Chapter 14

1.3K 35 4
                                    

Lucas' POV

Hindi naman talaga ako pumupunta sa ganitong lugar. Pero ngayon sobrang sakit na dahil ayaw ako makita ng babaeng mahal ko at galit sa akin ang pamilya niya. Hindi naman alam ganoon ang mangyayari. I want to see Skye badly. Isang buwan ko na siya hindi nakakasama. Paano ko ba sasabihin sa kanila ang totoo?

"Ugh. I wanna die." Pinatong ko ang ulo ko sa mesa habang nakatingin sa bote ng alak.

Nandito nga ako sa bar. Gusto ko lang makalimutan ang sakit pero hindi ako magpapalasing dahil alam kong magmamaneho pa ako.

Ang lakas ng music rito sa bar, maraming sigawan, halikan sa sulok sa may dilim para walang makakita. Pero may napansin akong isang babae kanina pa nakatingin sa akin. Ngunit hindi ko naman siya binibigyan ng atensyon.

Tinungga ko ulit ang alak hanggang naubos ko na yun. Nagiwan ako ng pera sa mesa bago tumayo.

Matutumba na ako sa kalasingan ko pero may umalalay sa akin.

"No, I can walk." Sabi ko doon sa tumulong sa akin. Tuloy pa rin ako sa paglalakad papunta sa parking lot. Nakita ko na ang kotse ko.

Hindi ko alam kung kaya ko magmaneho. Medyo nahihilo na ako at sa tingin ko ang dami kong nainom.

Kailangan ko rin umuwi sa bahay. Isang buwan na rin ako sa resthouse tumutuloy.

------

"Ugh. My head hurt." Napahawak ako sa ulo ko. Pero wait, bakit puro puti ang nakikita ko? Nasaan ako? Wag niyong sabihin patay na ako..

"Oh. You're awake." Tumingin ako sa nagsalita. Isang nurse. Wait, nurse?

"Where am I?"

"You are in the hospital, sir."

Ospital? Bakit ako nandito?

"What happened? I don't remember exact happen."

"You're drunk, sir and the police wants to talk with you when you're awake. Should I call them?"

"No, please. I mean, I want to be alone for a moment."

"Okay, sir. Just call me if you want to talk with them." Binigyan ko na lang siya ng tango. Lumabas na siya ng kwarto. Damn it. Ano ba nangyari? Wala ako maalala.

Maya maya pa ay tinawag ko na yung nurse at pumasok na rin ang mga pulis. Tinatanong ako ng kung anu-ano at may pinakitang picture sa akin. Sira ang harapan ng kotse ko sa nangyari. Nabangga pala ako sa isang malaking puno kanina at mabuti na lang ligtas ako.

But I can't move my left foot. Shit! Wag naman sana. Ayaw ko maging lumpo.

"Fuck." Nakarinig ako ng familiar na boses. Patay ako nito. Si papa yun. "Ano ba nangyari sayo, Lucas?!"

"Not now, pa. I'm not in the mood right now."

"Damn it, Lucas! Ano ba ang problema mo at naisipan mong maglasing kanina?!"

"I said not now!" Napasigaw ako. Nawala sa isip ko nasa ospital pa kami.

Pak!

Sinampal ako ni papa. Nagulat ako dahil ngayon ako pinagbuhatan ng kamay ng sarili kong ama.

"Wag na wag mo ko sisigawan. Tandaan mo ito ama mo pa rin ako."

"Argh. I want to die! Ayaw ko na mabuhay!" Sigaw ko. Naiinis na ako sa nangyari sa buhay ko.

Wala na yung babaeng mahal ko.

Dahil nga hindi ako makalakad sa nangyaring aksidente ay kailangan kong gumamit ng wheel chair. Kinakahiya ko na ang sarili ko dahil sa nangyari. Hindi ako lumalabas sa kwarto ko. Palagi ako nakahiga sa kama at hindi rin ako kumakain. Alam kong nagalala na sa akin si mama.

Destiny For UsМесто, где живут истории. Откройте их для себя