CHAPTER 15: ILAS IS INLOVE??

244 0 0
                                    

CHAPTER 15

ILAS IS INLOVE??

After ng usapan namin na yun, bumalik na kami at nagpaalam na uuwi sa mommy ni vince, nakita ko sa trisha pero hindi na siya lumapit, hinawakan ulit ni kevin yung kamay ko nun bago kami umuwi.

Parang himala nawala lahat ng inis ko nung nakausap ko si trish, hindi ko din inaasahan na maguusap kami ng ganun, simula nun naging Masaya na ulit kami. Walang pressure, hindi nadin niya ko tinatrato kagaya ng ginagawa niya kay trish noon, kinikilala niya ko ngayon at nagkwekwento narin siya sakin about sa buhay niya at sa family niya. ipapakilala na din niya ko sa parents niya bago siya mag birthday. sinabi napala niya na may nililigawan na siya, nakakahiya lang nung umpisa pero natuwa naman sila sakin.

Kinausap din ako ng mommy niya about kay trish, ang sabi ng mommy niya masayado pa daw kaming mga bata para sa mga ganito pero hindi naman daw niya kami mapipigilan, basta wag lang daw kami magmadali. Protective din siya kay kevin at aminado naman siya dun. Masaya din siya kasama puro kami tawa ganun din yung daddy niya. Malabo sa kinukwento niya, pero syempre si kevin mas nakakaalam dahil siya ang anak.

Kahit ganun yung relasyon nila ng daddy niya, nandun pa rin naman siya ibig sabihin concern pa rin naman siya kay kevin.

Nung nasa garden kami ng bahay nila kevin kinausap niya ko.

“Nagustuhan ka ni mommy, iba ka daw, sabi ko wag siya mag expect ng sobra sayo at wag ka icompare kay trish.”

“Si daddy naman hindi ko inaasahan na magdidiner siya kasama natin wala naman siya paki sakin, himala nga nandun siya, mabait siya sayo ibig sabihin gusto ka niya,”

Sabay smile niya sakin,

“Kinabahan nga ko akala ko hindi nila ko magugustuhan,”

“Ano ka ba gustong gusto ka nga nila, sabi nga ni mommy sana tuloy tuloy na pagbabago ko eh.”

“Baka naman dumipende ka na sakin niyan ah.”

“Hindi na po, natuto na ko. syempre may kaniya kaniya parin tayo iniintindi. Pero sana wag mo ko pagbawalan manglambing.”

“Sus gumaganon ka pa dyan,”

Palagi na kami ganun, sweet siya, palagi siya dumadalaw, bihira na lang siya tumugtog sa resto bar. Madalas na lang kami lumabas, tsaka mag chat. Oo nadiscover na namin yun at yun yung lagi namin ginagawa pag hindi siya nakakapunta samin.

Pag  nasa kanila ako, paligi ako nasa bed niya, nagguiguitar siya tapos makikinig lang ako. minsan hindi ko na namamalayan na nakakatulog nap ala ako. kadalasan naman pag siya yung nasamin, nakakatulog din siya, tapos maririnig ko na nagsasalita siya, one time sobrang pagod niya sa pagtulong sakin sa paglilinis ng bahay nakatulog siya, nilapitan ko siya nun pero ang himbing ng tulog niya, hindi ko lang inaasahan na sasabihin niya yung name ko habang natutulog siya. (grabe nagsasalita ng tulog) pero natuwa ako kasi alam ko ako na yung iniisip niya ngayon.

Naalala ko ilang days na lang birthday na kevin, tapos ako naman susunod, after ko si ilas naman. Magkakabirth day lang kami tatlo kaya siguro mgkakasundo kaming tatlo.

nagisip ako ng gift ko kay kevin as usual, nauwi lang sa wala. nagpatulong ako kay bessy pero sabi ni kuya justin magkasama daw sila ni ivan, si kim naman busy, si vince nasa province nila, si ilas na lang tuloy kasama ko, nagpasama ako sa mall wala naman siya ginagawa isa pa ayoko naman maghanap ng gift magisa tapos hindi naman ako makakapag decide kakausapin ko lang sarili ko isipin naman nila baliw ako, nung naglalakad kami nagaasaran pa kami, natatawa ako sa kaniya kasi lahat ng ituro ko hindi niya gusto.

"He's still my Man"Where stories live. Discover now