CHAPTER 8: SWIMMING & GHOST HUNTING

275 1 0
                                    

CHAPTER 8

SWIMMING & GHOST HUNTING

Tinanghali nako ng gising, pag baba ko nasa beach na daw sila rhianne at kim, kasama sila vince at ilas. si kuya justin na lang at Kevin ung nasa rest house. Nakita ko si kuya justin naka sando na black tapos boardshorts, si Kevin naman naka boardshorts din tapos topless. Maron lang nakasabit na towel sa balikat niya tapos may shades sa ulo.

Kuya justin: “Mukang napasarap ata yung tulog mo, kanina ka pa nga ginigising ni rhianne eh. ayaw mo daw magpagising.”

Kevin: “Napadami ata inom mo eh, o masarap lang talaga tulog mo kagabi.”

Ashley: “Hindi ko maalala na ginising pala niya ko.”

sabay ngiti ko sa kanila. ^^;

kevin: “Napasarap kasi kwentuhan niyo nung mokong yun yung sabihin mo.”

(murmur)

Ashley: “Anong sinasabi mo Kevin?”

Akala naman niya hindi ko maririnig yun, hmp!

Kuya justin: “Mabuti pa maglunch kana, sabay na kayo ni ivan. Tapos sumunod na lang kayo samin ni Kevin sa beach.”

Sabay nakita ko na pababa na rin si ivan sa hagdanan. Lumapit siya agad siya samin.

Kuya justin: “Mabuti nagising ka na din sabay na kayo kamaen tapos sunod na lang kayo samin ah.”

Nakita ko si Kevin na nakatitig lang siya kay ivan. Ayaw pa umalis parang walang naririnig.

“Kevin bingi ka na ba?”

“Ano ulit yun?”

“Sabi ko tara na. lutang ka ba?”

“Dito na lang ako.”

“Anong dito na lang, wala ka naman gagawin dito. Susunod naman sila. Halika na!”

Sabay hatak sa kaniya ni kuya, nung tiningnan ko siya inakbayan na siya ni kuya justin.

“Late kana din pala nagising..”

Si ivan halos kasabay ko din nagising.

“Oo nga eh napasarap daw tulog ko, ginigising pala ako ni bessy hindi daw ako magising.”

“Napuyat ka pa sa kwentuhan kagabi eh.”

“Oo nga noh, hindi ko namalayan yung oras eh. ano? Tara kain muna tayo.”

Nag smile lang siya sakin nun. Tapos sabay na kami kumain. Nagbibiruan pa kami dalawa habang kumakaen. Pag kasama ko siya parang tumitigil palagi yung oras. Kasama ko siya parang wala nako pakialam sa paligid ko. nakatingin lang ako sa kaniya nung nagkwekwento siya. after namin kumain. Nagayos nako tsaka ng palit ng two piece.

 Nagsuot lang ako ng see through tapos nagdala nadin ako ng sarong at shades. Pag labas ko nakita ko si ivan na naka board shorts tapos plan sando na white gamit parin niya yung necklace na bigay ko. Nilapitan niya ko tapos sabay nagsmile siya. sabi niya sabay na daw kami pumunta dun sa beach. Tapos pag dating ko nag susun bathing na sila kim at rhianne.

Kaya inilagay ko na yung sarong, tapos hinubad ko na yung see through. Naglagay na din ako ng lotion tapos humiga nako. Sinuot ko yung shades tapos ng music lang ako. Sila ilas naman kasi nagvideo cam. Pati kami vini-video.

"He's still my Man"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon