CHAPTER 21: I'M HERE FOR YOU

216 1 0
                                    

CHAPTER 21

I'M HERE FOR YOU

IVAN’S POV

Nasa bahay ako, nagguiguitara nung tumawag si vince ang sabi niya nagiinom sila sa resto bar kasama sila Ashley, ang sabi sakin ni vince marami daw uminom si Ashley at kaylangan ng kadamay kaya naligo agad ako at pumunta sa dun, nung nakarating ako sakto naman na naglalakad siya. nakatingin ako sa kaniya, naka mini skirt lang siya tsaka blouse na black, hindi ko maiwasan na yakapin siya dahil nagalala ako ng sobra sa kaniya simula nun last na pagkikita namin.

Nung lumapit kami sa table, nagkakagulo sila kasi hindi nila alam kung saan kami uupo ni Ashley, pinagtabi nila kami, natatawa ako pag ngloloko sila ng ganun. Nung tumabi ako napansin ko napanay inom niya, kaya pinigilan ko na siya.

Nakita ko na nandoon din pala si kevin, kaya naman pala siya napapainom, umakyat si kevin ng stage tapos kumanta, tumitingin siya kay Ashley, hindi ko maiwasan mainis. After niya saktan si Ashley.

Pero ano bang pinagkaiba k okay kevin? Tinago ni kevin yung totoong dahilan kung bakit niya nilayuan si Ashley,  ganun din naman ako diba? Tinago ko yung totoong ako. anong karapatan ko magmalaki kay kevin , mas malala pa nga ata yung ginawa k okay Ashley.

Minsan naisip ko na lang na lumayo, pero the moment na lumalayo ako lalo lang ako hinahatak pabalik sa kaniya.

Nagyaya si kuya justin na mag bar, ayaw ko sana pero gusto nila, nung naglakad kami palabas, napadaan kami sa table nila kevin, naka dress na maigsi yung trisha na sinasabi nila. Halatang liberated siya. kinamayan niya si ilas, alam ko masama loob ni ilas pero matagal na silang  magkaybigan, hindi niya din kayang matiis si kevin, alam naman namin yung totoong dahilan kung bakit niya ginawa yun.

Hindi naman niya ginusto na gawin yun, kagaya ko hindi ko din ginusto na iwanan at lokohin si ash.

Nakipag kamay siya sakin pero halatang naman na ayaw niya makipag kamay sakin. Nung nasa motor na kami, umangkas si Ashley, humabol samin si kevin, halatang nainis siya dahil kasama ko sa motor si Ashley. Ibinigay niya yung cellphone ni Ashley pero kinuha ko, nagulat pa siya dahil ako yung umabot nun. Ano bang inaasahan niya.

“Salamat pre”

 “ikaw talaga nagiging makalimutin ka na..”

bago ko ilagay sa bulsa, nakita ko na nag missed call si kevin, halata naman na tatawagan niya si ash, malamang nakita niya na nagring yung phone sa table or may nagabot ng phone kay kevin. Bakit gusto pa niya makausap si Ashley? Gusto pa niya makipag ayos, lalong magiging magulo.

“Nawala sa isip ko sorry..”

“Sige pare una na kami, salamat ah!!”

Nung kinaha ko sa bulsa ko yung phone nakita kong may text from kevin tatco, pero hindi ko na binasa, ibinigay ko sa kaniya yung phone

“Wag ka magalala hindi ko binasa..”

Tiningnan ko yung lugar sa paligid ang daming mga babae, madaming sexy hindi naman maiiwasan na mapatingin pero hindi naman sila yung gusto ko, pag harap ko kay Ashley nakita ko na umiiyak siya.

Kinuha ko yung kamay ko at hinatak ko para pumasok sa bar,

“Ano ka ba, napuwing ka nanaman!! Tara na nga.”

Binigyan ko si kim ng ladies drink, kasi nakita ko na tahimik siya at nakatingin kay vince, si vince busy sa mga chicks na sumasayaw sa kaniya. nahulaan ko lang nab aka may gusto si kim kay vince, ewan ko feeling ko lang, kahit hindi niya pahalata, matagal ko naman siya nakasama at alam ko kapag nagseselos siya. bago ko pa maging kaybigan sila ilas, una ko na naging kaclose si kim sa school.

"He's still my Man"Where stories live. Discover now