Sinundot ko ‘yung pisngi niya. “Ayiiieehh.”

He glared at the girl. “Inggit ka? Edi mag-girlfriend ka rin.”

The girl laugh out loud. Napanganga ko sa lakas ng tawa niya. Grabe! Parang walang sakit.

“Ang galing mo talagang magjoke. Laughtrip ako! BWAHAHAHAHA!” natigil lang ‘yung pagtawa niya nang—“Are? Kuya Arwill!”

Pareho kaming napalingon ng kapatid ko sa pintuan.

“Sabi ko na nga ba at galing sa’yo ‘yung malakas na tawa na ‘yon. Eto, para sa’yo.”

Nagpout ‘yung babae. “Bakit mo naman ako dinalhan ng sampaguita? Of all flowers?! Seriously?!”

Kumuha si Arwill ng upuan at umupo sa tabi ng kama nung babae. “Naawa kasi ko dun sa bata na nadaanan ko kanina kaya binili ko na. Kaysa naman wala kong dalhing bulaklak dito, ‘di ba?”

“You have a point pero... saan mo naman ilalagay ‘yan?”

Nagtatakang tinignan niya ‘yung mga sampaguita.

“Sa leeg mo.” Natawa ko nang magpumiglas ‘yung babae habang sinusuot ni Arwill sa leeg niya ‘yung sampaguita. Gawin daw bang Santo Niño?

“Ah, siya nga pala Kuya Arwill.” Tinuro nung babae si Nikko. “Siya si Nikko Robot.”

“Pffft!” ano ba namang klaseng pet name ‘yan? Pero sabagay, akma kay Nikko ‘yun.

Nagtatakang tinignan lang ako ni Arwill. Balik kami sa walang-pakielamanan mode.

Tinanguan lang siya ni Arwill. Nagbow naman ng konti ‘yung kapatid ko.

Bumaling sakin ‘yung tingin nung babae. “At siya naman ‘yung girlfriend niya.”

Tinakpan ko ‘yung bibig ko kasi tawang-tawa na ko. Talagang pinanindigan na girlfriend ako ng kapatid ko ah.

Bumuntong-hininga lang si Nikko saka nagtalukbong. Naaasar siguro. Ayaw niya ng maingay kaya bugnot na bugnot itsura nito kanina pa.

Tinignan ko ‘yung babae at nginitian. “Ah, pasensya ka na sakanya ha? Hindi kasi ‘yan sanay na may kasama dito. Ahm... ako pa nga si Lauren. Nice to meet you.”

“Kaya pala ayaw niya kong nandito. Ok lang. Nice to meet you din, Lauren. But... you look older than him.”

Oh. I smell sarcasm in there.

“Enough, Anya. Just go to sleep. Nagpadala na ko ng bulaklak at pagkain—“

“May chocolate?”

“Not allowed. Now sleep.”

Nakita kong nag-pout si Anya at humiga na rin habang binabantayan siya ni Arwill. Kahit kailan talaga pala-utos ‘tong lalaking ‘to.

I sighed. Inalis ko naman ‘yung kumot ni Nikko. “Kamusta na?” nagulat naman siya at pumikit na lang. Hinawakan ko ‘yung buhok niya.

Haay. Ang kapatid kong ‘to. Gusto ko ng makalabas siya dito. Pitong-taon din ‘yun. Pitong-taon siyang nandito sa loob ospital.

“I’m good. Kapag nagpatuloy pa daw ‘to, makakalabas na ko. Kaya hindi mo na kailangang magtrabaho. I know it’s hard for you.” Hinawakan niya ‘yung kamay kong nasa buhok niya.

He’s really sweet... just like our father.

Hindi ko na naman maiwasang bumigat ang pakiramdam. Sa tuwing naalala ko kung anong nangyari noon, sumisikip ang dibdib ko...

To Love Again [TSCM series 2]Место, где живут истории. Откройте их для себя