Chapter 47

4.3K 68 3
                                    

ARMIE POV

Dumaan ang mga araw at talaga namang pinanindigan na ni Nav ang panliligaw kuno niya na sinama pa nga si Paige sa panliligaw. 

Sa tuwing may bulaklak ako ay meron rin siya. Sa tuwing may chocolates ako ay meron din siya. Sa tuwing may pagkain ako ay meron din siya at Sa tuwing may regalo ako, meron din siya.

Sa tingin ko nga ay namumulubi na si Nav saming dalawa ni Paige. Ang pinagkaiba lang namin ni Paige ay nakakasama ko sa dinner ang daddy niya.

Dinadala nga ako ni Nav sa mga fancy restaurants pero mas gusto ko yung simple lang. kahit ang pagkain sa sasakyan niya sa gitna ng traffic ay okay lang sakin as long as kasama ko siya.

Aww ang korni ko.

Alam niyo naman kailangan pang mag-ayos ng bongga para lang mga mamahaling restaurants na yun. Hindi naman ganun karame ang dala kong mga gamit nung umuwe ako. 

Yung mga damet na meron naman ako rito ay mga luma na at hindi babagay sa fashion na meron ngayon.

Kung titignan nga ang baduy ng mga damet ko noon. Ang maganda lang naman ay kahit papano ay kasya pa rin sakin ng mga damet ko na 10 years ago pa ata ang iba.

heto nga ako ngayon at tinutulungan ni Paige sa pag-aayos ng cabinet ko.

"mee ito po?" pakita niya sakin ng damet ko na barbie ang disenyo.

"pati yan Paige" sagot ko naman. 

Inilalagay kasi sa mga kahon ang mga gamit na di ko na kailangan. kung baga nag-gegeneral cleaning kami ni Paige ng kwarto namin.

Ang mga mahahalagang gamit namin ay itatabi at ang hindi na kailangan gaya ng mga damet, bag, sapatos na pwede pang mapakinabangan ay idodonate namin.

inihiwalay ko ang mga gagamitin ko pa sa hindi ko na ginagamit. si Paige ang naglalagay sa box ng mga ipamimigay namin.

"mee akin na lang po ito" sabi niya. lumingon ako sa kanya at sinabi niya ang "please!" 

nagawa pa niyang magpa-cute sakin. malaki ang damit na iyon para sa kanya pero naadict na siya sa barbie ngayon kaya naman hindi na ko magtataka kung gustuhin niya pa yun.

"okay baby and also kapag may hindi ka na kasyang damet ibigay mo na rin" sabi ko.

napasimangot naman siya sa sinabi ko.

Hay bata nga naman. umandar na naman at ang pagiging madamot ng anak ko. Spoiled kasi siya kina Mama at sa mga kapatid ko eh. Tsk! isama mo pa si Nav na iniispoiled pa lalo siya.

Sa isang beach resort gagawin ang birthday ni Paige. Sa Subic iyon. Malayo nga kung tutuusin. pero sabi ko nga magkakampi ang mag-ama ko at pinilit ako sa Subic na yan. ewan ko kung ano ang mga pinagsasabi ni Nav para maengangyo si Paige.

Ayos lang naman din kina Mama yung lugar para naman makapagpahinga din daw. Sa mga kapatid ko naman ay walang problema. Buti na lang daw ay nagkataong Sabado ito kaya walang pasok. Si Dan naman ay susunod na lang after ng Saturday class niya. morning lang naman iyon.

Konting araw na lang ang inaantay ko bago ko sasabihin kay Navi ang totoo. 

We're fine. totally fine. Pinapakilig pa rin niya ako kahit sa mga singhal niya.

Hays! nag-away kasi kami kagabi dahil na rin kay Eros, my friend in Texas, na inakala ni Nav na boyfriend ko. 


NAVI POV

Flash back...

Day 5 na ngayon ng panliligaw ko kay Mie. I'm counting days because i can't wait to propose to her. I'm thinking maybe after a week ng pagiging kami ay pakakasalan ko na siya. Sana she will say yes.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now