Chapter 16

1.4K 31 0
                                    

Five years later...

"Ashton Lucas.." Tawag ko sa anak ko. I named my son after his father.

Tanga ko kasi dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa rin ang ama ng anak ko. Hindi naman ako nagsisi na pinanganak ko si Ashton dahil naging masaya ako noong dumating siya sa buhay ko kahit maaga akong nabuntis sa kanya. Ang masamang palad ay kahawig niya si Luke.

Speaking of Luke ay wala na akong balita sa lalaking yun. Hindi na nga siya nagparamdam dahil ang huli kita ko sa kanya noong nagusap kaming dalawa. Ayaw ko naman tanungin si Felix dahil aasarin lang ako ng kaibigan kong yun.

"Mommy!" Tumakbo papalapit sa akin si Ashton.

"Yes, baby?" Imbes na sagutin ako ng anak ko ay hinila ako niya ako papunta sa ice cream parlor. He wants an ice cream.

"I want a chocolate ice cream, mommy."

"Okay, sweetie." Sinabi ko na sa nagtitinda ang flavor ng ice cream. Pagkabigay sa akin ay binayaran ko na. Binigay ko naman kay Ashton. "Here you go."

"Thank you." Ngumiti siya sa akin. Sa tuwing ngumingiti si Ashton ay naalala ko si Luke sa kanya. Hinalikan na rin niya ako sa pisngi kaya napangiti na lang ako.

Tumingin ako sa paligid dahil may dalawang babae naguusap at narinig ko ang pinaguusapan nila. Ano ba ang pakialam nila kung bata pa ako? Hindi naman nila buhay ito. I can do whatever I want. Kaya nga naging tanga ako at dumating sa buhay ko si Ashton.

Lumabas na kami ng anak ko sa ice cream parlor. Habang abala si Ashton sa kinakain niyang ice cream ay may narinig akong usap-usapan ang isang CEO sa sikat na kumpanya. When they mention his name, biglang kumalabog ang dibdib ko. Naging CEO na pala si Luke ng kumpanya nila. Pero may narinig pa ako dahil strikto daw ito at hindi uso ang ngumiti.

Bakit ganoon?

Hindi ganoon ang pagkakilala ko kay Luke. Masayahin siyang tao at mabait. Ano nangyari sa kanya?

Pagkauwi namin sa bahay ni Ashton ay pinaliguan ko na siya dahil pinagpawisan na kakalaro kanina. Pinatulog ko na rin siya pagkatapos dahil inaantok na daw siya. Noong nakatulog na ang anak ko ay lumabas na ako sa kwarto niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Fiona sa akin. Simulang tumira ang magkapatid ay dito na pinatuloy ni daddy. Si Vixen naman ay wala dahil busy siya sa pagaaral niya. Graduating na kasi si Vixen ngayong taon at may balak pang mag-doctor itong pinsan ko kaya magaaral ulit para sa doctor naman. Matalino naman si Vixen kaya makakapasa siya sa board exams.

"Sa Jackson Empire. Balita ko kasi si Luke na ang CEO doon."

"Ang ama ni Ash?" Tumango ako. "Nababaliw ka na ba? Hindi nga nagparamdam ang lalaking yun ng limang taon tapos magpapakita ka sa kanya. Kalimutan mo na siya, Skye."

May galit itong si Fiona kay Luke dahil hindi nagparamdam sa amin ng anak niya. Kahit man lang may Ashton magpakilala siya bilang ama niya. Matagal na siyang pinapatawad ni daddy dahil wala na rin siya magagawa. Siya ang ama ng apo niya.

Kahit limang taon na rin ay marami pa rin dumadayo sa cafe ni daddy. Kahit tumatanda na si daddy ay gwapo pa rin at habulin ng mga babae kaya si mama nagseselos.

Si Gavin ay nasa Moon Cafe dahil regular na siya doon. Bilang nakakatandang anak na lalaki ay siya ang tagapagmana ng Moon Cafe. At matagal na rin naman binigay ni daddy kay tito Derek ang Sun Cafe.

Si Star naman ay nasa Paris ngayon dahil natanggap siya sa isa mga sikat na agency doon. Isa kasing magaling na designer si Star. Nagkaayos na kami matagal na. Tinulungan pa nga niya ako alagaan si Ashton.

Destiny For UsWhere stories live. Discover now