Chapter 09

6.6K 101 2
                                    

ARMIE POV

Tinawagan ko si Mama at sinabi ko na nag-bar kami ni Diane. Napagalitan pa nga niya ako dahil kadarating ko pa lang daw at may sakit ang anak ko ay nagagawa ko pa daw pumarty.

Yeah I'm 30 years old at pinapagalitan pa rin ng magulang. Inexplain ko naman kay Mama ang napag-usapan namin ni Diane at pinaintindi na sinabi ni Diane na kailangan ko ito after all that happened today.

Nag-usap na rin nga sila ni Mama, malamang pinabantay ako dito sa pinsan ko. okay lang naman sakin na ganun at least pinayagan diba?

here I am looking like a teenager. Mas bantay sarado pa nga sila sakin kesa kay Candy eh. to think ako ang panganay saming magkakapatid. Ako ang nabebeybi nila Mama eh.

Pinaalalahanan naman ako ni Mama. Wag daw akong uminom ng marame at sa bahay or sa condo na lang daw ako dumiretso pagkatapos ng lakad namin. Wag ko na raw guluhin si Paige sa ospital lalo na pag nakainom ako.

sinabi ko naman na konti lang ang iinumin ko pero sabi ni Mama wag na raw ako babalik doon at baka magising ko lang si Paige.

Hays! I guess tama siya. it's time to unwind. Okay naman na ang anak ko. she's safe. Nothing to worry about. Malapit na rin siyang madischarge. Ang kailangan ko lang gawin ay kalimutan ang mga problema ko.

"wait lang tatawagan ko lang yung dalawa" sabi sakin ni Diane. Andito na kami sa isang bar sa Timog, Pandora Bar ang pangalan.

Medyo maaga pa dahil alas nuwebe pa lang. kumain kami ni Diane sa isang resto bago kami dumiretso dito. Nagutom kasi ang loka. Dapat silang pamilya ay magdidinner sa bahay ng manugang niya ang kaso yung mag-ama lang niya ang andun dahil siya ay kasama ako.

"andito na ba si Kate?" tanong ko.

"yes kakauwe niya kahapon"

"wooah di nga? akala ko nasa honeymoon pa siya."

"wala na. one month lang ang honeymoon nila nag extend na nga sila ng another 2 weeks eh-shhhhhh" di na niya natapos ang sasabihin niya dahil may sumagot na ata sa kabilang linya.

"hey Kate! Kumusta ang honeymoon?" tanong niya. Nakita kong tumatango tango lang si Diane at halatang sumasang-ayon sa mga sinasabi ni Kate.

"May balita ka ba kay Mie?" tanong niya. Nakamasid lang ako sa kanya. gugulatin pa ata niya ang babaitang kausap niya.

"well-" pabitin na sabi niya. "nasa harap ko siya ngayon" sagot nito tapos sumunod ang malakas na tawa. "seryoso ako" sabi niya pa. mukhang hindi naniniwala si Kate sa sinabi niya.

"oh" abot niya sakin ng phone. Nakangiting kinuha ko naman ito.

"hello" mahinang bati ko.

"Mie?"

"yes Kate"

"ay gaga ka bakit di mo sinabing uuwe ka?" ayan na naman ang matabil niyang dila.

"biglaan eh. naaksidente kasi si Paige"

"ano naaksidente ang inaanak ko? kelan? paano? anong nangyare?"

"kahapon. Nung nalaman ko agad akong nagpabook ng flight ko. kadarating ko lang kanina."

"nasa hospital kayo?"

"wala. Ikaw ba nasaan?" tanong ko.

"andito sa bahay"

"invite her" bulong sakin ni Diane

"busy ka ba?" tanong ko.

"OMG! Wag mong sabihing lalabas tayo?" tanong niya.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now