Chapter 88: SPG III

4.7K 64 5
                                    

ARMIE POV

Dumating ang araw na kinatatakutan namin. Well, dati yun. Now we are confident that everything is will be okay.

Everything is clear and we thought about everything with the help of Paul of course. confident kaming wala ng magiging problema.

"Thank you Mr and Mrs Delos Reyes"

"Thank you din po prosecutor" masayang paalam ko sa kanya.

Sa wakas tapos na!

"We need to celebrate baby" sabi niya sakin pagkaalis na pagkaalis ng sasakyan ni Prosecutor De Silva. "okay na ang lahat. I love you" sabi niya at niyakap ako.

Ginantihan ko rin siya ng mahigpit na yakap. Ngayon kasing wala na kaming kasong kinakaharap ay mas gumaan ang pakiramdam namin. Mas naging makatotohanan pa ang lahat ng imbitahin namin siya sa kasal namin by the end of this year. renewal of vows namin after years of separation.

We consider our coming baby a blessing. Simula ng malaman kong buntis ako nagsimula ng maging okay ang lahat. Never kong niregret na dumating siya kahit pa noong akala ko hindi si Navi ang ama. Ngayon darating na siya, mas naging masaya kami.

"Date tayo?" Tanong ko.

Isang ngisi naman ang ibinigay niya. Last time na nagdate kami naka home run siya eh. Come to think of it, every date namin homo-home run siya.

"Not the american way of dating" pahabol ko.

Mukhang nadismaya naman siya.

"Bawal na ba? Ano bang sabi ni Mareen?" Tanong niya.

"okay pa naman. hindi bawal ang home run sa buntis. pero ngayon ayaw ko ng american way of dating. gusto ko na ng normal date. Sabi mo babawi ka. Lagi na lang na-sskip yun" reklamo ko.

gusto ko naman yung nood ng sine, kain sa labas, kwentuhan sa harap ng beach. nakakamiss din kasi yun at wala pa kaming nagagawang ganun ni Navi.

"Okay. kung ano ang gusto ng baby ko yun ang masusunod" ngiting sabi niya.

Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil dun.

"Mga lalaki talaga kapag nanliligaw sobrang sweet" pang-aasar ko.

"Syempre kailangan naming mapasagot ang babeng mahal namin. kaya dapat extra sweet."

"Tapos kapag kayo na lalabas na ang tunay na kulay"

"At wala ka ng paki dun dahil mahal na mahal mo na ko"

"Tsss! Hindi man lang nagdeny"

Niyakap niya ako.

"Bakit ba ganyan ka mag-isip? Pregnant hormones again? Kelan ba lalabas si baby boy para naman maramdaman ko na ang sweetness ng dating Armie na minahal ko. lagi ka kasing nagsusungit."

"So hindi mo na ako mahal dahil buntis ako?" tanong ko.

Natawa naman siya "ang cute mo" sabi naman niya.

"Tse!" Inalis ko ang kamay niya sa pagkakayakap sakin at tsaka umalis.

"Yung date natin ah. Be ready in an hour" habol niya sakin.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon