Chapter 63

3.7K 60 5
                                    

A/N:

I know marame sa inyo ang gusto ng matapos ang story na ito, pero ako ang author at ganito ang flow ng story na gusto ko. Hindi ko naman kayo pinipilit na basahin ang story na ito. You can stop if you think it's not worth the read.

But for those who's patiently waiting for my update, thank you guys. Busy lang din kasi ako sa work kaya hindi ko maharap ang magsulat. Besides, this is not my first priority. I am happy for the support you're giving to my stories. Please continue to vote and share my stories. Love you guy!!!!

Erina

-----------------------------------------------------//

ARMIE POV

Nakaalis na si Mareen pero ako ay tulala pa ring nakaupo sa driver seat ng sasakyan. Hindi ko mapaandar ang makina dahil masyado akong nahihirapan sa sitwasyon ko.

bakit kailangang maging kontrabida ni Mareen sa love story namin ni Navi?

Ang lahat ng maling desisyon namin ni Navi noon ay hinahabol kami ngayon. Hindi ko alam kung paano ako nakauwe sa bahay. Lutang na lutang ang isip ko sa mga  pangyayare.

bakit kailangan umikot 360 degree ng buhay ko? bakit ang bilis lang kunin sakin ang kasiyahan ko? bakit ba puro na lang ako problema?

"oh anak anong nangyare sayo? okay ka lang ba?" tanong ni Mama sakin.

"opo. si Paige po Ma?" tanong ko rin. hindi ko man lang napansin na nasa paligid pala siya.

"nasa taas. baka nanonood ng barbie" sagot niya.

tumango lang ako at naglakad na paakyat ng hagdan.

"anak" tawag sakin ni Mama kaya lumingon ako.

"Kung may problema ka pwede mong sabihin kay Mama" nag-aalalang sabi niya.

That moment gusto ko ng umiyak, tumakbong yumakap at magsumbong sa kanya. Pero big girl na ako. ayoko na rin mag-alala siya sa problema ko.

"wala Ma. okay lang po ako. pagod lang siguro. Pinuntahan ko pa kasi sila Cass" pagsisinungaling ko.

"okay. kumusta naman sila?"

"okay naman po"

"sabihin mo dumalaw dito ng maipagluto ko. hindi naman ba sila pihikan sa pagkain?"

ngumiti naman ako sa mga tanong ni Mama. parang anak na niya kasi ang mga kaibigan ko. si Diane nga ay spoiled din ni Mama sa mga pagkaing gusto. paano kaya kapag nalaman niyang ako rin ay buntis?

"wala naman po silang nasasabi. pero sige po Ma sabihan ko silang dumalaw dito" sagot ko.

"sige. o eh kayo ni Navi? kumusta?"

ngumiti ako sa kanya "okay naman po."

"anak hindi na tayo nakakapag-usap. ano na bang plano mo sa buhay mo?"

ito namang si Mama aakyat na nga ako sa taas ay ang dami pang tanong. gusto ko na lang makapagpahinga eh. matapos ng mga nangyare ay hindi na ko makapag-isip pa ng iba.

"Ma hindi ko pa po naiisip ngayon. Alam niyo naman po ang problema ko" sagot ko.

"hanggang ngayon ba ay hindi mo pa nasasabi kay Navi ang totoo. ayos naman na kayo. matutuwa si Paige kapag magiging buo ang pamilya niya"

"yun din naman po ang gusto ko Ma"

Lumapit ako sa kanya at bigla siyang niyakap. naramdaman ko ang pagtapik niya sa likod ko.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now