Chapter 12

1.4K 40 1
                                    

Skye's POV

Sakto walang klase si Felix sa English kaya makakasama namin siya. Nandito kaming dalawa sa garden ng school. Hinihintay si Blood dahil pinatawag siya ng professor namin.

Maya maya pa ay nakita ko si Blood tumatakbo papunta sa direksyon namin.

"Bakit ka tumatakbo?" Tanong ko.

"Nakita ko siya." Masiglang sagot nito.

"Sino ang nakita mo?" Takang tanong ni Felix. Hindi ako sigurado sa ibig sabihin ni Blood.

"Noong isang araw kasi may nakita akong magandang babae. Crush ko nga, eh."

"Nakuha mo na yung pangalan niya?"

"Hindi pa. Pero hindi ko inaasahan makikita ko siya kanina sa staff room."

Habang naguusap kaming tatlo ay kumunot ang noo ko. Ano ang ginagawa ni Star dito? Ang alam ko tapos na siya magaral.

"Skye, Skye.." Tumingin ako kay Blood. Tinuro niya kung nasaan nakatayo si Star. Wag mong ibig sabihin si Star ang crush niya? "Siya yung tinutukoy kong crush ko."

"Si Star?!" Sabay pa kami ni Felix.

"Kilala niyo siya?"

"Of course, we know her. Kapatid ni Skye iyan si Star." Sagot ni Felix.

"Huh?! Skye, paki--"

"No!" Tumayo na ako sa kinauusapan namin. Ayaw ko makausap si Star.

"Bakit naman, Skye?"

"She is the reason why I left the country. I really hate her."

"Apat na taon na rin. Patawarin mo na siya, Skye." Sabi nito. Ano ba alam ni Blood? Hindi naman niya nararamdaman ang naramdaman ko noon. "Magiging kayo rin naman noong kapatid ni Felix."

"Agree ako kay Blood, Skye. Ikaw ang liligawan ni Luke hindi si Star."

"Tama si Felix."

"Sige, pagtulungan niyo kong dalawang. Parang pinapalabas niyong ako ang masama rito."

"Wala naman kaming ibig sabihin doon ni Blood, Skye."

"Ewan ko sa inyo!" Naglakad na ako palayo sa kanila. Kaninis! Mga kaibigan ko ba talaga sila? Bakit sila ganoon?!

Habang naglalakad ako ay may humawak sa braso ko. Tumingin ako kung sino.

"Luke?!" Nagulat ako noong nakita ko siya. Siyempre, masaya rin.

"Saan ka pupunta? Mukhang galit ka ngayon." Umiling ako ng ulo.

"Gusto ko lang lumabas."

"Hindi ka pwedeng lumabas hanggang hindi pa tapos ang klase mo."

"Ugh. Absent ang last subject ko kaya pwede na ako lumabas." Pagsisinungaling ko.

"Samahan na lang kita." Tumango na lang ako.

Naglalakad kami ni Luke sa parking lot. Sumakay na kami pareho sa kotse niya.

"Saan mo gustong pumunta?"

"Kahit saan. Ikaw na bahala kung saan mo ko dalhin. Basta ayaw ko lang umuwi na muna sa amin."

Ilang oras ang lumipas ay dinala ako ni Luke sa beach.

Ang sarap talaga ng hangin. Ang lamig pa. Presko talaga dito.

"Bakit dito mo ko dinala?"

"Kahit hindi mo sabihin sa akin alam kong gusto mong pumunta sa beach."

Tama si Luke. Dito ako palagi pumupunta noon pag may problema ako.

"Hindi ko talaga alam kung mangliligaw ba kita o stalker." Natatawang sabi ko.

"What?! Hindi ako stalker. Sobrang madaldal si Felix kaya nabanggit niya ang tungkol sa paboritong lugar mo."

Natawa na lang ako sa sagot niya. Si Felix na ang magbibisto sa mga sikreto ko.

