CHAPTER 50: MEMORIES

286 2 0
                                    

CHAPTER 50

MEMORIES

After that incident, hindi ko na alam kung paano magsisimula ulit. Hindi ko maipaliwanag, para bang ang bigat sa pakiramdam, parang nawalan na ng saysay lahat, parang nawalan ng magic. Ganun ba talaga yung ipekto ni kevin tatco??

Nandito ako sa basketball court, magisa. Ngayon lang nagsink in sakin lahat. Mga panahon na kasama ko siya, yung masasaya at malulungkot, yung time na bago siya maaksidente. At yung time na nagising siya. parang lahat hindi mo iisipin na pwede mangyari..

Pero nangyari, ganun ata yung realidad ng buhay, magmamahal ka, masasaktan, may dadating sa buhay mo na pagpapasaya sayo tapos kung kaylan okey na lahat, mawawala ng ganun ganun na lang. pag naiisip ko siya, nasasabi ko  na.

“mas mabuti pa pala yung ikaw yung aalis kesa ikaw yung maiwanan”

Ang hirap pala.. sobrang sakit kev’s, hindi ko alam na ganito yung pakiramdam, parang ang hirap magstart ulit sa umpisa. Kulang na yung tvj co. pag wala ka. Mas masarap nga isip sana nasa malayo ka lang eh, pero ito.. hanggang kaylan ako maghihintay kevin? Gaano ba yun katagal? Bakit ang bagal ng oras? Namimiss na kita agad..

Hindi ko maiwasan maiyak pag naaalala ko siya, nanghihina ako, pero pag naiisip ko yung mga sinabi niya sakin. lumalakas loob ko, pag magisa ako nararamdaman ko siya. pag nalulungkot ako nararamdaman ko na niyayakap niya ko. alam ko na binabantayan niya ko.

Ang totoo mahirap naman talaga magmove on na wala siya, hindi naman ganun kadali yun diba? Pero ginagawa ko, alam ko unti unti ko din matatanggap lahat. Pero kevin.. balato mo na sakin toh oh! Gusto ko lang umiyak kahit ngayon lang.. ang hirap kasi eh.. ang bigat sa puso. Parang hindi ako makahinga. Sana nandito kana lang ulit. sana hindi na lang nangyari lahat toh. Kung pwede ko lang ibalik yung oras.

Umuwi ako kasama si ivan, pag mag isa lang ako nalulungkot ako kaya sinasamahan ako nila rhianne at kim, pag natutulog kami, napapanaginipan ko siya.

Maaga umalis sila rhianne, magisa lang ako sa kwarto hawak yung guitar ko, naka dress nako na white, tumutugtog ako nung marinig ko si ivan na bumusina. Sinuot ko yung kwintas na bigay ni kevin, pag babako nakita ko agad si ivan.

“handa ka na ba?”

I smiled at him

Pag dating namin nakita ko na agad sila rhianne. Lahat sila naghihintay samin. pag pasok ko Lahat ng tao nandito na, lahat sila nagaabang, lahat ng maingay sa school, lahat ng teachers,faculty member, mga classmates at mga kaybigan. Pati si sir carpio..

sinalubong agad ako ng parents ni kevin. Pag lakad ko papunta sa harap, parang ayaw mahakbang ng mga paa ko..  pinipilit ko magpatuloy sa paglalakad, nakita ko siya, kahit dito nakikita kong Masaya siya. hinawakan ko yung salamin kung saan siya nakahimlay.

Music intro: In another lifetime by gary v. --->

“kevin…nandito nako..”

Alam kong wala na siya pero nararamdam ko na kasama ko padin siya. nangako siya sakin na magkikita kami sa takdang panahon, at umaasa ako dun, malulungkot ako dahil mamimiss ko siya. hindi nangangahulugan na dito na matatapos ang lahat.

Pag punta ko sa harap nakinig ako sa mga salita nila. Pinipigilan ko maiyak. Sa mga salita nila parang bumabalik ako sa dati. Pag punta ko sa harap lahat sila nakaabang sa sasabihin ko. hindi ko alam kung paano magsisimula, tapos pag tingin ko table nakita ko yung butterfly na dumapo sa kamay ko, kahit nakasmile ako hindi maiwasan tumulo ng luha ko.

Nung magsasalita ako parang walang boses na lumalabas.

“si-si-si kevin.. nung una ko siya Makita sinabi ko na hindi ako aasa sa taong babaero! madalas kami magtalo,may mga bagay siya na gusto gawin pero hindi niya magawa dahil iniisip muna niya yung iba. Hindi siya selfish na tao. Mapagbiro, maloko at masayahin siya, pero sa kabila ng lahat na yun, nagdudusa siya. hindi niya madalas sinasabi yung mga nararamdaman niya, yung mga pinagdadaanan niya. Oo, madalas po kami nagtatago sa mga tao sa school, nag kikita kami sa rooftop, dahil dun.. walang huhusga samin dalawa, dun namin pinaguusapan yung mga pangarap namin sa buhay. Yung mga problema namin dalawa. Kahit sandali ko lang siya nakasama.. pakiramdam ko matagal ko na siya nakilala.”

"He's still my Man"Where stories live. Discover now