Chapter 25

4.2K 75 3
                                    

NAVI POV

Pumupungay pungay na ang mata ko at di ko na mapigilan ang antok. Napatingin ako sa orasan at alas dose na.

Gusto ko ng matulog kaya lang binabantayan ko si Mie. wala akong tiwala sa mga nurses sa ward dahil nakakatulog din ang mga yan dahil sa pagod sa work. baka makaalis si Mie ng di ko napapansin.

Kanina ay pinaayos ko sa IT department ang CCTV sa hallway ng third floor para maikonect sa TV screen sa kwarto ko.

Makikita ko kapag lumabas ng kwarto si Mie. kanina pa ko nakatingin dito at hindi na siya lumabas simula pa kaninang umalis si Diane.

Sinabihan ko ang nurses station kanina na wag ng maglabas pasok sa kwarto nila Mie dahil ayokong magambala sila.

Paige is totally fine. Nakasama ko siya kanina kaya alam ko okay na siya. Sabi ko kapag tulog ang magkapatid ay wag na silang magrounds dun. tomorrow morning na lang at isa pa nurse naman si Mie alam niya ang kailangan ng kapatid niya.

I don't care kung stalker na ang tingin niyo sakin dahil sa ginagawa ko. Ngayon lang naman ito. natatakot lang ako sa gagawin ni Mie.

She's not sure of what happened last night pero may alam siya. I left a mark of what happened last night and I know it still hurts. I saw it from the way she walks. Hindi lang niya masyadong iniintinda dahil na rin siguro sa dame ng iniisip niya.

Yun din ang napansin ko sa kanya kanina. bukod sa mabilis siyang magalit at napakareserved niya. Napapansin ko ang pagiging tulala niya.

Baka iniiisp niyang napagsamantalahan siya kagabi. who wouldn't be? naglasing ka tapos nagising ka nalang nasa ibang kama kana. 

Bakit ba kasi may ganung tendency si Mie kapag lasing? ang bilis makalimot? ako naman kapag nalalasing naalala pa rin ang mga nangyare at ginawa ko nung mga panahong yun. kahit ang mga kaibigan at kakilala ko ay ganun din.

Siya lang ata ang kilala kong nabablack out kapag lasing.

napapikit ako dahil na rin sa sobrang antok. siguro sa mga oras na to ay tulog na si Mie. gigising na lang siguro ako ng maaga bukas para mabantayan na naman siya.

Inayos ko ang higa ko hanggang sa makatulog ako.


ARMIE POV

napabangon ako ng mapanaginipan ko Navi. habol-habol ko ang hininga ko at pakiramdam ko ay pawis na pawis ako.

tinignan ko ang paligid at napagtanto kong nasa hospital ako at wala sa kung saan. Akala ko nasa ibang kwarto na naman ako.

Napatingin ako sa kama at nakitang si Paige ay tulog na.

napatingin din ako sa orasan at alas dose na.

shit na panaginip yan oh. I dreamed about me and Nav doing nasty things. I shivered at the thought. para kasing totoo kaya naman pinilit kong magising. pumasok kasi ulit sa utak ko na baka nararape na naman ako.

ganun kasi ang pakiramdam ko kagabi. I dreamt about making love with Navi at sa sobrang tagal ng panahon yun ay bumigay ang katawang lupa ko then nagising na lang ako nasa ibang kwarto na ko.

Ayun natrauma na ata ako sa nangyare kagabi kaya ng pakiramdam ko ay totoo ang panaginip ko ay pinilit kong gumising at tama nga ako. panaginip lang.

bakit ba kasi kagabi hindi ko pinilit gisingin ang sarili ko. hays! dahil na rin siguro sa dame ng nainom ko kaya di ko rin nakontrol ang katawan ko. parang bigay na bigay naman ako sa one night stand! kainis oh!

tumayo ako at tsaka inayos ang sarili. ayoko na ring matulog ulit. baka mamaya may second round pa ang panaginip ko.

Umupo ulit ako ng di ko alam ang gagawin ko.

nagtatalo ang isip ko kung lalabas ba ko o hindi. ang sabi kong pagpapahinga ng mata ko sandali ay tumagal. nakatulog ako ng di ko namamalayan.

ang tagal ko pang nag-isip bago ko napagpasyahang tumayo.

bibili ako ng emergency pills. hindi ako dapat tamarin at baka pagsisihan ko ito sa mga susunod na buwan.

kinuha ko ang wallet ko. ibinigay na rin ni Diane ang bag ko na naiwan sa sasakyan niya kahapon. dahan dahan akong lumabas sa kwarto ni Paige. sinusubukang wag gumawa ng ingay.

naglakad ako papuntang nurse station. Busy ang mga nurses sa pagsusulat.

"Nurse" tawag ko sa atensyon nila.

Napatingin sila sakin. tatlong nurses sila.

"Ano po yun mam?" tanong ng isa.

"Aalis lang sana ako sandali. mga 15 minutes lang siguro pwedeng pabantay ang kapatid ko sa room 302"

"302 po?" tanong ng isang nurse

"oo. Paige Perez. wala kasing bantay eh. hindi naman magigising yun. pakisilip silip lang. wag lang masyadong maingay pag bukas ng pinto dahil iiyak yun kapag nagising at nalamang wala ako sa room niya."

"saan po ba kayo pupunta mam?"

"may bibilhin lang ako. mga 15 minutes lang ako"

malapit lang naman yung mercury dito. open din yun 24 hours. alangan naman yung PA kaninang umaga ay yun pa rin ang PA ngayon. malamang iba na kaya hindi na nakakapagtaka kung bumili ulit ako.

"o sige po mam" sabi nung nurse

ngumiti naman ako at umalis na.

wala ng masyadong tao sa hospital. madaling araw na rin kasi. napadaan ako sa reception pero wala akong nakitang tao.

nagtuloy tuloy ako sa paglabas. Ang dilim na. napangiti ako bigla. namiss ko rin ang gabi ng Pinas. yung ganitong tahimik lang.

nagmadali na kong maglakad dahil na rin kay Paige. Natatakot akong magising yun ng wala ako. tiwala naman ako sa mga nurse dun na babantayan nila ang anak ko.

Papara na sana ako ng tricycle ng may biglang humawak ng kamay ko at ibinaba ito.

 nagulat naman ako at agad umiwas ngunit nahawakan nitong mabuti ang kamay ko.

Sisigaw na sana ako ng banggitin niya ang pangalan ko.

Napaangat ako ng tingin sa kanya at nanlaki ang mga mata ko ng malaman kung sino.

"Nav" tawag ko sa pangalan niya.

Ano na namang ginagawa niya dito?

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now