CHAPTER 13 : HIS PAST

244 0 0
                                    

CHAPTER 13

 

HIS PAST

Tapos nagpaalam na siya kay mommy umuwi, hindi na niya ko kinausap. Hindi nadin siya tumawag. Nagtampo na siya sakin. Hindi siguro ako sanay na may ibang tao na gumagawa ng bagay na ganon sakin, si mommy at rhianne lang naman yung nagbibigay sakin ng ganon.

May mga tao na nagbibigay din sakin, pero Ngayon lang ako nakakatanggap ng ganun pero sa manliligaw, hindi pa, siguro kaylangan ko na masanay. Nagsorry ako sa kaniya tapos hindi manlang ako ng thank you. Hindi ko gusto magalit siya, mali din naman kasi ako.

Dumating na yung birthday ni vince, nagmake up na kami nila rhianne, si mommy yung nagayos sakin, sinuot ko na yung binili ni kevin sakin, yung  A-line Sweetheart Champagne Organza , na pa Short-length Cocktail Dress, maganda siya tingnan lalo na pag gabi.

bumili ko na lang ng champagne color na stilettos yung money na binigay sakin ni mommy, tapos kinulot ng malalaki yung hair ko ni rhianne, infairness naman kay rhianne, magaling siya magayos kahit kami kami lang.

Nung bumaba ako dumating na si kevin at ilas. ihahatid kami nung sasakyan nila ilas, si rhianne, nakalugay yung hair niya tapos kulot den, naka tea-length dress siya na patube color lavender, si kim naman medyo wavey yung hair niya kasi short hair lang siya, nakasuot siya ng A-line mini satin dress na color pink.

Si ilas, naka long sleeve na gray, kaya lang naka fold, si kevin naman naka Square Pocket Slim Fit Corduroy Blazer Beige tapos naka polo sa loob.

Nakadating kami kina vince almost 7p.m na, nagstart na pala yung party, sinalubong kami ni vince naka polo na light blue siya na may bowtie, pinapasok niya kami. May mga party lights may music tapos nagpa catering pa talaga yung mommy niya, big time talaga sila vince, alam ko isa sila sa may malaking company dito. Kaya ganun ganun na lang yung handaan nila.

"He's still my Man"حيث تعيش القصص. اكتشف الآن