CHAPTER 22: REBOUND GUY

220 1 0
                                    

CHAPTER 22

REBOUND GUY

Kuhanan na ng grades namin, ang totoo kinakabahan ako baka bumaba yung grades ko, patay ako pag nagkataon. Si rhianne kasama ko nagpunta ng school. Maaga pa kami kaya tumambay kami sa tvj co. nakakatuwa parang ang tagal ko nawala. Namiss ko yung tambayan.

Maya maya narinig ko nagsalita si vince.

“hisa shi bu ri”

 (hisa shi bu ri- long time no see)

Pag nagsasalita siya nun feeling ko naiintindihan ko siya kahit hindi naman talaga.

Rhianne: “Ano ba pinagsasabi mo dyan??”

Vince: “Rhianne, I said long time no see.”

Rhianne: “Aaahhhhhhhhhhhhhh!! Yun lang pala bakit kasi ng japanese ka pa diyan.”

Vince: “Hindi ko maiwasan, nasanay ako, sa bahay ganun kami magusap.”

Tapos dumating si kim, Masaya obviously matataas nanaman yung grades niya, pinagyabang ni kim yung grades niya kay vince, tapos si vince naman medyo nakabawi kahit papano. Lahat kami nakuha na namin yung grades namin. lahat naman kami tumaas yung grades, baliban na lang kay kevin. Hindi ko pa siya nakikita sa school.

Tinawagan ko si ivan, papunta na pala siya tvj co. hindi pa daw niya tinitingnan yung grades niya kasi baka ma disappoint lang siya.

Nung dumating siya tumabi agad siya sakin tapos hiniga yung ulo sa balikat ko.

“Teka!! Ano problema?? Mababa ba grades mo?? Kala ko ba hindi mo pa tinitingnan. Akin na nga report card mo!!”

“Hindi ko pa nga nakikita eh, ahhhh!! Ikaw kasi eh.”

“Bakit ako?????”

Nung nakita ko yung card niya na shock ako, (disappointed)

Lahat sila naghihintay sa sasabihin ko, si ivan nakahiga parin sa balikat ko tapos nakapikit.

“Tsk.. tsk.. tsk.. hindi ka kasi nagaaral, panay gala ka!!”

Rhianne: “Akin na nga!!!”

Tapos lahat sila lumapit kay rhianne. Ang sama ng tingin nila sakin, hindi ko naman sinasadya na biruin sila. Ang seryoso kasi nila masyado.

Rhianne: “Ano ka ba??? Ang taas kaya ng grades niya!! hay!!” (pout lips)

Vince: “Akala ko bumagsak na siya, nahuli mo ko dun ah!!”

Kim: “Eh bakit parang disappointed ka dyan ivan!!”

Ivan: “Wala sakin yung grades, masakit lang talaga ulo ko.”

Tapos biglang dumating si ilas,

Ilas: “Kanina lang ang ganda ng pakiramdam mo, tapos nung Makita mo si Ashley biglang sumakit ulo mo ah!!”

Ivan: “Tsssss!! Panong hindi sasakit ulo ko nakikita ko pa lang siya sa malayo sumasakit na agad ulo ko.”

Ashley: “Sumasakit pala ah!!”

Kinuha ko yung ulo niya tapos inipit ko ng dalawang kamay

“Aray!!!! Ano ka ba?????”

Nagulat kaming dalawa nung Makita namin na natingin silang lahat samin. (No reaction)

"He's still my Man"Where stories live. Discover now