Chapter 15

1.4K 33 3
                                    

Kung gusto ko maglaro ay maglalaro lang ako. Pero kung ayaw ko naman ay buong araw akong nakahiga.

May narinig akong may bumukas sa pinto ng kwarto ko. Kaya lang hindi ko na pinansin.

"Bumangon ka na diyan." Nagulat ako noong narinig ko ang boses ni papa. Nilingon ko siya. "May pupuntahan tayo."

"Saan naman?"

"Kailangan mo siyang kausapin." Hindi iyan ang tamang sagot. Argh. Ano ba gusto ni papa?

"Sino naman ang dapat kong kausapin?"

"Wag ka ng matanong. Magasikaso ka na."

Hindi nga ako makalakad tapos papaasikasuhin ako ni papa. Argh.

May inabot na damit ko si papa. Kinuha ko yun para magpalit nang damit.

Pagkatapos kong magbihis ay tinulungan ako ni papa na maglakad papunta sa kotse niya.

Mga ilang oras rin ang lumipas nakarating kami sa resthouse namin. Ano naman ang ginagawa namin dito?

Pero laking gulat ko noong makita ko siya. Tumingin ulit ako kay papa.

"Pasalamat ka nakiusapan ko ang tito Greg mo na payagan makipagkita sayo si Skye." Napangiti ako sa sinabi ni papa.

"Salamat, pa."

"Kaya mo na bang maglakad ngayon?"

"Susubukan ko po."

Naglakad na ako ng dahan-dahan sa direksyon ni Skye. Damn. I missed her so much.

Mukhang nakita na niya ako.

Gusto ko siyang yakapin.

"H-Hi." Kinabahan ako baka mamaya ay umalis na lang siya.

"Hi." Wala gana niyang reply sa akin. Alam kong ayaw niya akong makita.

"K-Kamusta ka na?"

"After what you did? I don't know.."

Natahimik na lang ako. Nasaktan ko siya ulit.

"I-I heard you're pregnant." Napabilog ang mga mata niya pero umiwas siya ng tingin sa akin.

"Sinabi ba sayo ni Felix?" Tumango ako ng ulo. Damn. Konti lang papatak na ang luha ko. "Hindi na ako nagulat kung paano mo nalaman."

Sabi niya hindi na siya nagulat pero ano yung naging reaksyon niya? Hindi yun gulat.

"Ang kaibigan mo ay kapatid ko." Umupo na ko sa sofa rito sa resthouse. "Ang gusto lang ni Felix ay magkaayos tayong dalawa pero alam ko naman hindi mo ko mapapatawad sa nangyari. Kahit hindi ko naman kasalanan."

"Hindi mo kasalanan?! Pero hinalikan mo siya!"

"Lasing ako noon. Magpapaliwanag ako sayo pero ayaw mo naman makinig sa akin at nalaman ng mga magulang mo ang nangyari. Kung hinayaan mo lang ako magpaliwanag hindi sana lalaki ng ganito. Gusto ko rin magkaayos sayo pero simulang naaksidente ako ay hindi na ako lumalabas ng bahay. Ngayon lang ulit ako lumabas."

"Accident? Paano ka naaksidente?"

"Isang araw naglasing ako dahil sobrang nasaktan rin ako sa nangyari sa atin pero nagmaneho ako pa rin ako. Kaya ngayon hindi na pa rin ako makalakad. Hindi na rin ako pwede magmaneho."

Nakatitig lang siya sa akin. Walang sinasabi na kahit ano. Lalo tuloy ako ninerbyos sa kanya, eh.

"Sorry sa lahat, Skye."

"Hindi ko alam kung kaya pa kitang patawarin, Lucas."

"Naiintindihan ko." Tumatayo na ko pero nawawalan ako ng lakas kaya napapaupo ulit ako.

Destiny For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon