CHAPTER 19: STARTING ALL OVER AGAIN

216 0 2
                                    

CHAPTER 19

STARTING ALL OVER AGAIN

Intro Music: I never told you- colbie caillat

Almost 2 weeks na nakalipas, hindi nadin ako nag open ng account dahil ayoko na din siya Makita, baka masaktan lang ako sa makikita ko, everytime na bubuksan ko yung account ko, hindi Maiwasan tingnan yung wall niya, at syempre si trisha nanaman yung kasama niya dun sa picture, kumalat na agad yung balita na sila na ulit, alam mo yung feeling na hindi ka makahinga, sumisikip yung puso ko everytime na maririnig ko sa iba yung mga moments nila na magkasama. parang ayoko na lang lumabas sa bahay. Sigurado akong masayang Masaya si trisha ngayon dahil sa wakas nakuha niya ulit yung feelings ni kevin. malapit na birthday ko, nakakalungkot lang dahil kung kaylan birthday ko tsaka pa nangyari lahat to,

Hindi naging kami ni kevin, pero malapit na kami dun, mahal ko siya at alam ko na minahal niya din ako, kung hindi siguro sumulpot si trisha, malamang kami na ni kevin, sasagutin ko sana siya ngayon birthday ko, pero hindi na dumating dun, mabuti na rin siguro yun.

Wala si mommy sa bahay, nagkukulong

lang ako sa bahay, wala ako gana umalis, wala ako sa mood, siguro sa mga oras na to pumupunta na dito si kevin tapos yayayain ako sa kanila, or tatawagan niya ko, hindi maiwasan isipin siya, for sure naman na si trish na yung ginagawan niya ng ganun.

may nagdoor bell, nung binuksan puro roses yung nakita ko,

“Surprise!!!! Nagustuhan mo ba??”

Sabay smile niya sakin,bakit ba kase kaylangan nyang ngumiti ng ganun, pacute!! haist! >.>

“Para saan naman toh? Ikaw naman, baka masanay ako hanap hanapin ko yan!!”

“halika pasok ka, sayang hindi mo naabutan si mommy, kakaalis lang din niya eh,”

“Okey lang tumawag naman na ko, pinagpaalam na kita.”

“Pinagpaalam? Saan?”

“Tumawag ako sa mommy mo, pinagpaalam kita, sandali lang tayo.”

“Sana naman tayo pupunta?”

“Malalam mo na lang pag nandoon tayo. Grabe ka magtanong!!”

Nilagay ko yung mga roses sa vase, nakaupo lang siya tapos nakatingin sakin, ano ba yan, parang naiilang tuloy ako, hindi ako sanay na nandito siya, ang tagal ko din siya hindi nakakausap kagaya noon, pero namiss ko din yung pagiging suplado niya. yun nga lang nung binigyan niya ko ng roses parang si kevin yung nakikita ko.

Lumapit siya sakin, hindi ko maintindihan pero parang bumabalik nanaman yung dati, kinakabahan nanaman ako sa mga gagawin niya, nglakad ako papunta sa piano, tapos pumunta siya sa harap ko na para bang hahalikan niya ko,napa sandal ako sa piano, parang nanigas ako sa kinatatayuan ko, palapit ng palapit yung mukha niya sa mukha ko, nararamdaman ko yung hinga niya, napapikit na lang ako, naamoy ko pati yung pabango niya ang bango bango niya talaga, parang gusto ko na mahimatay, yung mga kamay ko napatong ko sa piano, tapos bigla siya nagsalita nung malapit na yung lips niya sa lips ko.

“Hindi ko alam pero, mahilig ka din pala..”

Bakit ba kaylangan pa niya lumapit ng ganon sakin, lumapit siya sakin na parang hahalikan na niya ko,

“Ma… ma…mahilig saaaaan?”

Iniwas ko yung mukha ko sa kaniya, bumibilis nanaman yung tibok ng puso ko, parang sasabog na. hindi ko maiwasan tumingin sa mga mata niya, tapos titingin siya na parang ngaakit, ngingiti, parang ang bagal nanaman ng oras, ang pula pula nung labi niya tapos ang bango bango pa niya,

"He's still my Man"Where stories live. Discover now