Chapter 86: The End

5K 97 14
                                    

NAVI POV

Hindi na kami matapos-tapos sa pag-aayos para sa mangyayare mamaya. bandang alas diyes nang umaga ay dumating na ang mag-aayos ng event mamaya. Maagang nagsimula para lahat mamaya ay handa na.

Panay din ang utos ni Arabella, ang event coordinator namin, para mailagay ang lahat ng kakailanganin. Nang dumating ang tanghalian ay medyo may improvement na.

Mabusisi pala ang pag-aayos nito. Akala ko dahil naplano na ay mas madali itong magagawa. Hindi pala. kapag pala inimplement mo na ang plano ay mas mahirap pala.

Sa mga props na gagamitin ay kinailangan pa naming magtawag ng iba para makatulong. Si mommy ay pinatulong na sa amin ang mga kasambahay para mas mapadali. Maging si Raisa ay dumating din para tumulong at ang kapatid ko ay walang nagawa sa gusto nito. Imbis na mamaya pang hapon ang dating ni Carlo ay napaaga din ng malamang magpunta si Raisa dito.

Sa garden gaganapin ang proposal ko. sa mga oras na ito ay may tinatayong gazeebo kung saan ako mismo luluhod at aayain siyang magpakasal.

napractice ko na ito ng ilang beses pero ngayong palapit na ng palapit ay mas kinakabaha ako.

Baby Mie Calling...

"Hello sweetheart" sagot ko. 

Sana ay maging maganda ang panahon. Napaka-init na ngayong alas dos ng hapon. Sana naman hindi umulan kundi masisira ang lahat. hindi kami prepared kung sakali mang umulan.

"dee ready na ang handa for Christmas. nasaan ka na?" Tanong niya sa kabilang linya.

napangiti naman ako.

"nagreready na kami para sa surprise kay mommy" sagot ko.

"talaga? can i see it dee? please?" kahit hindi siya nakikita ay alam kong nagpapacute ito.

"no! not until you and your mee comes here. it's not yet set sweetheart. why did you call?"

"kasi kanina ka pa namin hinihintay ni mee"

"where is mee?" tanong ko.

"natutulog dee. lagi na lang natutulog si mee" reklamo niya.

"that's normal. kailangan kasi niya ng strength para sa kanila ni baby"

"gisingin ko pa siya dee? so you can talk to her."

"no need. i will see you later "

"uuwe ka na dee"

"if your mommy misses me uuwe na ako."

"okay i will ask her"

natawa naman ako.

"Paige sweetheart. wala kang sasabihin kay mee tungkol sa suprise okay? can i trust you on this?"

"yes dee"

"whatever your mee ask you, you will keep silent. is that okay?"

"yes dee"

"promise?"

"promise"

"very good. now be a good girl and give daddy a kiss"

"muah! i love you dee"

"love you too princess"

Nagpatuloy ang pag-aayos namin at nang alas singko na ng hapon ay halos tapos na. Titignan na lang namin ang kalalabasan kapag gabi na para sa mga lights.

"Uuwe muna kami kuya tapos babalik na lang mamaya" paalam ni Carlo. Nasa tabi nito si Raisa na halatang nag-enjoy sa pag-aayos dito, wala nga ata siyang balak umalis ang kaso sa itsura ng kapatid ko, he cannot take a no for an answer.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now