Chapter 46

4.1K 69 2
                                    

ARMIE POV

"pwede na nating tanggalin ngayon pero dapat mag-ingat na si baby girl" ngiting sabi ni Air kay Paige.

"kaya mo bang hindi maglikot Paige?" tanong ko naman

"yes mee"masayang sagot niya.

"okay tatanggalin na natin to" sabi ni Air kaya sobrang tuwa naman ni Paige.

"nagheal na ang fracture niya. madali lang talaga ito kapag bata pa." sabi ni Air sakin at pinakita ang Xray ni Paige. connected na nga ang fracture at mukhang okay na.

kahit naman na nurse ako ay wala naman akong alam sa pagbabasa ng Xrays.

pumasok kami sa maliit na kwarto sa loob ng clinic ni Air. humiga sa bed si Paige at inayos ng nurse ni Air ang cast cutter.

"mee" tawag sakin ni Paige ng maring niya ang tunog ng cast cutter. halatang takot ito sa nakita. akala siguro niya ay lalagariin ang paa niya.

kahawig kasi ito ng isang chainsaw pero malaki pa rin ang pagkakaiba. 

sa takot ni Paige ay ayaw na niyang ipatanggal ang cast niya. lalo na ng idikit ito ni Air sa cast niya. di ko tuloy maiwasang matawa.

"baby girl hindi masakit to" sabi ni Air.

pinakita pa niya ang pagdikit nito sa balat niya. pati ako ay namangha. 

sorry naman ngayon lang din ako nakakita noon. 

tumatagos siya sa cast pero hindi sa balat.  hindi ka talaga masasaktan pero iba pa rin ang dating nun kay Paige.

"ayoko na mee" sabi ni Paige at naluluha na ito.

"sweetheart it's okay. close your eyes para di ka na matakot" sabi naman ni Nav

"dee" tawag naman sa kanya ni Paige.

gusto ko nga sanang sabihing siya na lang ang magtanggal ng cast dahil alam ko mas magiging komportable si Paige kapag daddy niya ang nagtanggal, ang kaso hindi naman forte ni Nav ang ortho. si Air ang mas nakakaalam nun.

hinawakan ko si Paige at si Nav naman ay hinarangan si Air sa paningin ni Paige.

Sinumulan nila ang pagtanggal ng cast at nagsimula na rin ang pag-iyak ni Paige. inaalo namin siya pero patuloy lang ang pag-iyak niya. 

nang matapos ay panay na lang ang hikbi niya. natatawa nga ako sa itsura niya dahil mukhang nagpapaawa pa.

"aww" reklamo ni Paige at nilayo pa ang paa kay Air. ginalaw galaw kasi nito ang paa ni Paige.

"kailangan niyang igalaw galaw ang paa niya" payo ni Air. "can you walk baby?" tanong nito sa anak ko.

bumaba ng bed si Paige at inalalayan ko sa paglakad. panay ang iling nito. masakit daw at naiiyak na naman siya. gusto na nga nitong magpabuhat kay Nav.

"i think we need physiotherapy" sabi niya samin ni Nav

"sige kami ng bahala. daan nalang kami dun" sagot naman ni Nav

"ilang physiotherapy ba ang kailangan?" tanong ko naman

"5 sessions for now then tignan natin ang progress" sagot nito.

napaisip naman ako dahil nga kailangan ko rin magwork. yung trabaho ko sa Texas paano na? ayoko namang iwan si Paige na ganito pa ang sitwasyon niya. at tsaka pala paano ang panliligaw ni Nav? paano ko mabubuo ang pamilya ko kung babalik pa ko ang Texas?

nadagdagan na naman ang alalahanin ko. biglang ang dame ko na namang kinokonsidera sa gagawin ko.

do i need to stop my work? pero sayang iyon. ilang bwan na lang ay pwede na akong mag-apply for residency sa US.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon