CHAPTER 40: PROMNIGHT

204 1 0
                                    

CHAPTER 40

PROMNIGHT

Super naging busy kami sa school at sa dadating na prom night, si ivan yung partner ko ngayon junior prom. Kasama ko kim para magayos ngayon araw. Si daddy yung bumili ng gown ko. okey na sila ulit ni mommy, pero may usapan sila na kay mommy parin ako titira. Masaya na din ako kahit papano, yung makasama ko ulit si daddy, pinakamagandang moment na ng buhay ko.

Kasama ko si mommy dahil inaayusan ako ng makeup artist na pinapunta ni dad, parang dati lang kami lang ni mommy nagaayos. Sabi ni daddy ayaw daw niya mawala sa pagkakataon na toh, gusto niya ko Makita sa prom night namin.

After ako maayusan, hinatid ako ni mommy para bumaba, nauna si mommy pag labas ko nasa baba na si daddy at ivan.

Nakangiti lang sakin si daddy, parang gusto ko maiyak, pakiramdam ko dream come true lahat toh, niyakap ako ni daddy sabi niya manang mana daw ako sa kaniya. kaya tinapik siya ni mommy. Nagtalo pa silang dalawa sakin. Tapos biglang lumapit sakin si ivan.

“Your beautiful..”

Sabay ngiti niya sakin.

Sabi ni daddy gusto daw niya sana ako ihatid pero si ivan na lang daw yun kasi moment naman namin yun, hay! Grabe sila may next year pa kaya.

Nakasuot ako ng short v neck baby doll nude gold sequined cocktail dress, pakiramdam ko ang saya saya ko ngayon kasama ko si ivan. Sinuot niya sa kamay ko yung Rose Wrist Corsage, tapos binuksan sabay picture samin ni mommy. May picture din kaming apat, sabi ni ivan baka daw malate kami.

Binuksan niya yung pinto ng sasakyan tapos sumakay nako, bago siya umalis nakipag kamay pa siya kay daddy at nagkiss kay mommy, nung nasa sasakyan kami ang tahimik niya. parang hindi ako sanay na ganun siya.

“Ano problema? May mali ba sa suot ko?”

“Hindi wala!! hindi lang ako sanay na nakaayos ka, pakiramdam ko may kasama akong prinsesa..”

“Tsssss!! Nangbola ka pa dyan!”

Sabay tawa niya, ako naman sanay na makita siya na nakaayos, ang gwapo kaya niya, mas lalo ngayon, nakahawak nanaman siya sa hikaw niya, no wonder ang dami nagkakagusto sa kaniya. hinila ko yung kamay niya para yumakap sa kaniya. parang ayaw ko mawala siya sakin.

Nung nasa gate na kami ng school, halos sabay din yung pagdating ni rhianne at kevin, inirapan ako ni rhianne tapos nginitian naman kami ni kevin, si ivan nagsulat na lang ng pangalan namin sa logbook. Tapos kinuha niya yung table kung saan nandun yung section namin. nakita ko agad sila ilas, vince at kim, mas gumaganda si kim ngayon, parang hindi ko siya nakilala.

Ilas: “wow ang gaganda naman ng mga kaybigan natin ah!”

Vince: “oo nga eh, hindi ko na nga sila makilala..”

Ashley: “grabe ka naman!”

Ivan: “kaya nga todo bantay ako dito kay numbgirl eh, baka may sumulpot na lang bigla..”

Kim: “tama yan! Hindi malabong mangyari yun noh..”

Ashley: “dapat nga mas mangamba ako eh, malamang mas marami dumikit dito kay weirdguy kasi hrb siya, baka mapaaway pa ko.”

Ivan: “ah ganun, sige hindi na lang ako aalis dito para wala na lang lalapit satin dalawa..

Sabay ngiti niya sakin, magkakasama kami ng table. Nakita ko na dumaan sila rv samin. nalaman ko na si rv pala kapartner ni kim ngayon. expected ko kasi si vince. Nagpaalam si kim samin na aalis lang sila ni rv, nakita ko na nakasimangot si vince.

"He's still my Man"Where stories live. Discover now