CHAPTER 34: I MISS THE OLD TIMES

199 1 0
                                    

CHAPTER 34

I MISS THE OLD TIMES

 Mabilis talaga yung panahon, malapit na kami mag bakasyon, November nanaman. Nagagahalol nanaman kami sa school project, hindi ko na masyado nakikita si kevin, busy din kasi ako sa room namin, sa pagaaral pati sa club. Madalas kami umaalis ni ivan. Sa medaling salita ginawa kong busy yung sarili ko. good thing kasi maganda yung nangyayari. Mataas yung grades ko Masaya ako. si kim at vince nakapag usap na. nakapag decide nadin siya na itago na lang yung feelings niya.

Nalaman niya kasi na wala lang kay vince yung lahat. Kaya nagpapanggap na lang siya na hindi na gusto si vince. Desisyon naman niya yun eh. okey lang daw sa kaniya. alam naman daw niya na lilipas yun. Ang mahalaga yung friendship nila. Hindi ko alam kung hanggang kaylan niya yun itatago. Sana hindi siya magsisi sa naging disisyon niya.

Malapit nadin birthday ni vince, so nagdecide sila na magswimming, sabi ni vince sa resort ulit ng uncle niya, ang totoo hindi pa ko nakakapag decide about dun.

After nang ilang days, baksyon na namin, si kim nasa bahay ko tumatambay, wala na kasi pasok. At siya na yung lagi ko kasama. Parang mag bestfriend na kaming dalawa.

“Ano sasama ka ba? tara na kasi.”

“Sino sino ba tayo?”

“Vince, ako,ikaw, si ivan, and ilas”

Nakakalungkot lang kasi lima na nga lang pala kami ngayon, si kevin hindi na sumasama sa samin. after namin magusap sa rooftop yun na yung last na usap namin. si rhianne hindi na nakikipag sakin. Si ivan na lang kinakausap niya at yung iba, sakin lang siya galit. Hinahayaan ko na lang siya, kahit kausapin ko isya, useless.

Natuloy parin kami, pero hindi ko alam na kasama si rhianne, Kathleen at r.v, ang masaklap kasama ni vince yung anne, syempre pag kasama yung anne kasama yung trish. Nakakainis.

Ashley: “Akala ko ba tayo tayo lang?”

Kim: “Sinama mo pa talaga yung babaeng yun????”

Vince: “Hindi sasama si kevin pag hindi kasama si anne eh.”

Ilas: “Hindi mo ba naisip yung  sitwasyon nung dalawa huh??? Ginagawa mong kumplekado eh!!!”

Alam ko na naiinis din si ilas dahil kasama si Kathleen. Matitiis ko pa kasama sila rhianne kesa makasama sila trish.

Ivan: “Dapat hindi mo pinag sabay, pwede mo naman hatiin sa dalawa, kung gusto o next tume na lang tayo umalis.”

Vince: “Sorry guys. Minsan kasi naiisip na magsama tayo ulit ng mga tropa, kahit sa birthday ko lang. pero naiintindihan ko naman hindi na talaga pwede.”

Ashley: “Sa susunod na lang tayo umalis, tumuloy na kayo, okey lang naman samin.”

Natuloy sila. Rhianne, r.v, Kathleen, kevin, trisha, anne, vince. Narealize ko na apat na lang kami naiwan. Ako si kim, ilas, and ivan. Pero okey lang samin kahit apat lang kami.

Sabi ni ivan mag tagaytay na lang kami, isa sa mga rest house nila. Kahit apat lang kami sa sasakyan ni ivan. Masaya parin. Nakakamiss nga lang yung dating samahan.

Pagdating namin sa resthouse nila. Nagunpack kami ng mga gamit. Tumabay sandali, dalawa yung roomso yung isa samin dalawa ni kim, tapos yung isa kay ivan and ilas.

Kami yung nakatoka sa pagluto, sila ni ivan sa pagbili ng drinks. Bumili kami sa 7eleven ng mga kaylangan namin tsaka drinks. Naginoman kami nagkwentuhan. Hindi kagaya noon, madami kami. Ngayon more on kwentuhan lang. mas seryoso, hanggang mag open na kami sa mga feelings namin.

 Nagopen up na si ilas nung sa kanila ni Kathleen, halatang nagulat si kim sa nalaman niya pero kami ni ivan, obviously alam na namin yun. Si kim nagopen na din samin, si ilas napatingin lang kay kim, never niya kasi naiisip na mafafall si kim kay vince, wala din ka alam alam si ivan about kay kim and vince.

Minsan narealize ko na okey lang pala kahit kami lang apat, kasi mas nagkakasundo kami lahat. Compare sa iba namin mga kasamahan.

Hanggang samin dalawa nauwi yung topic,

Ilas: “ Alam mo, saying kayo dalawa, teka ano nga status niyong dalawa?”

Kim: “Oo nga!!”

Nagtinginan lang kami ni vince, tapos natawa kami pareho.

Ivan: Hindi ko alam, Masaya lang kami na magkaybigan kami, ewan, ikaw ash?

Ashley: “Masaya lang din ako, okey kami magkasama.”

Ilas: “Teka naka move on ka na ba kay kevin?”

Ashley: “Parang ganun na nga, mas okey nako ngayon compare dati.”

Ilas: “Ibig sabihin okey na maging kayo na ni ivan diba? Ano pa ba hinihintay niyo dalawa, obvious naman na like niyo yung isat isa.”

Natawa lang si ivan sa sinabi ni ilas.

Ivan: “Dadating naman tayo dyan eh, hindi naman natin kaylangan madaliin yung mga bagay bagay.”

Ashley: “tama siya, tsaka Masaya naman kami sa ganito eh.”

Kim: “Sige na nga, pero papaalam mo sakin pag kayo na huh???”

Almost 3days din kami sa tagaytay, namasyal lang kami, nagzip line, horse ridding, namili ng souvenir, nagswimming, tapos tinuruan din niya ko mag golf. Sa gabi umiinom kami, mas relaxing. Nung nasa kusina si ilas at kim umupo muna sa may veranda, tinitingnan ko yung view. Lumapit sakin si ivan.

“Do you like the place?”

“Of course!! Relaxing, sana makabalik ulit tayo dito.” (^_^)

“Ahhh! Edi  Sige, sulitin mo na, last na punta na natin dito!”

“Napaka sama mo talaga!!!”

 Napos tinawanan niya lang ako, ang totoo okey naman kami pag kami lang magkasama, smooth, walang kumukontra, siguro kami talaga yung compatible sa isat isa.

Tumawag si rhianne sa kaniya sa phone, nakita ko na tumatawa si ivan nung pinasa sakin ni ivan yung phone bigla na lang niya binaba, malaki yung galit sakin ni rhianne, pero hindi ko naman siya maintindihan.

“Oh?? Tapos na kayo magusap?”

“Binaba niya yung phone.”

“What?? teka tawagan ko ulit baka wala na yun ng load”

“Ivan, wag na! halata naman umiiwas siya, I know her, hindi naman siya ganyan before, wala ba siya nababanggit sayo? Tungkol samin? nagalit na lang siya for no reason. And for me, its unfair. Kung iwasan niya ko ganun ganun na lang.”

“Wala naman siya nabanggit, nung last time na kausap ko siya about dito, bigla na lang niya binago yung usapan. Don’t worry kakausapin ko siya okey?”

“I miss her so much.. I miss my bestfriend..”

© SmileWithAngeL-Wattpad.com, 2012; All rights reserved.

"He's still my Man"जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें