Chapter 9

1.4K 38 0
                                    

Ang tagal niyang sumagot ah. Wag mong sabihin maghihintay ako ng isang oras rito tapos wala siyang sagot.

Makaalis na nga.

Tumayo na ako pero hinawakan niya ang isa kong kamay.

"Hindi ko alam kung mahal na kita." Sawakas. Nagsalita na rin. Akala ko naputulan na siya ng dila.

"What do you mean?"

"I like you. But we know like and love are different. All I want is to protect you and I don't want to see you cry again." Tumingala siya sa akin. Nawala na rin yung ngiti niya kanina. "I'm so confused right now. Kahit si mama at Felix tinatanong sa akin kung mahal na ba kita. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanila. Sinabi rin sa akin ng madaldal kong kapatid na wag na kita paasahin pa kung hindi naman kita mahal. But, Skye hindi kita papaasahin."

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Normal ba ito?

"I want to court you. I want to call you mine, Skye. Kung dati ay mahal mo ko at hindi mo iniisip ang laki ng agwat ng edad natin."

I know. Sampung taon ang tanda sa akin ni Luke. Ten years for Pete's sake.

"Ano ba ang gusto mo iparating, Lucas?"

"Gusto kitang ligawan. Kaya gumawa ako ng paraan para rito pero mukhang palpak ako. Hindi mo naappreciate ang effort ko."

Yung pagpilit niya sa akin paghatid sa school ay dahil gusto niya ako ligawan. Yun ang paraan niyang pangliligaw sa akin?

Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Kusa na lang tumulo.

"Hey." Tumayo na siya para yakapin ako. "Don't cry. Baka pagalitan pa ako ni tito."

"A-Ang sama kong tao." Hinawakan ko ng mahigpit ang suot niyang damit. Tuloy pa rin ako sa pagiyak.

"You are not. Ginawa mo lang ito dahil nasaktan ka. Naiintindihan naman kita, Skye. Parusa na rin si--" Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya. Hinalikan ko na siya sa labi. Tutal siya rin naman ang nagnakaw ng first kiss ko.

Sa una ay hindi siya tumugon. Mas lalo ko pinalapit ang ulo niya sa akin para mahalikan ko pa siya. At sawakas ay tumugon na rin siya ng halik. Pero siya ang unang humiwalay.

"W-What was that?" May pagkagulat sa boses niya.

Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko rin alam kung bakit ko yun ginawa sa kanya.

"U-Uuwi na ako. Malapit na rin gumabi at baka magalit pa sa akin si daddy." Ngayon pa talaga ako kinabahan. Tumalikod na ako para magsimula maglakad pero niyakap niya ako mula sa likod.

"Can you stay with me for tonight? Tatawagan ko si tito na kasama mo ko ngayon. Wala ka rin namang pasok bukas dahil weekend."

Binigyan ko na lang siya ng isang tango.

Bumitaw na siya sa pagkayakap dahil tatawagan pa niya si daddy. Ipapaalam niyang kasama ko siya.

"Pumayag na si tito. Basta daw ibalik kita ng buo bukas." Natatawang sabi nito. Baliw talaga si daddy. Wala naman mangyayaring masama sa akin.

"Bakit ka pala hindi umuwi sa inyo?"

"Gusto ko lang makapagisa na muna."

"Nagaalala na sayo si tita at si Felix. Hindi ka daw matawagan at tinawagan na nila sina Ethan at Nate."

"Bukas uuwi na rin ako sa amin."

Kinabukasan, nagising ako sa sinag ng araw. Pagdilat ng mga mata ko ay si Luke agad ang unang nakita ko. Nakangiti siya sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko. Para tuloy kaming magasawa nito.

"Good morning." Sabi niya. Bumangon na siya sa kama.

"Good morning." Tumingin lang ako sa likuran niya. Ang sexy kasi at mukhang alagang gym ang katawan.

"Kain na muna tayo ng agahan bago kita hatid sa inyo."

Pagkatapos namin kumain ay hinatid na niya ako sa bahay. Si Gavin ang sumalubong sa amin.

"Sabi na nga kayo ang natatanaw ko sa loob. Saan kayo galing na dalawa?"

"Sa beach kami kagabi at noong napagod ay tumuloy sa resthouse namin."

"Siguro naman wala nangyari sa inyo kagabi." Nagulat ako sa sinabi ni Gavin. Minsan bwesit rin itong kapatid ko.

"Wala. Wala naman nangyari sa amin." Deretsong sagot ni Luke.

"Dapat lang dahil lagot ka sa akin." Pinapasok na ako ni Gavin sa loob ng bahay. "Kanina pala pumunta rito si Felix at hinahanap ka. Sumunod si tita Alex. Ang huli sina tito Zach at Beryl."

"Sorry sa isturbo, Gavin." Binigyan lang ng tango ni Gavin si Luke. Nagpaalam na sa amin si Luke.

"Wala ba talagang nangyari sa inyo?" Tanong ni Gavin sa akin. Sarap ilock sa labas ng bahay.

"Wala nga. Ang kulit nito." Sabi ko. Isang pagsisinungaling. Sa totoo niyang meron. Pero hindi ko alam kung tama ito dahil hindi naman ako mahal ni Luke. Ang tanga ko talaga.

Sinuko ko sa isang lalaki na hindi naman ako mahal.

Ang tanga ko!

Lucas' POV

Pagkauwi ko sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto ko at humiga. Napapangiti na lang ako sa tuwing naalala ko ang nangyari kagabi. Kahit alam kong lagot ako kay tito Greg pagnalaman niya. Bahala na.

Kaya ko naman panagutan si Skye.

Nagising ako sa ingay sa labas. Nakatulog pala ako at hindi pa ako nagpapalit ng damit. Hanggang ngayon pala ay hindi pa nila alam nakauwi na ako.

Bumangon na ako para makaligo na. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng pangbahay. Lumabas na ako sa kwarto at noong pagkakita sa akin ni mama ay niyakap ako.

"Saan ka ba nanggaling bata ka? Pinagaalala mo ko."

"Sorry po, ma." Ginantihan ko si mama ng yakap.

"Saan ka ba galing, Lucas?" Tanong ni papa pagkakita niya sa akin.

"Sa resthouse lang po natin, pa."

"Bakit hindi mo kami sinabihan para hindi kami nagaalala sayo? Alam mo bang ilang gabi na ako hindi nakatuloy dahil nagaalala ako sayo." Sermon sa akin ni mama. Alam ko naman mali rin ako.

"Sorry po. Hindi po mauulit ang nangyari."

"Dapat lang. Ayaw ko naman makita ang mama niyo na umiiyak dahil nagaalala sayo." Sermon rin ni papa sa akin. Nagkamot lang ako ng ulo.

"Sorry po talaga." Niyakap ko si mama. Nilalambing ko siya ngayon.

~~~~~

Leave a comment and press ☆ to vote.

Destiny For UsWhere stories live. Discover now