Chapter 24

4.5K 75 6
                                    

A/N:

Guys may pinalitan na naman ako. Hahaha.

Yung "mie" ay ginawa ko ng "mee"

Yung "die" ay ginawa ko ng "dee"

Wag na kayong magtaka sa next updates kung ganun na ang ginamit ko. Kasi naman kapag "die" ang gamit ko parang namatay lang si Navi kaya "dee" na lang.

~~ Erina ~~

-------------------

ARMIE POV

Pagod na pagod ako at gusto ko ng matulog dahil napuyat ako sa kung ano mang ginawa ko kagabi pero hindi ko magawa dahil naalala ko na naman yung nangyare kagabi ng umihi ako. Nakakita kasi ako ng kissmark sa binti ko. Hindi ko yun napansin kaninang naligo ako.

Hayop talaga yung rapist na yun!

Ayokong iwan si Paige kaya hindi ako makalabas para bumili ng lecheng pills na yan.

RING

Candy Calling...

kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag ng kapatid ko.

"yes Cands"

"Ate pupunta pa ba kami ni JB dyan?"

"kayo. kung gusto niyo" sagot ko.

"sabi ni Mama wag daw muna kaming pumunta dyan." napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya.

"nasabi na ba ni Mama ang dahilan?" tanong ko.

"oo dumating daw yung daddy ni Paige eh. grabe ate hindi ako makapaniwala." nang marinig ko yun alam kong nasabi na ni Mama ang totoo sa mga kapatid ko. akala ko naman ako ang magbabalita sa kanila pero mas nauna pa si Mama.

"Nasaan ka?" pag-iiba ko ng usapan.

"kakatapos lang naming mag dinner ni JB."

napatingin ako sa orasan at mag 7pm na pala. ang bilis bigla ng oras samantalag kanina gusto ko ng matapos kaagad ang araw na to.

"okay ka lang ba dyan?" tanong sa kabilang linya.

"oo okay lang ako. pinauwe ko na si Mama sabi ko ipaasikaso niya yung canal sa tapat ng bahay. patakpan na dapat yun para wala ng madisgrsaya pa. ako na lang magbabantay kay Paige. bukas naman lalabas na siya"

"so di na kami pupunta?"

"kayong bahala. wala naman dito si Nav kaya okay lang. di naman na siguro yun pupunta ngayon"

"Ate si Kuya Navi talaga ang daddy ni Paige?" tanong niya.

"oo" pagkukumpirma ko. anong pang dahilan para ideny ko diba? alam na rin naman ng lahat sa pamilya.

Isang tili ang narinig ko sa kabilang linya kaya nailayo ko kaagad ang phone ko.

"OMG ate ang landi mo! paano? I mean wala kang nakukwento" sabi niya.

napairap naman ako sa sinabi niya. Malandi talaga? si Nav lang ang nilandi ko sa buong buhay ko ah.

"ano yun idedetalye ko pa kung paano namin ginawa si Paige?" tanong ko.

"pwede din" sabi niya sabay tawa. ayan ganyan na yang si Cands dati pa. ang harot harot. sila ng barkada niya naku sobrang wild nung kabataan hanggang ngayon pa rin ata. "joke lang ate hindi naman yun ang gusto kong malaman. alam ko namang boring yung iyo."

hayop talaga ang babaeng to! "anong boring?"

"ang sex life mo."

"gaga ka. halika dito ng masabunutan kita"

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now