CHAPTER 16: CHANGES

248 2 0
                                    

CHAPTER 16

CHANGES

Birthday na ni kevin ngayon april 12, niyaya ako ni kim magpagupit, maaga pa naman kaya sinamahan ko na siya, tahimik lang si kim tapos malalim siya magisip,

“May problema ka ba kim? Ang tahimik mo, hindi ako sanay”

“Huh?? Ah oo nga eh, may naisip lang ako bigla”

“Ano naman yun?”

“Wala naman kalimutan mo na”,

“Sigurado ka ba?”

“Oo naman, tara na nga.”

sabay ngiti niya sakin,

Nung nandun na kami sa salon, pinilit ako ni kim na magpagupit, ang haba na nga pala ng buhok, sabi niya trim lang daw tapos pa bangs kami pareho, sabi ko side bangs lang. ayoko din naman ng maigsi, saying naman yung pagpapahaba ko ng buhok.

Nagpagupit siya ng maigsi at nagpa bangs, nung natapos na siya, ngumiti siya sakin. Niyaya niya muna ko tumingin ng damit. tapos kahit ilang ikot na kami tahimik nanaman siya, kahit ilang beses ko siya ipili ng damit lahat inaayawan niya. hindi naman siya ganito.

Hindi ko tuloy alam kung maiinis na ba ko, ilang oras na kami paikot ikot wala naman siya binibili. Pag kinakausap ko siya lutang siya. isa pa kaylangan ko na umuwi kasi maghahanda pa ko ng surprise kay kevin. Nauna naglakad sakin si kim ni hindi niya ko napapansin na huminto na ko.

“Kim, ano ba kasi problema mo?”

Nagulat pa siya kasi ang layo ko na sa kaniya,

“ahhh! Pasensya na talaga ash!”

“Hindi ako sanay na ganyan ka, niyaya mo ko na magpagupit pinagbigyan kita tapos bumuli ng damit, halos naikot na natin yung buong mall ng tatlong bese wala ka naman pinipili, tahimik ka lang, walang kibo, lutang, tapos sasabihin mo wala kang problema, hindi ka naman ganyan eh.”

“Sorry ash ah! Hindi ko kasi maintindihan sarili ko”

Niyaya ko siya sa gintong kape na sinasabi nila ilas, (lagi namin tinatambayan pag nasa mall kami).

“Bakit, pwede mo naman sabihin sakin eh, wag ka magalala hindi naman ako madaldal no!”

“Nakakahiya kasi eh!!!!”

“Okey lang yan, go! Tell me.”

“Kasi naman eh”

Napikon na ko sa kakaarte niya kaya hindi ko na napigilan magsungit.

“Isa pang arte mo dyan iiwanan na kita dito.”

“Ssssssshhhhhhhhh! Wag ka nga maingay, yung boses mo kaya nakakahiya, sige na sasabihin ko na.”

“Gusto pa napipilit!”

“Kasi

yung kakilala ko, nagbago bigla yung tingin ko sa kaniya, naging cute siya bigla, tapos imbis na maiinis ako sa kaniya bigla na lang ako ma n.r, basta bigla na lang nagbago yung trato ko sa kaniya. lagi ko siya naiisip pag wala siya. naiinis ako sa kaniya pag hindi nasusunod yung gusto ko, dati naman wala ako pakialam”

“No reaction? Teka nga, ibig mo ba inlove ka?”

“Inlove na ba yun?”

“Hello, obvious ba? Inlove ka sis, alam mo nagkakaganyan lang ang mga tao pag inlove sila.”

“Hindi pwede yun, ayoko, hindi sa kaniya, ahhhh!!!!”

Sabay hawak niya sa ulo niya,

“Alam ba niya na inlove ka na sa kaniya?”

"He's still my Man"Où les histoires vivent. Découvrez maintenant