CHAPTER 14: FALLING INLOVE AGAIN

239 1 0
                                    

CHAPTER 14

FALLING INLOVE AGAIN

Kevin's pov

Nagpasama ako kay ilas para bumili ng damit, nagdadalawang isip pa ko dahil mahal na mga damit, isa pa kaylangan pa ba bumili, nauwi na lang kami sa paglalaro ng games ni ilas, nung nagkatamaran na nagyaya na ko umuwi, tumawag ako kay ashley wala sumasagot, kaya si rhianne na lang tinawagan ko tinanong ko kung nakauwi na sila, sabi ni rhianne pauwi pa lang, sabi niya tumingin pa daw ng dress si Ashley, Tinananong ko si rhianne kung bakit hindi siya nakabili ng dress, ang sabi daw kasi ni Ashley hindi daw niya binili kasi naghihinayang dahil mahal,

Gusto ko sana siya isurprise, kaya tinanong ko si ilas,

"Okey lang naman magbigay ng regalo sa babae diba?"

"Natawa pa ang loko! May mali ba sa tanong ko?"

"Bakit bibigyan mo Ashley?"

"Oo sana, bakit masama ba?"

"Hindi naman, ano ba ibibigay mo sa kaniya?"

"Sabi kasi ni rhianne, nakabili na sila nung susuotin sa party nila vince, kaya lang si Ashley hindi pa, malamang nagdalawang isip pa siya,"

"Bakit hindi ba siya sasama?"

"Sasama, kaya lang kasi namamahalan daw sa dun sa dress."

"Edi iba na lang bihihin niya problema ba yun, yan hirap sa babae eh, tingnan mo tayo hindi problemado."

"Ano ka ba?? syempre babae yun, ganun talaga sila, gusto ko sana bilhin yung dress na yun, sigurado naman ako matutuwa siya. isa pa regalo ko na din sa kaniya."

"Tinanong mo ba sa kaniya kung gusto niya yung gagawin mo? hindi mo pa nga siya girlfriend pare.

"Isa pa kaya naman niya bumili ng damit o kung ano pa."

"Hindi naman sa hindi niya kayang bumili ng dress kaya lang kasi naisip ko na lahat naman ng girls gusto surprises, gusto ng regalo. Gusto ko lang naman siya maging Masaya. Kaya nga nangliligaw eh."

"Hindi ko pa sinabi sa kaniya gusto ko siya isurprise."

"Pare, iba si Ashley hindi siya kagaya ng ibang babae na pag binigyan mo ng regalo at luho matutuwa, simple lang siya. baka iba isipin niya sa mga ginagawa mo."

"Ano ba ibig mong sabihin."

"Akala mo ba hindi ko napapansin? Nung nagi nating kaybigan si Ashley nakilala ko siya ng husto, hindi siya ngeexpect ng kahit ano sa ibang tao, mas gusto niya yung siya yung nagbibigay kesa siya yung tumatanggap. Nung niligawan mo siya medyo nagdalawang isip ako. Alam mo kung bakit?"

"Bakit?"

Sabay ngisi ko sa kaniya.

"Kasi alam ko na hindi ka pa din talaga nakaka move on, every time na may gingawa ka kay Ashley nakikita ko sayo na inuulit mo lang lahat ng ginawa mo kay trisha, yung pag kanta mo sa kaniya, yung bigay mo ng bulaklak. Yung mga bagay na ginagawa mo noon, inuulit mo lang, Akala mo ba tanga ako?"

"Yung dress na bibilhin mo, bibilhin mo ba talaga yun para kay ash o gusto mo lang mapakita kay trisha na may mas higit pa sa kaniya, alam mo naman siguro na imbitado din siya diba?"

"Pare mabaet si Ashley, sa nakikita ko sayo ngayon? Ginagawa mo lang siya panakip butas. Nakikita mo lang sa kaniya si trisha".

"Balak mo parin ba ipagpatuloy yung pangliligaw mo? Hindi naman ako tumututol pare,kaybigan kita at kaybigan ko na din si Ashley, pero sana kung sasagutin ka ni Ashley siguraduhin mo na hindi mo siya sasaktan."

"He's still my Man"Where stories live. Discover now