.

"What? Sa kanya nanggaling yun, hon."

"Ayos lang po, ninang. Tatanggapin ko po ang lahat na galit sa akin ni tito kahit rin ni Gavin."

"Gagawin ko talaga iyang sinabi mo ngayon, Lucas. Pero ang gusto ko lang makitang masaya si Skye."

"Hindi po ako mangangakong mabibigyan ko ng perpektong buhay si Skye pero gagawin ko ang lahat na maging masaya siya sa piling ko."

"Pumayag na akong pakasalan mo ang bunso namin." Napangiti ako sa pagpayag ni tito Greg.

"Basta alagaan mo ng maigi si Skye." Sabi ni ninang Yza. Tumango ako.

"Aalagaan ko po maigi si Skye."

Destiny For UsWhere stories live. Discover now