CHAPTER 39: AFRAID OF LOSSING YOU

201 1 1
                                    

CHAPTER 39

AFRAID OF LOSSING YOU

Hindi mo talaga masasabi kung ano pwedeng mangyari, I never imagine na makikilala ko pa yung daddy ko. wala ako pinagdadasal noon kung hindi Makita ko siya makasama. Ngayon nandito siya sa harap ko parang hindi parin ako makapaniwala. Siya na ba talaga toh? Sumakay ako ng sasakyan. Inimbita niya ko sa office niya sa manila. Hindi na sumama sakin si ivan. Sabi niya mabuti na makapag usap kami ni daddy ng kami lang. siya daw bahala magpaliwanag kay mommy.

Pagpasok namin sa loob ng building nakatingin na samin yung iba nilang empleyado. Sabi niya sa office daw kami maguusap. Pagpasok ko sa office, hindi ko alam kung matutuwa ba ko na makilala siya, ibang iba siya sa tao na naiisip ko noon, medyo bata bata pa siya at halatang business man siya. magkahawig kami ng mata at ilong.. kalmado ang boses niya at mukhang tahimik na tao.

Pumasok yung secretary niya sa loob ng office may dalang lemonade. Hindi ako makagalaw sa umpuan ko, naghihintay ako sa sasabihin niya sakin, maraming tumatakbo sa isipan ko ngayon. mga tanong, mga expectation. Halo halo..

Pag alis ng babae, umupo siya sa bakanting upuan malapit sa tabi ko. ngumiti siya sakin at nagsimula na magtanong.

“after fifthteen years.. hindi ko alam kung paano o saan kita mahahanap. Pinuntahan ko kayo dati sa dati niyong bahay. Pero wala na kayo doon. ang akala ko hindi na kita makikita ulit..”

Hinanap nga niya ko, alam ko at nararamdaman ko. tama ako, alam hindi ako nawalan ng pagasa na Magkita kami ulit. At ito na yun.

“paano niyo po ako nahanap?”

“Pinahanap ko kayo sa agent ko, (private investigator) ang totoo madali ko na kayo nahanap pero ang mommy mo..”

“I tried to talk to your mom, pero ayaw niya, natatakot siya na baka bawiin kita sa kaniya, ang totoo gusto lang kita Makita. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.. natakot ako sa mga responsibilidad ko sa inyo ng mommy mo.. pakiramdam ko noon hindi pa ko handa, hindi siya tinanggap ng mga magulang ko, at hindi ko siya maipag laban, masyado pa kaming mga bata noon, mapupusok.. narealize ko lahat ng pagkakamali ko pero.. its too late na..”

“hindi ako sumuko na hanapin kayo, expected ko na magalit kayo sakin, hindi ko kayo masisisi, sana mapatawad niyo ko at mabigyan ng pangalawang pagkakataon..”

Gusto ko tumigil yung oras na kasama ko si daddy, sobrang saya ko, ang tagal ko hinintay yung araw na toh. Maghapon kami nagusap ni daddy, kulang ang isang araw para makasama ko siya. hinatid niya ko sa bahay. Si ivan at mommy nakaabang samin. pag baba ko ng pinto nakaabang na sakin si ivan. Si daddy bumababa nadin ng sasakyan. Umalis kami ni ivan para maiwan silang dalawa para makapag usap.

Nasa basketball court kami ni ivan, naglalakad ako pabalik balik, habang nakaupo lang si ivan sa may gilid.

“ano nangyari sa usapan niyo?”

“Masaya… nagsorry siya… matagal na daw niya ko hinahanap, kami ni mommy.. gusto niya magstart kami ulit..”

“okey lang sayo? I mean.. hindi ka ba nagalit?”

“bakit pa? ang  tagal ko hinintay toh, lagi ako nagdadasal na sana Makita ko siya ulit. Tapos ito na.. hindi parin ako makapaniwala..”

Sabay taas ko ng dalawang kamay..

“Ang saya…!”

Tapos tumahimik nanaman siya, nakikita ko na magulo isip niya. kaya tumabi ako sa kaniya.

"He's still my Man"Where stories live. Discover now