Chapter 25

1.5K 41 0
                                    

Nagising ako dahil ginising ako ni Ashton.

"Mommy, wake up." Paggising sa akin ni Ashton.

"What's wrong, baby?"

"I'm hungry. You know granddad is busy with grandmom."

Bumangon na ako sa pagkahiga baka kasi magwawala pa itong si Ashton. Gutom na siya.

Pinaupo ko na si Ashton sa dining chair at pumuwesto na ako sa harap ng kalan. Pinagluto ko siya ng pancakes.

Napapangiti na lang ako sa tuwing naalala ko yung pagpropose ni Luke sa akin. Pinaghandaan talaga niya ang pangyayari.

Nakarinig ako ng ingay. Lumingon ako dahil nakita ko sina Ethan at Nate. Ang aga aga naman nila dumating.

"Hi, Skye." Bati sa akin ni Ethan kaya nginitian ko lang siya.

"Hey, Ash." Nakipag fist bump si Nate kay Ashton.

"Good morning, uncle Ethan and uncle Nath."

"Skye, I hope you don't mind. Sino ba ama ni Ash?" Tanong ni Nate.

"Si Luke." Sagot ko habang nilalapag sa harap ni Aston ang pancake.

"Eh! Yung kaibigan namin?" Napatintin ang dalawa kong pinsan sa isa't isa.

"Kaya pala nakikita namin minsan si Luke sa kanya. Siya pala ang ama niya." Sabi ni Ethan.

"Alam na ba niya?" Tanong ulit ni Nate.

"Matagal na. Nagpropose na nga sa akin noong araw ng birthday niya."

"What? Daya naman hindi niya kami sinabihan."

"Oo nga. Parang wala-- aray!"

Tumingin ako dahil nandito na pala si Gavin. Hinampas pa ang ulo ni Nate.

"Tumigil nga kayong dalawa diyan. Ang aga aga boses niyo agad ang narinig ko pagkalabas ng kwarto ko." Inis na sambit ni Gavin. Tumingin naman siya sa akin. "Sis, kung magising na si dad pakisabi na maaga ako umalis dahil may kukunin pa akong suppliers sa New York."

"Insan, sama kami!" Sabi ni Ethan.

"No. Baka hanapin kayo ni tita Kristina mamaya at alam kong may trabaho rin kayo."

Hindi na sumagot pa ang magkapatid na ito. Ewan ko ba kung paano nila natitiis ang dalawang ito.

Si Ethan ang matanda sa kanilang magkapatid. Si Nate ang sumunod sa kanya.

Narinig ko ang ingay ng motor ni Gavin. Paalis na siya noong nakita kong pumunta sa kusina si daddy.

"Umalis na si Gavin?" Tanong niya.

"Yes po. Ang sabi ni Gav may kukunin pa daw po siyang suppliers sa New York."

"Hindi ko naabutan ang kapatid mo. Tatawagan ko na lang siya mamaya." Pumuwesto na si daddy sa kalan. Si daddy kasi ang chef namin dito. Chef na baker pa.

Ano masasabi niyo?

He is the king of the kitchen.

Pero minsan lang magbake si daddy.

--------

"Mommy, I want to see daddy."

"Okay, let's visit your daddy." Binuhat ko si Ashton para paliguan siya.

Pagkatapos niya maligo ay binihisan ko na.

Sumabay na ako kila Ethan dahil ang sabi niya kailangan na nila umuwi at noong nalaman nilang pupunta kami ni Ashton sa Jackson Empire ay mapilit na hatid kami. No choice kaya pumayag na ako.

Hindi na ako lumapit sa front desk dahil alam ko naman anong floor ang opisina ni Luke.

Pagkarating namin sa twenty-sixth floor ay pumunta na muna ako sa sikretarya niya.

"Excuse me."

"Yes, ma'am?"

"Is mr. Jackson available?"

"Yes he is available right now. Do you have an appointment on mr. Jackson?"

"Actually, no but I'm his fiancee."

"Oh. You must be ms. Skye?" Tumango ako ng ulo. Tumingin naman siya kay Ashton. "And you, little boy must be mr. Jackson's son?"

"Yes. My name is Ashton. And I'm five years old." Pakilala ni Ashton sa kanya.

"You are free to enter his office, ma'am."

"Thank you."

Pumunta na kami sa opisina ni Luke pero narinig kong may kausap siya. Sino naman kaya kausap niya? Baka sa trabaho lang.

"Yes, ma. Pupunta po akong ospital mamaya after my meeting with the investors."

Si tita Alex lang pala ang kausap niya.

Noong wala na akong marinig na boses ay kumatok na ako.

"Come in." Pagyaya niya. Pinihit ko na yung doorknob para buksan. Noong nabuksan ko na ang pinto ay nagulat siya. "Baby girl!?"

"Gusto ka makita si Ashton kaya bumisita kami."

"Daddy!" Tumakbo si Ashton kay Luke. Kaya kinarga niya at pinaupo sa kandungan niya.

"You want to see me, buddy? Or mommy wants to see me?"

Namula ako sa tanong niya kay Ashton. Pero mas namula ang pisngi ko noong ngumisi siya sa akin.

"Both, daddy. Mommy wants to see you too." Tumingin si Luke sa kanya pero hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya.

Nakita kong tumayo si Luke pero pinaupo naman niya si Ashton sa swivel chair. Lumapit sa akin si Luke sabay yakap.

"I missed you too, baby girl. Sorry ang dami ko lang kasi kailangan tapusin ngayong linggo tapos palagi pa ako nagbabantay kay papa pagkatapos ko rito."

"I understand. Basta walang babae ah. Trabaho lang."

"Wala naman akong babae. Ikaw lang ang kailangan ko. Bakit pa ako maghahanap ng iba? Takot ko lang magalit ulit sa akin si Gav."

Oo nga pala nagkaayos na ang dalawa. Pinapansin na ulit ni Gavin si Luke.

"Why we don't give Ashton a little brother or little sister?" Bulong niya sa tenga ko. Yun ang kinapula ng pisngi ko kaya hinampas ko siya sa dibdib.

Tumingin ako kay Ashton dahil may hawak na siyang tablet.

"Ayos lang ba hawakan ni Ashton ang tablet mo? Baka mahulog niya." Saad ko. Lumingon naman si Luke.

"Buddy, you want to play?" Tumango naman si Ashton sa kanya kaya lumapit si Luke. At inabot sa kanya ang kanyang phone. "Here's my phone, buddy. You can play any kind of games there."

"Okay, daddy."

"Hindi ko alam naglalaro ka pala ng mga mobile games."

"Video games nga naglalaro ako. Mobile games pa kaya, baby girl."

Oo nga pala. Mayroong PS4 itong si Luke sa bahay nila.

"I mean, sa oras ng trabaho naglalaro ka."

"Nope, kung bored lang ako doon lang ako naglalaro ng mga mobile games."

Tumango lang ako pero niyakap niya ulit ako.

"So, ano nga?"

"Anong ano nga?" Tanong kong pabalik sa kanya.

"Bigyan natin ng kapatid si Ashton."

"Hindi ba may meeting ka mamaya tapos after your meeting with investors ay kailangan mo pumunta ng ospital?" Paiiba ko ng topic.

"Yes, pero hindi ko naman sinabi sayo ngayon. Ikaw ah. Excited ka." Ngumisi na naman ang loko.

Namula na naman ang pisngi ko.

Inaamin kong excited ako. Pero iniisip ko na wag na muna ngayon.

"E-Ewan ko sayo." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

~~~~~~

Leave a comment and press ☆ to vote

Destiny For UsWhere stories live. Discover now