To Love Again - cHappy eight

Start from the beginning
                                    

At hindi maiwasang sisihin ang sarili.

“I deserve it, Nikko. Ok lang. Hindi kasi ko matahimik.”

“Ang kulit. Mana ka kay Mama.”

“At ikaw kay Papa.” I chuckled. Tumawa din siya. Close talaga kami nito. Siguro dahil isang taon lang ang agwat namin sa isa’t-isa. Namana niya ‘yung matangos na ilong niya kay Papa. Ako naman ‘yung bilog na bilog na mata ni Mama. Sa unang tingin, mukha talaga kaming hindi magkapatid dahil hindi kami magkamukha. But if you are a keen observer, malalaman mo agad na magkapatid kami.

“You should go.”

“Pinagtatabuyan mo na ko ngayon ah?”

“Gusto ko lang magpahinga. Sige na.”

“Ok. Bukas na lang ulit ng umaga ko pupunta dito. Rest well.” I kissed his forehead.

Pagtingin ko sa gawi ni Arwill, nakamasid siya saming dalawa. Nag-iwas agad siya ng tingin. Ano kaya ‘yun?

Tumayo na ko at lumabas ng ospital.

------------------

Nasa baseball field ako ngayon at  nakamasid sa mga players namin na kasalukuyang nagpapractice. One week na lang kasi, Sports festival/Intrams na. Sayang, hindi ako makakapagparticipate sa mga laro ng section namin. Kasama kasi ko sa medical team. Syempre, andun din si Lester.

Our team is always working hard whenever they’re practicing. Binubuhos talaga nila ‘yung best nila at kahit na pinapagalitan sila ni Coach Derek, ayos lang dahil alam nila na makakabuti rin sakanila yun. Paminsan-minsan, nasusugatan at nai-injure sila pero kahit ganun, nakangiti pa rin. I really admire them especially ‘yung team captain. Si Kuya Frank.

'Kuya' kase parang kuya talaga siya saming lahat. He’s really mature although we’re all the same age. He always gives advices and encouragements to everyone.

Napamahal na sila sakin kahit ang kukulit nila. Mga lalaki kasi. Walang talo-talo samin kahit nag-iisa kong babae sa team. ‘Yun ang pinaka-nagustuhan ko.

“’Wag mong titigan, baka matunaw.”

Napalingon ako sa gilid ko. “Coach, kayo po pala. Ang gagaling po kasi nila. For sure, tayo na naman po ang magcha-champion sa huli.”

“Hmm... ‘Wag tayong papakasiguro. Kamusta ang ace player?”

“Po?”

Nginuso niya ‘yung gawi kung nasan si Arwill. “The Ace player of this Academy. How is he?”

Kumunot ‘yung noo ko. “Coach, wala naman pong problema sakanya ah? Bakit po lagi niyo siya sakin kinakamusta?”

Lumingon siya sakin. Mischief is evident in his eyes. “Because you two are close.”

Umiling ako. “Naku. Hindi po. Magkaklase lang po kami.”

He shrugs. “I’m not really worrying about sa buong pagkatao niya.” He sighed. “It’s his emotions.”

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi naman nagtanong si Coach so I’m not obliged to answer. Tinitigan ko si Arwill.

“Three years ago, naging coach ako ng basketball team kung saan nandun siya. Elementary pa lang, marami na kong naririnig tungkol sa batang 'yon. He's really an athletic person. Madali siyang matuto. He has the skills of an athlete. Kaya tinawag siyang ‘Ace of Centaurus’.”

I’d heard of that. Too many times. Pero hindi ko expected na si Arwill pala ‘yun.

“Sinasabi mo lang ‘yan dahil hindi mo ko kilalang-kilala. Tss.” I remember him saying that. How come na hindi ko alam ‘yun eh nasa iisang klase lang kami? Sobrang subsob siguro ko sa libro nun.

To Love Again [TSCM series 2]Where stories live. Discover now