CHAPTER 20: MY BIRTHDAY WISH

213 1 0
                                    

CHAPTER 20

MY BIRTHDAY WISH

2 a.m

Hinatid kami ng sasakyan ni ivan sa bahay, nakatulog ako sa pagod, pag kahatid sa bahay nagpaalam din agad siya kay mommy. Natatawa si mommy dahil parehas pa daw kami ng suot na damit, nakangiti lang sakin si ivan, sabi niya kay mommy binili lang namin yun, tapos inabot niya yung pasalubong kay mommy. Sanabihan pa siya ni mommy na dun na maglunch samin bukas kasi birthday ko. hay nako! Si mommy talaga.

12 p.m

Nagising ako tanghali na, nakayakap pa ko kay kean (stuff toy bear). Naisip kong kausapin si kean dahil nakatitig siya sakin.

“Bakit mo ko tinititigan? Siguro natuwa ka kasi magkatabi tayo!”

“Malungkot ka ba? Ako hindi na masaydo kasi may nagpapasaya sakin.”

“Ano? Naiinggit ka na noh??? Hmp! “

“Baka biglang magsalita yan!!!!”

Nagulat ako kasi bigla bigla na lang siya sumulpot, napahiga ako tapos bigla ako nagtakip ng unan sa mukha, hay nako!!! ano ba naman siya. palagi na lang ako napapahiya, pangapat na beses na toh, baka isipin ni ivan nababaliw na ko.

Lumapit siya sakin tapos tinanggal niya yung unan

“Ganyan ka ba talaga pag magisa ka lang?”

Sabay ngiti niya sakin

“Bakit ka ba kasi nandito!”

“Sabi ng mommy mo gisingin na kita eh, kanina pa kaya kami sa baba, ginigising ka ayaw mo magising,”

“Siguro kaya masarap yung tulog mo kasi ako yung iniisip mo..”

Naka ngiti siya sabay hawak sa hikaw niya, nakakainis siya pag ganun yung reaksyon niya, parang nagpapacute na hindi ko maintindihan. Pero nakakainlove siya pag ganun.

“Asa!! Sige na bumaba ka na maliligo na ko”

“Ocge, baka makalimutan mo na nandun ulit ako ah!”

Tapos humawak siya sa batok niya,

“Ano?????”

Hindi na siya nagreact, lagi lang siya nakangiti, Baliw na siya, alam ko naman na sinasabi niya yung time na nadulas ako sa hagdanan. Nakakahiya yun! Pinaalala pa niya talaga. Hay nako!!!!

Nung matapos ako maligo bumaba narin ako, nandon sila rhianne, ilas, vince and kim. Magic sing lang kami, hindi na naginom kasi bawal isa pa nakakahiya kay mommy kung magiinom kami sa bahay.

Si kim at vince naguusap na, mabuti naman okey na sila kahit papano. Tapos si rhianne panay dikit kay ivan, ganon ba niya namiss si ivan?

Nung mga oras na nagkakasiyahan kami nila mommy bigla na lang may dumating na mga lalake, hinahanap si mommy. Kakausapin ko sana sila pero sabi ni mommy siya na lang.

Rhianne: “Sino ba sila?”

Ashley: “Hindi ko nga alam eh, nakita ko na yung isang lalake dati, pumunta siya dito hinahanap si mommy tapos tinatanongkung ako yung anak ni mommy”.

Rhianne: “Ang weird naman!!”

Hindi ko din alam kung sino sila at bakit sila nagpunta dito, umalis din agad sila tapos may box na dala si mommy. Sinundan ko si mommy tapos nakita ko siya na uminom ng tubig sa kusina

"He's still my Man"Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz