CHAPTER 23: LOVE YOU ALWAYS, LOVE YOU STILL, ALWAYS HAVE, ALWAYS WILL.

210 0 0
                                    

CHAPTER 23

LOVE YOU ALWAYS, LOVE YOU STILL, ALWAYS HAVE, ALWAYS WILL.

KEVIN POV’S

Ilang days din ako nagiinom sa bahay, minsan kina PJ, nag bar narin ulit ako, pero wala ako mga girls na magustuhan, pumupunta lang ako para maginom, bumabalik nanaman ako sa dati, si trish panay tawag sakin pakiramdam ko ginagawa niya kong aso minsan. Nakakasakal siya kahit saan ako magpunta nakasunod siya. kinumpronta niya ko minsan.

“Akala mo ba hindi ko alam na kay Ashley na dedicate yung kanta mo sa pivo’s?? akala mo ba hindi ko alam na sinusundan mo siya?? kevin ako na yung girlfriend mo, hindi mo ba siya pwede itaboy sa buhay mo??? Nandito na ko. diba ako naman yung gusto mo??”

“Nagpapatawa ka ba?? saan mo naman napulot yan huh??? Oo sinusundan ko siya kasi hindi ko kaya mahiwalay sa kaniya, pero ano magagawa ko, tinali mo na ko, kayo ni daddy!!! Bagay kayong dalawa dapat kayo na lang magsama eh!!”

Minsan sumusobra ako pag nalalasing, hindi ko maiwasan, wala na ko nararamdaman kay trisha, ngayon ko mas napatunayan kung gaano ko kamahal si Ashley.

Nung birthday niya, pumunta ako sa kanila, bumili ako ng ring, hindi ko alam pero umaasa ako, kahit alam ko naman na wala naman talaga dapat asahan.

Nasa gate pa lang ako nakita ko na masayang Masaya siya kasama si ivan, parang dati ako lang yung kasama niya at nagpapasaya sa kaniya.

Naririnig ko siya kumakanta, parang pakiramdam ko kasama ko nanaman siya. hindi na ko makakanta sa gig kasi siya lagi yung iniisip ko, kadalasan nasa tabi ko siya pag kumakanta, o kaya nasa gig kasama ko,minsan duet pa kami, pero simula nung nagyari yung samin, parang nakalimutan ko na kumanta.

Isa na din yun sa dahilan kung bakit ako umalis sa banda.

Nakita ko siya na kasayaw niya si ivan, nakita din ako ni ivan kaya umalis nadin ako kaagad, tinago ko yung regalo ko sa kaniya, hindi ko maiwasan na isipin ulit siya, naglalakad lang ako habang nakayuko.

Nakabangga ko yung isang babae, ngayon ko lang siya nakita, tapos nahulog yung papel na kawak niya, nagulat ako kasi may nakasulat na pangalan dun.

M. ILAS, si ilas nga ba yun??? Inabot ko yung papel sa babae tapos nag sorry siya sakin, mabilis din siya umalis. Ang weirdo naman, napangiti ako dahil naiisip ko na isa yun sa mga taga hanga ni ilas.

Speaking of ilas, tinawagan ako ni ilas dahil kuhanan na ng card, sabay kami kumuha ng card, nakasalubong namin si ivan tapos ang sama na agad ng tingin niya sakin.

Hinanap ko si Ashley sa kaniya pero deadma niya lang ako, sabay kami ni ilas naglakad tapos niyaya niya ko sa tvj co. para tumambay

“Dumaan ka na muna sa tvj co. kamustahin mo sila, para hindi nila isipin na kinalimutan mo na sila, wala naman sila kinalaman sa ilangan niyo si Ashley.”

“Wag na baka mas lalo pang lumala..”

“Ikaw bahala..”

Nauna na maglakad si ilas tapos pumasok sa tvj co. dadaan n asana ako pero narinig ko yung boses ni Ashley, napahinto ako, parang ayaw ko na umalis dun, gusto ko  lang siya marinig o Makita, sobrang namimiss ko na siya, bumigat yung pakiramdam ko ng mga oras na yun.

