CHAPTER 25: ANOTHER DAY, ANOTHER WAY

201 1 0
                                    

CHAPTER 25

ANOTHER DAY, ANOTHER WAY

First day nanaman, parang kaylan lang yung first day ko ng second year, ngayon third year na ko, naalala ko lahat nung mga nagyari nung firstday ko, kung paano ko nakilala sila kevin, sa biruan lang nagsimula lahat. Hanggang sa naging close kami lahat.

Ngayon panibago nanaman taon, nakakalungkot lang kasi hindi na kagaya noon, ang dami kong tanong sa isip ko ngayon. Kung kami kami ulit kaya magkakaklase? Si kevin kaya? Paano pag classmate ko nanaman siya ngayon taon, magiiwasan nanaman kaya kami, o baka magkagulo dahil kay ivan.

Speaking of ivan, susunduin kami ng sasakyan ni ivan, nagbihis nako ng uniform, medyo sumikip sakin. Lalong lumiit yung skirt sakin, hindi na ko nagpatahi ng bago saying naman to hindi pa naman luma, inayos ko yung buhok ko tsaka ko dinala yung bag.

Pag baba ko nasa baba na si rhianne,

“Grabe!! Pag firstday talaga excited ka!”

“Hindi naman halata diba? Teka himala hindi ka late nagising?” (-_^)

“Syempre firstday of class ngayon..”

“Dati kasi pag firstday lagi kang late nagigising, nagbago ka na talaga bessy!!!”

“Tssssssssssss!! Kumain ka na nga lang dyan..”

Sabay kami ng breakfast ni rhianne, super daldal niya, nawala tuloy sa isip ko na ayusin yung mga gamit ko, nung kinuha ko yung bag ko nakita ko yung phone ko, may nagtext, nung binasa ko.

1 message receive

From: weirdo guy

            Numb girl,. Gising na papunta na ko dyan, mantika ka pa naman matulog! Wag mo na kakausapin sarili mo dyan ah, baka lalo ka pa magtagal.

Tsssssssssss! Grabe siya, numb girl???? Ang aga ko kaya nagising!! Panong hindi maaga paulit ulit siya sa pagbibilin sakin kagabi. Hindi ako napuyat dahil maaga ako nakatulog, pag kauwi niya kagabi natulog agad ako.

After ng ilang minuto, dumating na siya, narinig namin yung sasakyan sa labas, tama ako siya na nga yun, pinag paalam niya ko kay mommy, nagmamadali din si mommy kasi may work pa siya.

Nasa daan kami napapaisip ako, hindi ako excited pumasok, hindi kagaya noon, hindi ko din alam kung bakit, pagkadating namin sa school, ang dami na agad tao, nung bumaba kami ng sasakyan. Nakatingin samin yung ibang studyante. Hindi ko alam kung ano problema samin.

Nung naglakad kami malapit sa gate ng school narinig ko yung iba naguusap.

“Grabe kasabay pa nila si ivan, ibang klase!”

“Ang swerte naman nila.. isipin mo magkakabarkada na sila,”

“Alam mo ba yung about dun sa girlfriend ni kevin???”

“Narinig ko na nga yun?? Totoo ba yun??”

Alam ko naman na ako yung pinaguusapan nila, siguro isa na din ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako excited pumasok, alam ko na kilala si kevin at hindi maiiwasan na pagusapan kami. Nakakainis lang kasi kaylangan ko magpretend na walang naririnig.

Pag lapit namin sa board nakita ko agad si vince, hinanap ko yung name ko, peace yung section ko. tapos tumabi sakin si ivan nakangiti.

Ivan: “Pagkakataon nga naman”

"He's still my Man"Where stories live. Discover now