CHAPTER 29: EVERYONE'S GOT SECRET

205 1 0
                                    

CHAPTER 29

EVERYONE’S GOT SECRET

Nasa library ako, nakayuko nanaman sa table, bakit hindi ko naisip na dito tumambay, tahimik na, wala pang tsismosa. Pumili ako ng libro. Hindi ko alam pero kinuha ko na lang, tapos pumili ako ng magandang pwesto, nakatulala lang ako nun, parang nasa bahay lang ako kung makaupo, mas relaxing dito.

Naisip ko nakakapagod din pala maging secretary, walang ginawa kundi magsulat pag tinatamad yung adviser ko ako magsusulat, pati sa ibang subject. Sana pala pangit na lang penmanship ko!!! uuhhhh!!

“(>__<)”

Nung binasa ko yung libro, feeling lumulutang lahat ng letters, hindi ko mabasa, nakakatamad. Tapos bigla na lang ako nagulat dumaan si kevin.

Umupo siya sa harap ko,

“Bakit dito ka tumatambay??? Teretoryo ko kaya toh.”

Ano naman ngayon sakin kung teretoryo niya to, hindi naman siya may ari nito. Haissstt!!! Pag minamalas ka nga naman, umiiwas ako kay r.v ayaw ko Makita siya, ayaw ko naririnig yung bosesniya, nakakairita.

“Kaylan pa naging bawal pumunta ng library.”

“Baka naman sinusundan mo lang ako dito..”

“Wow ahh!! Feelingero ka masyado, gusto ko dito, walang maingay, tahimik, walang chismis, tsaka malamig, kaya lang bigla ka naman dumating, nawalan tuloy ako nang gana.”

“Tssssssss!! Kung makapag salita kala mo kung sino.”

“Ano sabi mo???’

“Wala!!! sabi ko magbasa ka magisa dyan. Pwesto ko tong table na to kaya pwede ba.”

“Nauna ako sayo, kaya hindi ako aalis dito, kung gusto mo magbasa ka wala ako pakialam sayo.”

“Ahhh!!! Ganun?? Sige bahala ka!! Hindi ko kaylangan ng libro, libro na sa room pati dito libro, wag ka na lang maingay dyan okey!!”

Sabay yuko niya sa table, natutulog lang pala siya dito, kaya pala pag hinahanap siya ni rhianne, lagi siyang wala, hindi siya ngrerecess para lang matulog, Tsk! Tsk! Ibang klase.

Hindi ko alam pero after ng ilang minute, parang inaantok na din ako, haaayyy!! Nakakahawa na ba ngayon yung pagtulog, ang lamig naman kasi, pabigat ng pabigat yung mata ko, nag alarm ako sa relo ko tapos tumungo na din ako.

Hindi ko namalayan na napa sarap pala yung tulog ko, nagalarm yung relo ko pero hindi ako nagising, dali dali ko binalik yung libro na kinuha ko tapos tinapik ko si kevin.

“Gising na!!!  tapos na yung recess, late na tayo!!”

“Hay ano ka ba naman!! Edi pumasok ka na, ang sarap kaya ng tulog ko!”

“Don’t tell me mag cucut ka ng class? hay!! Umayos ka nga dyan!! Sa bahay ka matulog!!”

“Kung makasita ka kala mo girl frie..”

Tapos natigilan siya, kinuha ko yung wrist niya tapos hinatak ko siya palabas ng library hanggang second floor, yung isa niyang bulsa nakahawak sa pocket niya. binatawan ko yung kamay niya nun kasi ayaw ko na pagusapan nanaman kami,

“Pumasok ka!! Napaka tamad mo!!!”

Halatang naiinis siya dahil naudlot ko yung pag tulog niya, tumakbo na ko papunta sa third floor kasi late nako, nakita ko na naglalakad siya na parang nasa buwan. Haaayy! Tamad talaga pumasok!!

&quot;He's still my Man&quot;Where stories live. Discover now