Intro music: I’m Sorry by Breez E. --->

Hindi na sana ako papasok sa loob pero parang may humahatak sakin para pumasok sa loob. Pag kapasok ko kinamayan ko agad sila ilas at vince, ang totoo hindi nila alam na kasama ko si ilas kanina, nung nakita ko sila magkatabi parangf mabibiak yung puso ko!! hindi ko kayang Makita siyang Masaya sa piling ng iba.

Pinilit ko kamayan si ivan kahit sa loob ko ayaw ko naman talaga, pero kaylangan ko magpretend na okey ako. ang sama ng tingin niya sakin dahil alam naman niya yung totoong dahilan kung bakit ako bigla lumayo kay Ashley, alam niya na unfair yung ginawa ko.

Nagtalo kami sa harap ni Ashley, alam kong mali ako sa mga nasabi ko, pero hindi maiwasan magalit, pinipilit niya ko na umamin kay Ashley. Pinipilit niya sabihin ko yung totoo samin ni trish. Pero hindi ko nasabi na duwag ako, ang totoo naiinggit ako kay ivan, dahil kahit sinabihan ko siya ng rebound alam ko na willing siya gawin lahat kay Ashley. Willing siya mag give up, na napangako ko noon, pero hindi ko natupad.

Kahit sabihin ko kay Ashley yung totoo, wala din naman mangyayari diba?  kahit magrebelde pa ko kay daddy si mommy lang ang masasaktan sa huli. Madi disappoint ko lang sila lalo. Siguro nakatadhana nakong gawin lahat ng mga bagay na si kuya yung dapat gumagawa. Sakin niya pinasa lahat kaya ako ang dapat sumalo.

Ang sakit lang kasi parang masyado pang maaga para gawin ko lahat to, hindi ba ko pwede maging masaya? Pag nakikita kong Masaya sila pakiramdam ko lalo akong nahahatak pababa.  

I’m sorry Ashley alam kong unfair sayo lahat to, pere pareho lang naman tayo diba? Unfair din naman sakin lahat to, pero wala akong magawa.

                                                ------------------------------------------

RHIANNE POV’S

Lately napansin ko na hindi na sumasama sakin si ivan, mas nagiging close na ulit sila ni Ashley, ang totoo gusto ko na siya, mas lumala nga lang ata, but its too late na, hindi naman ako manhid alam ko  at nararamdaman ko na may gusto siya kay Ashley, ang swerte naman ni bessy no? lahat na lang nasa kaniya na. pati pa ba naman si ivan?

Nung swimming, nagpaalam ako para mag c.r pero ang totoo nagpalipas lang ako ng sama ng loob, “yeah! Naiingit ako sa kaniya at hindi niya alam yun, so what?? Gusto ko si ivan or should I say kean,” ako yung pinagkakatiwalaan niya about sa secret na yun, kaya alam ko na kahit papano mahalaga din ako sa kaniya.

Music intro: kasalanan ko ba by neocolors

Pag magkasama kami ang saya saya namin, yung mga moment na okey na si kevin at Ashley, akala ko moment ko na din yun, nakikita kong nasasaktan siya pag nakikita niya Masaya yung dalawa, kahit iparamdam ko na gusto ko siya ang manhid niya, pareho nga sila ni bessy numb!!

Gusto ko siya noon pa, pero hindi niya nakikita yun, kahit alam niya hindi sila ni Ashley panay lapit parin niya at doon ako naiinis, bakit hindi niya matiis si Ashley?? Bakit kahit anong gawin ko parang wala lang? o masyado lang ata ako nagassume?

Tama nga si bessy mahirap mag assume?? Mahirap magmahal sa tao na hindi ka man lang nakikita, ni hindi nakikita mga effort mo, pinapasaya ko siya pero iba naman nakikita niya.

Ngayon naiintindihan ko na, kahit hindi mo ko nakikita patuloy parin kita mamahalin ivan, kahit alam ko naman na hindi ako yung mahal mo, I know, someday, mapapansin mo din yun, dadating din yung time na ako na yung nagpapasaya sayo. Hindi ako susuko.

                                                                   -----------------------------------

© SmileWithAngeL-Wattpad.com, 2012; All rights reserved.

"He's still my Man"Where stories live. Discover now