CHAPTER 43: NUMBGIRL

198 1 1
                                    

CHAPTER 43

NUMBGIRL

Pag gising ko nakita ko agad si kean (stupid bear). Ngayon lang nagflash back lahat nang mga sinasabi niya sakin noon, kaya pala ganun siya magsalita, kaya pala parang pamilyar siya, kaya pala magkamukhang magkamukha sila.

Isa narin siguro sa mga dahilan kung bakit hindi niya ko mapakilala sa mommy niya dahil makikilala ko si tita. Ang daming beses na nakasama ko siya pero hindi niya sinabi. Nagtiwala ako sa kaniya at nafall inlove. Bakit hinayaan niya na itago lahat sakin? bakit siya nagsinungaling?

Dapat ba ko matuwa dahil siya si kean o dapat ako magalit dahil nagsinungaling siya? Pagkaayos ko umalis agad ako ng bahay.

Wala akong gana pumasok, dadayain ko na lang yung letter ko, kaylangan ko mapag isip. Kaylangan ko makalayo, ayaw ko muna siya Makita.

Pagkalabas ko nakita ko si kevin nagaabang sa labas ng bahay.

"anong ginagawa mo dito?"

"inaabangan ka, obvious ba? hindi ako nakatulog, nagaalala ako sayo.."

"okey lang ako.. sige na pumasok ka na!"

"teka, hindi ka sasabay sakin?"

"ayaw ko pumasok okey.."

"baliw ka ba? dati dati nagagalit ka sakin pag nagcut ako ng class, tapos ngayon ganun ka din pala!"

"wala ako sa mood eh, tsaka hindi naman talaga ako papasok, iba yung nag cut ng class.."

"ganun pa din yun! Sige uuhindi nadin ako papasok.."

"ano...??? Tssss! Gusto ko mapagisa okey!"

"sasamahan kita, sabi ko naman diba, hindi kita pababayaan."

"bahala ka nga dyan.."

Naglakad ako ng naglakad. Hindi ko din naman talaga alam kung saan ako pupunta eh. gusto ko lang malibang. Nung sumakay ako ng bus nakita ko na nakasunod na siya sakin, may topak ata toh sa ulo ang hilig gumawa ng mga bagay na nakakatawa. Para siyang aso.

"pwede ba wag ka nga sumunod sakin! Para kang aso.."

"Anong sabi mo???"

"wala!?! aist!!! Nakakainis talaga!"

"kahit saan ka pumunta susundan parin kita, paano pag mapahamak ka?"

"tsssss! Napapagod nako kevin.."

Tapos hinatak niya ko para umupo, magkatabi kami sa bus tapos binigay niya ulit sakin yung earphone niya. nakikinig lang kami ng kanta, tapos kinuha ko yung ipod niya ako namili ng kanta.

Music intro: what if i told you by jason walker

Nung bumaba kami, nilagay ni kevin yung earphone sakin, ayaw daw niya making ako na lang, tapos tumabi lang siya sakin. Hindi ko mapigilan maiyak. Bakit ako nagkakaganito. Ang totoo dapat pa nga ako matuwa dahil nagkita kami ulit at iisa lang yung taong pinahalagahan ko noon at ngayon.

Nagagalit ba ko dahil gusto ko siya sisihin sa mga pinagdaan ko noon wala siya, o dahil tumatak sa isip ko na iniwanan nanaman ako ng isa sa mgahalaga sa buhay ko. nagagalit ba ko dahil sa kaniya nanghina ako o nagagalit ako dahil niloko niya ko.

Nagsinungaling siya sakin, pero naiisip ko din na tama si kevin, maaring ngang nagsinungaling siya dahil natatakot siya na layuan ko siya. pero mali parin yung ginawa niya. na sa kaniya yung mga oras at pagkakataon pero ano?

"He's still my Man"Where stories live. Discover now