Kinabukasan, hinatid ako ni Luke sa bahay. Siyempre, alam nila daddy na kasama ko si Luke kaya pumayag si daddy. Basta iuwi akong ligtas.

"Salamat kahapon ah."

"You're always welcome." Ginulo niya ang buhok ko. Ngumiti rin siya sa akin. "Hatid kita sa school mo. Anong oras klase mo?"

"After lunch ang first period ko."

"Okay, hatid kita mamaya." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Kinikilig ako. Namumula na siguro ang pisngi ko ngayon.

Hinatid na nga ako ni Luke sa school. Nagiging sweet pa nga siya lalo sa akin.

Hinalikan niya ako pisngi. Namula na naman ako. Ang swerte ng pisngi ko dahil nakakatikim ng halik.

"Diba, may exam kayo ngayon?" Tumango ako at binigyan niya ako ng smack kiss sa labi. Nagulat ako. "That's a good luck kiss."

Tumango ulit ako. Baka hindi ako makapagconcentrate nito mamaya sa exam.

Pagpaalam na siya kaya pumasok na ko sa loob. Pagkapasok ko sa classroom ay umupo ako agad sa upuan ko.

"Psst." Lumingon ako noong may narinig akong sumitsit. And it was Blood. "Sorry na nangyari kahapon, Skye."

"Kalimutan na lang natin ang nangyari kahapon." Ngumiti ako sa kanya.

"Okay. Hindi na kita pipilitin na pakilala ako sa kapatid mo. Ayaw ko lang masira ang pagkakaibigan natin."

Tumango lang ako ng ulo.

Pumasok na si mrs. Wilkens ang English professor namin. Strict professor. Bawal ang maingay, cellphone. Kahit nga bulungan bawal. Ang gusto niya focus sa lesson niya.

Nagbigay na siya ng exam. Waa! Hindi pala ako nagaral kahapon. Si Luke kasi, eh.

Pakiramdam ko tuloy umiinit ang buong katawan ko sa tuwing naalala ko ang nangyari kagabi.

Pinalo ko ang mukha ko dahil kailangan ko magconcentrate sa exam. Kailangan kong magfocus at pumasa. Medyo alam ko rin naman ang sagot. Bahala na nga.

Pagkatapos ng lahat na klase ay umupo na muna ako sa wooden bench. Napagod ang utak ko sa mga exams.

Pakiramdam ko parang may tumabi sa akin. Hindi ko nga lang siya pinansin kung sino man siya.

"Mukhang pagod ang mahal ko ah." Tumingin ako noong nagsalita siya.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Hinihintay ang paguwi mo." Ngumiti siya sa akin. "How's the exam?"

"Medyo mahirap. Hindi mo ko kasi binigyan ng pagkakataon na magaral. Lagot ka sa akin pag ako bumagsak."

"May tiwala naman sayo na makakapasa ka sa exam. Ikaw pa. Matalino ka, Skye."

"Hindi naman ako ganoon katalino. Unlike Star."

"Wag mo ikumpara ang sarili mo kahit sino." Tumayo na siya. "Tara. Iuwi na kita para makapagpahinga ka na rin."

"Wala ka bang flight?"

"I quit." Deretsong sagot niya.

"Huh? Bakit?"

"Gusto ko makasama ka palagi." Pinagbukas niya ako ng pinto ng passenger seat.

"Aw, sweet mo naman." Sumakay na ako sa passenger seat. Sumakay na rin siya sa driver seat.

"Sweet naman talaga ako sayo." Ngumingiti na lang ako.

Pagkarating namin sa bahay ay bumaba na ako at nagpaalam na rin. I know he is the heir of their company pero hindi ako sigurado kung doon siya magtatrabaho ngayon lalo na umalis sa pagiging piloto si Luke. I know being a pilot is his dream job.

Paano ko nalaman? Stalker ako ni Luke noon.

~~~~~

Read the mafia series para makilala niyo ang mga magulang nila.

-Skye

Leave a comment and press ☆ to vote

Destiny For Usحيث تعيش القصص. اكتشف الآن