Chapter 08

6K 108 3
                                    

AIR POV

Nabitawan ko ang hawak hawak kong ballpen ng marinig ko ang sinabi sa kabilang linya.

She's back! Armie Perez is back.

"hey honey are you okay?" napatingin ako sa babaeng hindi ko inakalang mamahalin ko ng sobra.

"I'm fine honey. Nagulat lang ako sa balita"

"what news?" tanong niya at lumapit sakin. andito kasi ako sa study table sa loob ng kwarto namin. may tinitignan lang akong papers na pinadala sakin ni Daddy ng tumawag ang kaibigan kong si Ian para sabihin sakin ang balita.

"Armie Perez is back"

"Armie Perez? Who the hell is she?!" tumataas na ang boses niya.

"a friend. an old friend" sagot ko

"really?" did I say she's a little possessive of me.

"hon Armie Perez. You know her" I said

"so should I know all the girls you hook up with?"

did I say I love her. Oh yes I do.

"hon she's not my girl or one of my girls. but I like her though." Pang-aasar ko sa misis ko.

"AIR!" sigaw niya. Nagtransform na naman sa dragon ang asawa ko.

"kidding honey. Armie Perez, pinsan ng bestfriend mong si Ayaka Perez-Smith"

"oh" nagulat siya at nanlaki ang mata. "yung ano, yung-"

"yes honey. Ang babaeng kinabaliwan ni Navi"

"OMG!" nanlalaking matang sabi niya. napatakip na rin siya ng bibig sa binalita ko.

"yah kahit ako nagulat din." sabi ko.

"andito na siya? I'm gonna call Aya" sabi niya at nagmadaling hinanap ang phone niya.

"and I'm gonna call Nav" sagot ko kahit hindi na niya ko pinapansin. Mga babae talaga basta tsismis nakakalimutan ka.

Calling Navi Delos Reyes...

"hello" sagot sa kabilang linya

"nasaan ka?" tanong ko.

"NLEX"

"pauwe ka palang?"

"yes. Why?"

"have you heard the news?" tanong ko kahit alam ko ng nakapag-usap na sila ni Ian. Sabi nga ni Ian ay binabaan siya ng phone nito.

"if you're pertaining to what Ian said then yes. I heard the news"

"anong plano mo?" tanong ko.

"wala"

"oh come on pare ano?" imposibleng walang plano tong lalaking to. Ang tagal kaya niyang inantay si Mie.

"I'm tired Air. The whole medical mission, the trekking and now the driving. I can't think of her right now" sagot nito.

"like I would believe you"

narinig ko ang buntong hininga niya. I know she thinks of her everyday, kaya workaholic yung taong yun dahil na rin kapag wala siyang ginawa nakatunganga siya sa laptop niya. At anong ginagawa niya? Browsing old photos of Mie with him. Nakakabaliw no? buti na lang kaibigan namin si Ian at naagapan pa ang pagkabaliw ng bestfriend ko.

"oh wait lang. tama ba ang naring ko? nagtrekking ka?" tanong ko.

"yes!"

"sa Pampanga?"

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now