Chapter 18

1.5K 34 0
                                    

Hinatid ko na ang magpinsan sa bahay nila. Pagkarating namin sa bahay nila ay may bata ang lumapit kay Skye.

"Mommy, where have you been?" Tanong niya. Kahawig ko siya sa totoo lang kaya pagnakita ng iba ay iisiping anak ko talaga siya. "I've been looking for you everywhere and uncle Vixen told me you went to the mall with aunt Fiona."

Pero mall? Kailan pa naging mall ang Jackson Empire?

"Sorry, baby." Sabi ni Skye. Kahit napaaga kami nagkaroon ng anak ay alam niya kung paano makitungo sa mga bata. Pero isa lang ang pinagsisihan ko.. Ang masira ang pangarap niya.

Napansin kong tumingin sa akin si Ashton.

"Who is he, mommy?"

"Um.." Tumingin rin sa akin si Skye bago tumingin sa bata. "You asked me where is your father, right?"

Hinahanap na pala ako ni Ashton. Sabagay, limang taon ako hindi nagparamdam sa kanila. Ang huling kita namin ni Skye noong nagusap kami sa resthouse at hindi pa ganoon kalaki ang tyan niya noon.

"Yes." Masiglang sagot ni Ashton.

Umupo ako sa harapan ng bata para magkapantay kami.

"Hi, Ashton. I'm Lucas Jackson.." Pakilala ko sa kanya

"Wow. I'm also Lucas. Because mommy told me she named me after my father." Nakangiting sabi niya. Nagulat ako dahil pinangalan pala niya anak namin gamit ang pangalan ko.

Hindi na ako umimik. Bakit ginawa ni Skye yun? Is she still in love with me?

"Are you my father?" Tanong ni Ashton sa akin. Tumingin ako sa kanya sabay ngiti. Sinuklian rin niya ako ng ngiti. Kahit ang pagngiti niya ay kuhang kuha sa akin.

"Yes, I am your father." Niyakap ako agad pagkasabi yun sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam na yakapin ka ng sarili mong anak.

"Finally, meet you, daddy."

Ang sarap rin pakinggan na tinatawag ka niyang daddy. Mabuti hindi ibang lalaki ang tinatawag niyang daddy.

Ginantihan ko na rin siya ng yakap. Limang taon akong wala sa tabi niya.

Tumayo na ako pero hinawakan niya ang isang kamay ko. Hinila niya ako patungo sa isang kwarto.

Kwarto niya pala.

"This is my room." Sabi niya. Proud pa siya habang pinapakita sa akin ang mga laruan niya. "I hope someday I can play with you."

Naalala ko tuloy noong maliit ako ay palagi kong kalaro ni papa. Kahit alam kong busy siya palagi pero gumagawa pa rin ng paraan para magkaroon siya ng oras sa amin.

"Tomorrow. We will play." Nakangiting sabi ko.

"Really?" Hindi siya makapaniwala. Tumango ako. "Promise?"

"It's a promise, buddy." Ginulo ko ang buhok niya.

"Yeeheey! I'm going to play with daddy tomorrow."

Ang ugali ko talaga ang na mana niya. Sa dami dami pwedeng mamana, ugali ko pa talaga.

Ayaw nga akong palabasin ni Ashton sa kwarto niya baka daw mawala ako sa tabi. Pero sinabi ko sa kanya na babalik ako bukas.

"Hindi ko alam gagamitin mo ang pangalan ko sa kanya."

"Sorry. Ayaw mo ba?"

Umiling lang ako.

"It's fine. At saka mahihirapan ka lang ibahin ang pangalan niya. Maraming gagawin."

Nakita kong pumasok sa bahay nila si Gavin. Yumuko na lang ako dahil simula noon ay hindi na ako pinapansin ni Gavin. Alam kong hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin. Hindi ko masisi si Gavin.

Destiny For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon