Chapter 5

1.6K 56 0
                                    

Four years later...

Apat na taon na rin. Hindi pa rin bumabalik ng states si Skye. Kamusta na kaya siya ngayon?

Damn. I missed her so much. Kahit hindi kami ganoon nagkasama na dalawa pero pakiramdam ko ay miss na miss ko na siya.

"Luke." Lumingon ako sa nagtawag sa akin. It was Felix.

"What?"

"Guess what, brother." Kunot noo ako sa sinabi niya. May pa guess-guess what pang nalalaman. Hindi na lang ako deretsuhin.

"Ano ba yun? Sabihin mo na."

"My best friend is back!" Napalaki ang mga mata ko. Babalik na si Skye.

"Talaga?!" Bigla akong sumaya dahil hindi sayang ang paghihintay ko sa kanya.

"Yes! She told me last time." Hindi pa rin mawala ang saya sa mukha ni Felix. Alam ko naman kung gaano niya namiss si Skye.

Hindi na ako sumagot pa dahil tumakbo ako papunta sa garahe namin. Sumakay ako sa kotse ko.

"Teka, Luke. Pupuntahan mo ba siya?"

"Yes, I want to apologize."

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawawala ang guilt nararamdaman ko. Hindi ko nagawang kausapin si Skye bago siya umalis ng bansa o pinigilan man lang.

"Sama na ako sayo. Gusto ko rin makita si Skye." Tumango ako sa kanya. Sumakay na sa passenger's seat si Felix.

Natulala ako noong makita ko si Skye. Shit. Ang ganda niya. Ang laki ng pinagbago niya sa totoo lang. Lalo siyang gumanda. At saka malapit na siya mag-eighteenth birthday. Ibig sabihin debut na niya.

Ano ito? Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko noong makita ko si Skye.

Imbes na lumapit siya sa akin ay kay Felix siya lumapit. Sino ba naman ako sa kanya. Wala naman. Si Felix ang best friend niya.

"Felix!" Sabay yakap sa kapatid ko. Those smile. Sana balang araw mapangiti ko rin siya katulad ng kayang gawin ni Felix sa kanya. "I missed you, Felix."

"Me too, Skye. I missed you too." Ngumiti rin itong kapatid ko.

"Shocks! Lalo kang gumagwapo."

Mas gwapo naman ako kaysa kay Felix.

"Ang ganda mo na nga, Skye. Halos hindi na kita makilala dahil ang laki nang pinagbago mo."

Sang ayon ako diyan. Malaki na nga pinagbago sa kanya.

"Wala naman nagbago sa akin. Ganoon pa rin naman ang Skye nakilala mo noon. Maliban lang sa isa."

Mukhang alam ko na kung ano yun. Kinalimutan na niya kung gaano niya ako kamahal noon. Sabagay. Nasaktan ko siya na hindi ko man lang alam.

Apat na taon ako nagsisi, sa totoo lang.

Lumapit ako kay Skye noong lumabas si Felix dahil may tumawag sa kanya.

"Hi, Skye." Pero mukhang wala siyang narinig. "Skye, please talk to me."

Hinawakan ko ang kamay niya pero binawi naman niya agad.

"Alam kong hindi sapat ang paghingi ng tawad sayo pero sorry sa lahat na ginawa ko. Kung alam ko lang na matagal ka ng may gusto sa akin dapat kinausap na ki--"

"Stop! Ayaw ko na marinig ang sasabihin mo pa. Kinalimutan na kita kaya wala na. Nangyari na ang lahat." Tumalikod na siya sa akin. Shit. Karma na ba ito sa akin? Dapat lang. Ang sakit pala na kinulimutan ka niya agad. Ganoon ganoon lang yun?

"Skye, please.. Makinig ka na muna sa akin." Huminga ako ng malalim dahil ang sakit na sa puso ito. Hindi ko na kakayanin pa. Kung may sakit lang siguro ako sa puso baka kinamatay ko na ito. "Ako lang ang walang alam na tungkol dito. Nagmumukhang tanga pero gagawin ko ang lahat para mapatawad mo lang ako. Mahal na kasi kita, eh."

Skye's POV

Sa dami kong pwedeng makita, bakit siya pa? Kinalimutan ko na ang lahat na sakit. Bumalik na naman ang lahat noong nakita ko siya. Hanggang ngayon pa kasi si Luke pa rin ang mahal ko.

Hindi na pwede. Tumigil ka na sa kabaliwan mo, Skye. Sinaktan ka na niya. Gumising ka na rin sa katotohanan.

"Skye, please.. Makinig ka na muna sa akin." Nakatalikod pa rin ako sa kanya. Nasasaktan ulit ako. No, I'm already a grown up woman. "Ako lang ang walang alam tungkol dito. Nagmumukha akong tanga pero gagawin ko ang lahat para mapatawad mo lang ako. Mahal na kasi kita, eh."

Napabilog ang mga mata ko sa aking narinig. Ako? Mahal niya? Psh. Sino niloko niya?

Kung noon sinabi niya na mahal niya ako sana masaya na ako noon pa. Pero wala na dahil move on na ako ngayon.

Humarap ako sa kanya. Kunot noo akong nakatingin sa kanya pero nakayuko lang siya ng ulo.

"Salamat sayo kaya ako nagkakaganito ngayon."

"Pinagsisihan ko lahat yun ng apat na taon, Skye."

"Hindi pa sapat ang apat na taon dahil simulang nakilala kita minahal na kita."

"Alam ko." Sabay kamot niya sa ulo. "Kung alam ko lang ng mas maaga sana ikaw ang minahal ko noon pa."

"Sigurado ka? Wag mo ko pinagloloko, Lucas." Naka cross arms lang ako. Kunot noo pa rin ako sa kanya. Ano siya maswerte? Psh.

Lumapit siya sa akin kaya umaatras lang ako. Ano ang binabalak nito? Naipit na yata ako. Wala na ako maatrasan pa.

Bigla..

Bigla...

Bigla na lang niya ako hinalikan. Napalaki ang mga mata ko noong dumikit ang labi niya sa akin. Kung noon ay kanina pa ako tumatalon sa tuwa pero ngayon ay tinulak ko siya sabay...

Pak!

Sinampal ko siya ng napaka lakas.

Napahawak na ako sa labi ko. Bwesit. First kiss ko yun.

Maiyak iyak ako dahil siya ang first kiss ko.

"Ang lakas ng loob mong nakawan ako ng first kiss!" Sigaw ko. Pasalamat siya walang tao ngayon rito. Dahil ang mga magulang ko ay may date. Date sa Moon Cafe. Si Gavin naman may practice ng basketball. Si Star ewan ko. Like what I care.

Pinaghahampas ko siya sa dibdib niya pero nasalo niya agad.

"I won't give up until I can call you mine."

"Libre lang mangarap."

"Hindi ako magsisi na ninakawan kita ng halik, Skye." Naglakad na siya sa palabas ng bahay. Narinig ko rin siyang nagmunura.

Napaupo na lang ako sa sahig. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak. Ayos na sana ang lahat kung hindi ko lang siya sana nakita ngayong araw.

Oo nga naman. Kapatid niya si Felix at isang bahay lang sila nakatira.

~~~~~~

Leave a comment and press ☆ to vote.

Destiny For UsWhere stories live. Discover now