CHAPTER 49: GOODBYE MY PRINCESS

240 3 0
                                    

CHAPTER 49

GOODBYE MY PRINCESS

Its my birthday today, naghanda nako para pumunta sa hospital kasama si rhianne. Hindi nako naghanda sa birthday ko, alam ko kayang magsaya o mag celebrate kung nasa ganitong kalagayan pa si kevin, may pag asa pa daw siya magising, naririnig niya ko kaya umaasa pa ko hanggang ngayon.

Sinuot ko yung kwintas na binigay niya sakin. sinundo kami ni ilas at vince, hindi ko alam pero this time, walang nagkikibuan samin. malayo sa noon, hindi kami naguusap, lahat kami malalim yung iniisp. Hindi ko alam kung bakit kaylngan magkaganito. Nakatanggap ako ng tawag kay trisha.

Pagbaba namin ng sasakyan sinalubong agad ako ni trisha.

“mauna na kayo, kaylangan lang namin magusap..”

Music intro: how to save a life by the fray --->

Sinama ako ni trisha sa cafeteria, pag upo namin, hindi siya nagsalita, tinitingnan ko lang siya nun, hinihintay ko na magsalita siya, tapos nilabas niya sa bag niya yung mga picture namin ni kevin, pati address ng daddy ni ivan, lahat nandun.

“anong ibig sabihin nito trish?”

Tapos tumulo na lang yung luha niya.

“ako lahat may kasalan kung bakit ka nagsuffer ng sobra, ako lahat ng pakana nung sa school, pati yung sa daddy ni ivan, nung nakipag break sakin si kevin hindi ko matanggap yun, kaya gusto ko magsuffer ka din. Pinalabas ko na si rhianne yung maypaka ng lahat about sa daddy ni ivan para pagbayarin na din siya sa paggamit sakin. alam ko na nun na ginamit ako ni rhianne kay ivan. Para mapaglapit kayo ni kevin. Gusto ko kayo sirain, gusto ko kung anong nagyari samin ni kevin mangyari din sayo lahat. Gusto ko kayo paghiwalayin ni ivan para patas na!!”

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya ngayon, ang sama sama niya, paano siya nakakatulog sa mga ginawa niya samin.

“alam ko lumampas ako sa hangganan at ngayon..ngayon..nakakarma ako..si kevin..siya lang yung lahat sakin..at hindi ko kayang makita siya..”

Tapos umiyak na siya, yun ang unang beses na nakita ko siyang umiyak. Ang totoo gusto ko magalit sa kaniya, pero kung magalit ako, mababalik pa ba yung mga nangyari?

“im sorry ash..sana mapatawad niyo ko lahat, sana mapatawad niyo ko ni ivan, sana mapatawad ako ni kevin, kung hindi ko kayo ginulo, siguro Masaya kayo ngayon, siguro hindi hahatong dito, kung ito yung singil sa mga kasalanan ko..god..hindi ko kaya..kung pwede lang humiling, na sana ako na lang yung nandun ash..”

Tapos niyakap ko si trisha, wala sa lugar para sa pride, alam ko na nagsisi na siya ngayon,sana hindi pa huli lahat.

“tapos na lahat trish, hindi na natin mababalik yung panahon, ipagdasal na lang natin si kevin. Ipagdasal mo na sana maging okey na lahat..”

Hindi ko nadin maiwasan maiyak..

Nung bumalik ako sa room ni kevin, nakita ko nandun na silang lahat. Tumabi ako sa kaniya, si trisha nasa tabi ko, nung mga oras na yun sobrang lungkot ko. hinawakan ko yung kamay niya tapos bigla na lang siya nag seizure. Natakot ako at napatayo, tapos tumakbo sila ilas para tawagin yung doctor.

Rhianne: “mamatay na ba siya huh??”

Ashley:”hindi!! hindi pwede!! Kevin nandito ako,please wag mo gawin toh.”

Nung naging okey na lahat, umuwi na sila ilas at vince kasama si rhianne. Si trish at ako na lang yung naiwan. Humiga ako sa tabi ni kevin, tapos kinantahan ko siya.

"He's still my Man"Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum